Taga Hilom

5103 Words
Sabado ng gabi namasyal sina Benjoe at Ayesha malapit sa mga bar at ibang gimikan sa siyudad. Ang lalim ng hininga ng binata at nanginginig ang mga kamay niya, nakasuot ulit siya ng sombrero para hindi siya makilala ng mga tao. “Magpakalalake ka nga” sabi ng dalaga. “Kay daling sabihin Aye, bakit hindi ka ba natatakot man lang? Hindi natin alam kung ano ang makakaharap natin e” sagot ng binata. “Oo naman natatakot din ako pero nandyan ka naman e” landi ni Ayesha. “Hoy that does not help ha. Mas lalo ako kinakabahan pag ganyan. Natatakot din kaya ang dad ko? I mean oo malakas siya pero siguro natatakot din naman siya” sabi ni Benjoe. “Ewan ko pero kung takot man siya siguro hindi na niya pinapakita. Kasi isipin mo pag pinakita niya takot siya pano na sina tita? E di matatakot narin diba?” sabi ng dalaga. “Nagpaparinig ka ba?” tanong ng binata at biglang natawa si Ayesha. “At bakit naman ganyan ulit suot mo Aye? Grabe parang inaakit mo yung mga m******s at masasamang loob sa iyo e. Sana nagpantalon ka nalang at nagbalot” sabi ni Benjoe. Nagpaikot ang dalaga at pinasikat ang maiksing pula na dress niya. “Yun naman goal natin diba? Palabasin ang mga bad demons para patayin sila. Pero mag ingat ka kasi baka tao ang mapatay mo. Hindi pwede yon. Kaya pakiramdaman mo ang dark aura nila” sabi ni Ayesha. “Opo, pero alam mo sana may kotse nalang tayo no? The Demon Car, o ha parang Batman. Nakakapagod maglakad e. Paano kung wala tayo mahanap? E di nagpagod lang tayo, para lang tayo nag date labas nito” reklamo ni Benjoe. “Sus naalala mo nanaman yang babae mo. Gusto mo siya nalang ang kasama mo ngayon?” sagot ng dalaga. “Of course not, delikado kaya lumabas ng gabi. Di ko naman na sinasabi na okay lang na kasama kita kahit na delikado ha. Siyempre natatakot din ako para sa iyo at kung pwede nga ako nalang maglalakad ng nakikita e tapos ikaw invisible pero magmumukha naman akong baliw kasi siyempre mag uusap tayo” sabi ng binata. Tahimik si Ayesha at may pinapakiramdaman, magsasalita ulit sana si Benjoe pero naramdaman narin niya ang isang dark aura. “Oh boy this is it, pero saan nanggagaling?” sabi niya. “Hay naku pakiramdaman mo maigi kasi” bulong ni Ayesha kaya huminga ng malalim si Benjoe at nag focus kung saan galing yung dark aura. “Doon” sabi niya sabay turo sa isang outdoor na painuman. May isang grupo ng mga lalake at babae doon na nagsasaya, agad hinila ni Ayesha si Benjoe para lumapit kaya nagsimula nanaman siya manginig. “Daddy nasan ka na?” bulong niya. “Seryoso ka? Aantayin mo tatay mo para siya pumigil diyan?” tanong ng dalaga. “I was just joking, masyado ka seryoso. And look they look like normal people naman e” sagot ni Benjoe. “Tignan mo yung kulot na lalake, he is the demon” sabi ng dalaga. Naupo yung dalawa sa malapit na lamesa para mapagmasdan yung grupo. “Okay so ano naman ang ginagawa niyang masama?” tanong ni Benjoe. “Di mo ba nakikita? Pagmasdan mo kasi” sabi ng dalaga. “Oo nga madaldal lang siya tapos pinipilit niya friends niya uminom pa. May taong ganyan naman talaga e” sabi ng binata. “Hay naku, isa siyang Taga Bulong” sabi ni Ayesha at nagulat si Benjoe. “Oh I see, kung sa tao siya ay tinatawag na BI. Ayos ah, demon na nagpapanggap na tao, kunwari bad influence” bigkas ng binata. Tumayo yung kulot na lalake at biglang may hinamon na isang