21 Years Ago Sa loob ng isang five star hotel mahimbing ang tulog ni Antonio. May malaking itim na aso ang biglang umakyat sa kama at pinagdidila ang binata. “Ano ba, gusto ko pa matulog babe” bulong ng binata sabay hila sa kumot. Lalo siya pinagdidila ng aso kaya lalo nairita si Antonio. “Alam ko gwapo ako pero kailangan ko din matulog babe” sabi niya at pagmulat ng mata niya napatalon siya sa gulat. “Kajaro!!! Bad dog!!!” sigaw niya at sa isang tabi tawa ng tawa ang isang higante. “Hoy Antonio magsaplot ka nga” sabi niya. “Barnok naman e! Bakit ka nandito at bakit mo naman dinala tong demon dog mo?!” sigaw ni Antonio at sa isang pitik ng kamay nakadamit na siya. Napakamot ang binata, matangkad siya, matipuno ang katawan at gwapo. Dinilaan niya ang daliri niya sabay inayos ang kanyang m

