Ika huling araw ng Oktubre nakatayo si Benjoe sa harapan ng gate at tinutulungan umatras ang kotse nina Maya. Pagkalabas ng kotse sinara ng binata yung gate at pumasok narin sa sasakyan. Agad kumandong sa kanya si Mina na nakasuot ng baby demon costume, inayos naman ni Bejoe ang headband ng bata na may dalawang maliit na sungay. Katabi niya sa likod ng kotse si Maya na nakausot ng puti na dress at pakpak sa likuran. Pati ang mga magulang ng dalaga sa harapan nakacostume, patungo sila lahat sa mall kung may isang malaking Halloween party na magaganap. “Kuya bakit kasi naka all black ka? Ano ba kasi costume mo?” tanong ni Mina. “Ah Angel na nadumihan ang damit?” banat ng binata at natawa ang kanyang nobra. “Hindiiii!!! Kuya dapat devil ka din kasi gumawa si ate ng sungay mo kaya isuot mo di