grupo. “Bakit ang sama ng tingin mo?!” sigaw niya at nagtayuan narin ang mga kasama niyang lalake. Di nagtagal nagkarambolan na yung dalawang grupo, nakita nila na pasimpleng naglalakad palayo yung kulot na lalake at tumatawa. “Tara na” sabi ni Ayesha, kumapit si Benjoe sa lamesa saglit at huminga ng malalim. “Make my daddy proud, tara” bigkas niya. Kinabahan si Benjoe pagkat mabilis na naglakad si Ayesha at tumabi sa lalake. “Naka quota ka na ba?” tanong niya. Napatingin yung kulot na demonyo sa dalaga ay napapito. “Hey sis I feel you. We are the same. Kasisimula ko palang e, lima pa bago ako kumota” sagot ng demonyo. Umakbay si Ayesha sa braso ng kulot na lalake sabay hinila niya papunta sa eskenita. “Wow mukhang maganda tong gabi ko ha” sabi niya. “Sabihin mo lang pag ayaw mo” sabi ng dalaga. “E pano yang kasama mo? Inakit mo siguro siya ano? Ano ipapagawa mo sa kanya?” bulong ng demonyo. Kahit malayo si Benjoe ay nagulat siya pagkat narinig niya ang sinabi ng kulot na demonyo. “Siya? Basta, wag hayaan mo lang siya” sabi ni Ayesha. Pagdating nila sa eskenita ay tinulak nung lalake si Ayesha sa dingding. Maglilikot na sana ang kamay niya pero agad ito nahawakan ni Benjoe. “At ano naman sa tingin mo ang balak mo gawin?” tanong niya. “Oy itong alaga mo patigilin mo or else sa morgue ang bagsak niya” sabi ng kulot na demonyo. “O ayan nahawakan mo na, ikaw na bahala sa kanya” sabi ni Ayesha. Natawa yung kulot na demonyo at hinila ang kamay niya para makawala. “Excuse me pero hindi ako pumapatol sa bakla” sabi niya. Nagulat si Benjoe at nakitang tumatawa si Ayesha habang naglalakad palayo. “Aye! Ano gagawin ko dito?” tanong ng binata. “Ano sa tingin mo? Edi patayin mo” sabi ni Ayesha nang sumandal siya sa dingding sa malayo at tinignan yung dalawa. Tumawa ng malakas ang kulot na demonyo at tinignan yung dalaga. “Ah gets na kita sis. Ayaw mo madumihan kamay mo, kaya imbes na ikaw papatay dito sa kutong lupa na ito ipapagawa mo sa akin tapos yung kaluluwa niya kukunin mo. Ayos ka din ha. Kaya pala ang pretty mo parin. Pero sige para siyo babe papatayin ko to para sa iyo” sabi niya. Natulala si Benjoe kaya hindi tuloy niya nakita yung suntok ng demonyo. Napaluhod siya at napahawak sa kanyang tiyan, sinipa naman siya ng demonyo sa ulo kaya tuluyan siyang napahiga sa semento. “Matagal narin ako walang work out kaya patayin ko nalang to sa bugbog, tamang tama tong warm up para sa atin” sabi ng demonyo sabay kinindatan pa ang dalaga. Nakatayo si Benjoe pero nabanatan nanaman siya ng suntok sa mukha. “Depensahan mo kasi sarili mo!” sigaw ni Ayesha. “Kahit ano pa gawin niyang depensa hindi uubra sa lakas ko!” sigaw ng demonyo at bumuwelo ng malakas na suntok. Tumayo ng tuwid si Benjoe at nagfocus, pagtama ng kamao ng kulot na demonyo sa kanyang dibdib ay hindi man niya ito naramdaman. “Oo nga no! Come on bebe give me your best shot” pasigang hamon niya. “Hoy babae! Ano to?” sigaw ng demonyo pero binanatan ulit niya ng suntok si Benjoe pero tumawa lang yung binata. “Weak! Sige pa…ay teka ako naman!” sigaw niya at binuntal din ang kalaban niya sa mukha. Halos matanggal na ang ulo ng demonyo, napaupo siya sa semento at tinignan si Ayesha. “Gaga ka! Bakit ganito?! Pinadala ka ba dahil hindi ako kumukota ng ilang araw?” tanong niya. “Benjoe tapusin mo nga yan” sagot lang ng dalaga. Inantay pa