Tatlong Saturnino ang nagkaharap habang umatras si Basilio at pinagpatuloy ni Selya ang pag gamot sa kanya. “Kung ano kaya mo kaya namin” landi ni Chappy. “We copy and paste, as simple as that” banat naman ni Pestene. “Hindi ba kayo nahihiya? Umaasa kayo sa kapangyarihan ng iba? Bakit di niyo nalang gamitin kapangyarihan niyo para gumawa ng sariling pangalan?” tanong ni Saturnino. “Bakit pa? Inggitera kami e. Bakit pa kami magpapakahirap kung mas madaling paraan ito diba?” paliwanag ni Chappy. “Pag naligpit ka namin kami na ang sisikat, mananatili kapangyarihan mo sa amin at bibilib na ang karamihan sa amin” sabi ni Pestene at napangisi si Saturnino. “Tama na ang satsat, para na tayong pelikulang Pinoy!” sigaw niya at sinugod niya yung dalawa. Sumugod narin ang mga pekeng Saturnino, nawa

