Lumipad sa ere ang mga anghel, tuwang tuwa ang mga sakay nila pagkat ngayon lang sila nakalipad. Pataas sila ng pataas sa mga ulap, dinig na dinig ang tawa at saya ng ni Barubal at Bea, si Benjoe maingat ang pagyakap kay Angela pagkat mahigpit siyang tinititigan ni Ayesha. “Close your eyes!!!” sigaw ng isang anghel. Sa sobrang excitement ay di ginawa ng mga demonyo kaya nabulag sila nang parang pumasok ang mga anghel bigla sa isang liwanag. Nang nakakita na ang mga demonyo mas namangha sila sa napakagandang lugar na puno ng puno at mga halaman. May magagandang bahay na nagkalat sa paligid at kitang kita nila sa baba na ang daming mga anghel na nakaputi na nakatingin sa kanila. Lalapag na sana ang mga anghel pero napansin ni Benjoe ang saya sa mukha ng mga kasama niya. “Ah wag muna, ikutin