ng binata na makatayo ang kalaban niya kaya natawa ang kulot na demonyo. “Masyado kang mabait!” sigaw niya at nagliyab ng itim na apoy ang dalawang kamao niya at sinugod ang binata. Tumayo lang ng tuwid si Benjoe, tatama na sana ang kamao ng kalaban niya sa kanyang mukha pero tumigil ito. Napaangat ang kulot na demonyo sa ere, napahawak ito sa kanyang leeg at nagpupumiglas. “Nagsasayang ka ng oras e!” reklamo ni Ayesha kaya napasimangot si Benjoe at nilapit ang kanyang kalaban. “Pasensya ka na ha pero trabaho lang ito” sabi ng binata at biglang nahiya. Nagpalabas siya ng apoy sa kanyang palad pero maliit ulit ang lumabas. Natawa ang kulot at tinuro ang maliit na apoy. Napikon si Benjoe kaya pinasikip ang pagsakal sa leeg ng kalaban gamit ang isip niya. Nagsisimulang magliyab ang mga mata ng binata, lumalabas na ang kanyang dark aura kaya nanlaki ang mga mata ng kulot na demonyo. “Sige tawa ka pa, minamaliit mo ba ako? Sa buhay talaga lahat nalang binabase sa itsura, itong apoy ko maliit man ito…dakilang apoy naman!” sigaw niya at pinalipat niya ang maliit na apoy sa dulo ng kanyang hintuturo. “Anto…nioooo?” bigkas ng nasakal na kalaban. “Tatay ko yon!” sigaw ni Benjoe at tinusok ang hintuturo niya sa dibdib ng kalaban. Binitawan niya ang kulot na demonyo, napasigaw ito sa sakit pagkat butas ang dibdib niya at nakapasok ang dakilang apoy. Ilang sandali lang tumawa ang kalaban pero sinabayan siya ni Benjoe. Nagtataka si Ayesha kung bakit pero biglang hinarap ng binata ang kamay niya, tumayo ang kalaban at tumatawa parin. Tinaas konti ni Benjoe ang kamay niya at napahawak sa dibdib ang kulot na demonyo. Napasigaw ulit ito pagkat ramdam niya ang apoy na tumataas din, binababa ni Benjoe kamay niya at sa tiyan naman humawak ang kalaban. Pakanan at pakaliwa ang kamay ng binata parang sumenyas ng cross, ang kalaban napaluhod na ulit sa semento at hindi na makayanan ang sakit na dulot ng itim na apoy sa loob ng katawan niya. “Ito na ang katapusan mo” bigkas ni Benjoe nang itaas niya kamay niya at sinara ang mga kamao. Napahiga ang kalaban at nangisay ang buong katawan, napalapit si Ayesha at napansin ang unti unting pagkain ng itim na apoy sa lahat ng laman ng katawan ng kalaban. Ilang sandali pa panipis ng panipis ang katawan ng kulot na demonyo, nagsimula na lumabas ang itim na apoy at mabilis itong kumilos para kainin ang natitirang katawan ng kalaban. Umihip ang hangin at tinangay nito ang natirang abo sa semento, napatingin ang dalaga sa binata at nakita ang paghupa ng mga baga sa mata niya. “Wow, pano mo nagawa yon?” tanong ni Ayesha. Napakamot si Benjoe at napangiti. “Eh kasi hindi ko kaya magpalabas ng malaking apoy e. Kaya kahit maliit lang at least nakokontrol ko siya. Don’t worry inaaral ko pa ano pwede ko pa gawin. Major major ba?” sabi niya. “Super galing” sabi ng dalaga at natuwa naman ang binata. “Sana nandito si daddy no? Para nakita niya ginawa ko. Siguro matutuwa siya sa akin. Tara na maghanap pa tayo” sabi ni Benjoe at natawa si Ayesha at yumakap sa braso niya. “Uy brave na siya o” landi niya. “Di naman, medyo nagkaroon lang ng confidence pero konti lang. At least nasubukan ko na tapos naturuan mo nanaman ako ng importanteng bagay, depensa” sagot ni Benjoe at humalik sa pisngi ng dalaga. Biglang nag init ang mga pisngi ni Ayesha at nag apoy ang kanyang mga mata. “Uy bakit?” tanong ni Benjoe at natawa nalang ang dalaga at pinahupa ang apoy sa kanyang mga mata. “Wala, normal reaksyon siguro dahil first time ako nahalikan” sabi niya. Tumawa ng malakas si Benjoe habang naglalakad sila palayo. “Ano pa kaya mangyayari pag hinalikan na kita sa labi?” biro niya. “Gusto mo malaman?” landi ng dalaga. “Ano nga ba mangyayari?” tanong ni Benjoe. “Di ko rin alam, try mo nga para malaman natin” sabi ni Ayesha. Nagkatitigan yung dalawa ng matagal pero biglang nagtawanan nalang. Alas dos ng umaga napagod yung dalawa kaya nagtreat si Ayesha sa isang biglang restaurant. “Mahina ang kita natin today” biro ni Benjoe. “Sira ka talaga, first time mo nga lang e. At least nakabawas ka ng apat na proproblemahin pa ni daddy” sabi ng dalaga. Natawa ang binata at tinitigan siya, “Ano to big reveal ba? Tatay mo din ba siya at magkapatid talaga tayo?” tanong ni Benjoe. “Hindi, ano pa nga ba itatawag ng isang babae sa tatay ng asawa niya?” sumbat ni Ayesha. Lalong natawa si Benjoe pero sinakyan ang biro ng dalaga. “Asawa agad e hindi pa nga nagiging tayo e” sabi niya. “Sus kailangan pa ba ng formalities? I like you and you like me so tapos ang usapan” sagot ni Ayesha. “Oo nga naman” sabi ng binata at tinuloy ang pagkain niya. Nagulat ang dalaga sa naging reaksyon niya kaya nangulit ito. “Oo nga naman? Hindi ka man lang kumontra?” tanong niya. “Bakit ako kokontra e tama naman sinabi mo” sabi Benjoe. Napahawak ng mahigpit si Ayesha sa tinidor at kutsara niya at unti unti sila bumabaluktot pagkat nagbabaga ang buong katawan niya. Ang ngiti sa mukha niya di na niya mapigilan, pinagmasdan niya si Benjoe saglit pero agad siya napatingin sa malayo at kinikilig. “So ibig mo sabihin ba ay…” bigkas ng dalaga pero si Benjoe nakatingin sa malayo at pinagmamasdan ang isang grupo ng mga lasing na lalake. May inaalalayan silang isang dalaga na lasing din, pumasok sila sa loob ng isang van kaya agad napatayo si Benjoe. “This is bad” sabi niya. “May kotse sila kaya di tayo makakahabol, yung dark aura sanayin mo” sabi ni Ayesha. “Oo memoryado ko na, will it work kahit hindi siya nagteleport?” tanong ng binata. “Yes it will basta alam mo yung dark aura niya pwede ka magteleport kung nasan siya” sagot ng dalaga. Umandar na yung van at umalis, “Malaking problema, di tayo pwede magteleport ngayon kasi puno na yung van” sabi ni Benjoe. “And not all of them are demons” sabi ng dalaga. “Yun na nga e. Ilang minuto tayo mag aantay? City district ito so pag bahay siguro fifteen minutes pero pag naka condo din sila its less than that” sabi ng binata. Naupo ulit yung dalawa at napansin ni Ayesha na problemado si Benjoe. “Madami sila lasing pa, lasing din yung babae. Tsk” bigkas niya sabay tayo. “Uy relax ka nga” sabi ng dalaga pero hinawakan agad ni Benjoe yung kamay niya at nagteleport sila agad. Sa bubong ng van sila sumulpot, “Badtrip nagsisimula na sila!” sigaw ng binata. Naririnig na nila ang mga sigaw nung babae, nagliliyab na mga mata ni Benjoe pero biglang tumigil ang van. Pumarada ito sa tapat ng isang condo building, naglabasan ang mga lalake at hila hila nila yung lasing na dalaga. Pumasok sila sa building, yung guard parang walang pakialam at pinapasok lang sila. Agad sumunod yung dalawa pero nagulat si Ayesha nang hawakan niya sa ulo ang gwardya. “Imbes na pigilan mo na hinayaan mo lang sila” bulong niya at dinikit ng binata ang bibig niya sa tenga nung lalake at bigla ito napahiga sa sahig. “Tara na Aye” pagalit na sabi ni Benjoe, agad lumapit ang dalaga. Nagteleport ulit sila at sakto papasok na yung mga lalake sa isang unit. Nag antay pa sila saglit, nagteleport ulit sila at sumulpot sa loob ng kwarto kung saan nagsisimula na ang mga lalake pagpiyestahan ang kawawang babae. “Ngayong gabi hindi ko kayo tratratuhing tao!” sigaw ni Benjoe at nag apoy talaga ang mga mata niya. Sa takot umatras si Ayesha, ang mga lalake nagsilutangan sa ere, lahat nanigas maliban dun sa demonyong nagpupumiglas. Lumapit si Benjoe sa demonyo at mabilis sinaksak ang daliri niya sa dibdib nito. Hindi siya nagsayang ng oras, ang bilis ng itim na apoy niya nag naglibot sa katawan ng demonyo at sampung segundo lang naabo ito. Pinagmasdan niya ang mga mukha ng mga lalakeng nakalutang sa ere, nilapit niya ang daliri niya sa mukha nung isa at napasigaw si Ayesha. “Benjoe! Tama na! Tao na mga yan!” sabi niya. “Hindi e! Tao pa ba ang ganito? Magtatangka ng ganito sa walang laban na babae? Hindi na tao ang mga ito!” sumbat niya at talagang binuwelo ang kamay para saksakin yung isang lalake sa mukha. “Wag na! Hayaan mo na sila! Okay lang ako o. Napigilan mo naman na sila e” sigaw nung babae sa kama. Napatigil si Benjoe at nanlaki ang mga mata nila ni Ayesha. Sabay sila napatingin sa babae sa gulat. “Bakit ka gumagalaw?” tanong ng binata. “Ang tanong pano mo sila pinalutang sa ere at nafreeze tapos yung isa naabo” sumbat ng lasing na babae. “Pano ka nakakagalaw?” tanong ni Ayesha sabay lapit kay Benjoe. Nahihilo pa yung babae, sinuot ang kanyang pantalon at inayos ang blouse. Tumayo siya sa kama at pinagmasdan ang mga lalakeng nagtangka sa kanya. “Paano mo ito nagawa? Tapos ano ginawa mo dun sa isa?” tanong niya. Di makasagot yung dalawa at nagkatinginan, “Don’t tell me pati ito demonyo” sabi ni Benjoe. “Ewan ko wala ako maramdaman na dark aura” sagot ng dalaga. “Hello! Anong demonyo? Lasing ata ako talaga at nanaginip pa. Hindi kayo totoo ano?” sabi ng lasing na dalaga pero hinaplos niya ang pisngi ng isang nanigas na lalake sabay kinurot ang sarili. “Hindi ako nanaginip…pano mo to ginawa?” bigkas niya at bigla niya sinampal yung isang lalake. Nagwala yung dalaga at pinagsasampal ang lahat ng nagtangka sa kanya. Napaatras sina Benjoe at Ayesha at hinayaan lang makaganti ang dalaga. “Pagod ka na ata pumapalya na powers mo” bulong ng dalaga. “Oo nga ata e. Ibig sabihin naabot ko na limit ko? Sabagay medyo nakakaramdam na ako ng antok at pagod” bulong ni Benjoe. Bumaba sa kama ang dalaga at kinuha yung telepono, sinira nito ang cord saka bumalik sa taas ng kama. Talagang pinagpupokpok niya ang lahat ng lalake, di nakuntento sinabunutan pa niya lahat ng mga ito at pinagkakalmot ang mukha. “Pigilan na ata natin siya” bulong ni Ayesha. “Wag hayaan mo lang siya. Imagine pag wala tayo dito. Imagine mo din ano mangyayari sa kanya kinabukasan. Baka masiraan ng bait. So let her unleash her anger at tama lang naman para sa mga hayop na yan e” sagot ni Benjoe. “Sus sabihin mo lang nagagandahan ka sa kanya” drama ni Ayesha sabay simangot. Pinagmasdan ni Benjoe ang lasing na dalaga, petite siya, cute ang mukha na tsinita. “Bakit Aye nagseselos ka?” biro niya. “Nagmana ka talaga sa tatay mo” sabi ng dalaga. “Uy di naman. Ay teka kung di ako nagmana sa kanya e di loyal na loyal ako kay Maya tapos sana iniiwasan na kita” sabi niya. “O di nagmana ka konti lang” bawi ni Ayesha. “So ayaw mo na nagmana ako konti?” hirit ni Benjoe at tumaas ang dalawang kilay ng dalaga. “Actually ayaw ko pero dahil may babae ka na no choice but to say yes” sagot ng dalaga at nagtawanan silang dalawa. Napaupo ang lasing na dalaga sa kama, pagod na siya at nahihilo. “Gusto ko na umuwi” bulong niya at bigla ito umiyak. “Aye comfort mo siya dali” bulong ni Benjoe. “Bakit ako?” tanong ng dalaga. “Sige ako nalang” sabi ng binata pero agad siya siniko ni Ayesha. “Ako nalang pala” bawi niya at muli sila nagtawanan. Pinagmasdan ni Benjoe ang mga mukha ng mga lalake, puno sila ng kalmot at putok ang mga labi. Bigla siya tumawa mag isa kaya napatingin yung dalawang dalaga sa kanya. “Aye balutin mo siya ng kumot, giniginaw yan. Teleport kayo agad sa condo at susunod ako” utos niya. “At ikaw ano gagawin mo sa kanila?” tanong ni Ayesha at ngumisi lang sa kanya ang binata. “Don’t be harsh” bulong nung lasing na dalaga sabay pinikit ang mga mata at natulog. “Don’t be harsh daw e ano naman daw tawag mo sa ginawa niya? Mild?” banat ni Benjoe. “Ben tama siya, tao mga yan wag mo kalimutan” sabi ni Ayesha nang balutin niya ng kumot ang lasing na dalaga. “Yes I know don’t worry. I wont hurt them physically. Bibigyan ko lang sila ng something memorable na tatatak sa kailang utak para di na sila uulit” sagot ng binata. Nawala na yung dalawang dalaga, agad binaba ni Benjoe ang mga lalake at pinaghuhubaran. May nakita siyang digital camera sa lamesa kaya pinagpose niya ang mga almost rapists at pinahiga sa kama na magkakayakap. Yung ibang pose magkahalikan ang iba kaya sobrang tawa naman si Benjoe. Nakita niya yung computer, inupload niya agad ang mga pictures sabay ginawang screensaver at wallpaper. Nagsimula siya magtype ng mensahe para sa mga lalake at pagkatapos kinuha niya yung camera at biglang nag invisible. Nagsigawan ang mga lalake nang makagalaw na sila. Diring diri sila sa isat isa pero hinahanap pa nila ang kanilang nabihag na dalaga. May nakapansin sa computer at sa naiwang mensahe, lalo sila nangilabot sa screensaver ng computer pero sabay nila binasa yung sulat. “Mga tol, hindi ko gusto ang ginawa niyo dun sa babae. Nakikita niyo ba yung mga picture sa computer? Hindi niyo maalala na nagawa niyo mga yan? Hahahaha. Pwes ako ang taga bantay ng mga babae. Maniwala kayo o hindi ginawa niyo mga yan at may video ako para patunayan ito sa inyo” “Patikim palang yan ng aking kapangyarihan, isa lang ang aking hiling para itago ito na sekreto. Tratratuhin niyo ng maayos ang lahat ng babae. Wag niyo na uulitin ang binalak niyo. Kung nalaman kong sumuway kayo sa usapan ay ipapalabas ko ang mga pictures at bidyo sa publiko” “Love Saturnino” Medyo nangilabot ang mga lalake, nagkatinginan sila sabay nagtawanan lang. Biglang nasunog ang papel kaya tumakbo sila papunta sa kama. Tumawa ng parang demonyo si Benjoe, takot na takot ang mga lalake kaya muli sila nagyakapan. “Smile!” sigaw ni Benjoe sabay nagpakita siya para kunan sila ng litrato. Gulat na gulat ang mga lalake sa biglang sulpot niya. “Susunod kayo sa utos ko o hindi?” tanong ng binata. “Susunod po” sabay na bigkas ng mga lalake. “Good! I will be watching you all” sabi ni Benjoe sabay tumawa ulit ng malakas. Kumuha ulit siya ng isang litrato sabay nagteleport na pabalik sa condo. Nag aantay sa salas si Ayesha, pagkasulpot ni Benjoe agad niya ito nilapitan. “What did you do to them?” tanong niya. “Relax ka nga lang Aye, o eto tignan mo” sagot ng binata pero naupo ang dalaga sabay nagsimangot. Tumabi si Benjoe sa kanya at pinapaamo. “Ei ano nanaman ba nagawa ko?” tanong niya. “Wala” sagot ng dalaga. “E bakit ka nakasimangot?” tanong niya. “Di ko alam gamitin yan” sabi ni Ayesha. Tatawa sana si Benjoe pero sumandal siya sa dalaga at pinakita ang digital camera. “Eto ganito o, tignan mo” sabi niya at pinakita niya sa dalaga ang mga litrato na kinuha niya. Ang simangot napalitan ng ngiti kasabay ang malakas na halakhak. Pinagkukurot ni Ayesha ang binata dahil sa kalokohan na ginawa niya. “Tinuruan ko lang sila ng leksyon, I didn’t hurt them” sabi ng binata. Sumandal si Ayesha sa balikat ni Benjoe, pinaharap naman ng binata ang camera sa kanila sabay nilayo ang kamay. “Smile Aye” sabi niya. Kumuha si Benjoe ng litrato nila, agad niya pinakita sa dalaga ang image sa screen at napangiti si Ayesha. “Akin nalang to” sabi niya. “Okay lang pero bili pa tayo charger. Ay mas maganda pala kung laptop din para doon natin upload” sabi ng binata. Wala nanaman naintindihan si Ayesha kaya pinaliwanag ng binata ang lahat. “Tara bili na tayo” sabi ng dalaga pagkatapos at natawa si Benjoe. “Its early morning, sarado pa mall. Mamaya promise pasyal tayo. Relax ka lang hindi na mawawala yung picture. Kung mawala man we can take another one” sabi ng binata. “Basta gusto ko yan. Tapos kuha ulit tayo ng madami later” sabi ni Ayesha. “Yes we will, siya nga pala nasan na yung lasing?” tanong ng binata. “Sa kwarto ko” sagot ng dalaga. “We should get some sleep din” sabi ni Benjoe. “She is in my room” sabi ng dalaga. “Okay you can take my room tapos doon nalang ako sa kwarto mo” biro ng binata. Tinadtad siya ng kurot ni Ayesha at muli sila nagtawanan. “Or kung gusto mo magkahiga nalang tayo sa kwarto ko” landi ni Benjoe at natameme ang dalaga. Tumayo si Ayesha at nagtungo sa kwarto niya, agad pumasok sa kwarto at bago isara ang pinto ay sinilip muli ang binata. “Sleep tight Benjoe” sabi niya. Pumasok narin si Benjoe sa kwarto niya at agad nahiga. Sa kwarto ng dalaga nakatayo parin si Ayesha sa may pinto, sumandal siya sa dingding at hawak hawak niya ang kanyang puso. Nakangiti siya pero unti unti nasusunog ang damit niya dahil sa pagbabaga ng buong katawan niya. “Half meant” bulong niya at humupa ang pagbabaga niya kaya masaya siyang nahiga sa kama at natulog. Anim na oras ang lumipas, nakalabas na ang araw. Nakarinig si Benjoe ng napakalagas na sigaw ng babae. Agad siya nagteleport papunta sa kwarto ni Ayesha, nanlaki ang mata niya pagkat hubot hubad ang dalagang nakatayo at nag aapoy ang katawan niya. Agad nagtakip ng mata ang binata, “Aye bakit ka nakahubad?” tanong niya. “Kasalanan nitong babaeng ito!” sumbat ni Ayesha. “Wala ako ginagawa. Di ko naman alam na napayakap ako sa kanya nung natutulog ako e” sagot ng dalaga sa kama. “Grabe ka naman Aye e! Normal reaction lang ng tao yon pag natutulog ano. We move and turn during asleep” paliwanag ng binata. “Hindi! Okay lang pero yung yakap niya, she made me like this” sabi ni Ayesha. “Ha? What do you mean?” tanong ni Benjoe. “Taga hilom yang babae na yan!” sigaw ng dalagang demonyo. “Taga hilom?” sabay na bigkas ni Benjoe at tinignan yung dalaga. “Oo taga hilom siya! I am like overcharged! Kaya ako ganito” sabi ng nagbabagang dalaga. “Magdamit ka nga muna kasi! Ang hirap ng hindi nakikita ang kausap e” sabi ni Benjoe. “Anong taga hilom? Healer ba? What are you two anyway? Pero wait namumukaan kita e. Kagabi alam ko lasing ako so I thought I was imagining things pero oo ikaw nga si B-joe yung magician!” sabi ng dalaga. Nagteleport palabas ng kwarto si Ayesha, inalis na ni Benjoe ang kamay niya sa mata niya. “Yeah ako nga pero Benjoe name ko and not B-joe. Ano pangalan mo? Bruha ka ba? Padala ka ba ng tatay ko?” tanong niya. “Ha? Naka drugs ka ba?” sumbat ng dalaga. “My name is Beatrice, you can call me Bea. Ikaw anong klaseng alien ka? Kaya pala ang galing mo mag magic ha” tanong ng dalaga. “Di ako alien, to be honest demonyo kami” sagot ni Benjoe. Nagseryoso ang mukha ni Bea saglit pero agad tumawa. “Yeah right” sumbat niya. Pumasok sa kwarto si Ayesha, bihis na siya at di parin makapaniwala nakahanap sila ng taga hilom. “Ayaw niya maniwala na demonyo tayo, mas naniniwala pa siya sa alien daw” sabi ni Benjoe. “Ano ang alien?” sagot ni Ayesha kaya tinakpan ng binata ang mukha niya. “Yung mga lalake kagabi ang mga demonyo, salamat at niligtas niyo ako. Sorry ha at medyo magulo pa isipan ko. Akala ko panaginip yung nakita ko kagabi na ginawa mo sa kanila pero kanina lang nag aapoy ang katawan niya tapos eto siya parang walang nangyari. Hindi ko alam kung totoo sinasabi niyo pero sa totoo nagpapanic na ako pero pinipilit ko lang kumalma” sabi ni Bea. Napakamot si Benjoe pero nagulat si Ayesha at tinuro ang pendant ng binata. “I guess you found your second star” bigkas niya. Napatingin si Benjoe sa kwintas niya at dalawang tala na ang nakailaw. “Wow, this means she is important to me then” bulong niya. “Oo pero tignan mo siya parang masisiraan na ng bait, you have to explain everything to her” sabi ni Ayesha. “Yan ang mahirap pero I get to kiss her to make me stronger” landi ng binata. Tumaas ang isang kilay ni Ayesha at napangisi. “Sige subukan mo lang” banta niya. “Bakit Aye ano gagawin mo?” hirit ni Benjoe. “Hmp baka gusto mo ibalik ko sa isang nakasindi na tala ang kwintas mo” sagot ng dalaga. “Wow naman harsh mo, nagbibiro lang e” drama ni Benjoe. “Hmp if you plan to explain everything to her start talking before she goes crazy” sabi ni Ayesha at nagdabog palabas ng kwarto. “At ikaw ano gagawin mo?” tanong ng binata. “Magluluto ng almusal, she looks hungry” sagot ng dalaga. “Yan ang gusto ko sa iyo e, demonyo ka nga pero may ginintuan kang puso” banat ni Benjoe. “Eggs, bacon and pancakes with lason!” sigaw ni Ayesha kaya napakamaot nalang ang binata at pinagmasdan ang dalaga sa kama. “Bea I am the devil mwahahahahahaha!” bigkas ni Benjoe sa mababang boses kaya lalong natakot ang dalaga. “Uy joke lang uy. Di ako ganon na demon. Sinusubukan ko lang na patawanin ka” bawi niya pero nagtago na si Bea sa ilalim ng kumot at nagsisigaw. “Pag gumawa ka ng masama ang bilis ka tawagin na demonyo. Pag demonyo ka talaga at inaamin mo ayaw naman nila maniwala” bulong ng binata at huminga ng malalim habang nag iisip ng diskarte para maipaliwag ang lahat kay Bea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD