Ikalawang Tala

4830 Words
Nakapagluto na si Ayesha, humarap sa lamesa si Bea at agad kumain dahil sa matinding gutom. “Ano okay na ba?” tanong ng dalagang demonyo pero si Benjoe naupo at kumamot sa noo. “Ayaw niya talaga maniwala e” bigkas niya. “Sabi ko nga ipakita niyo muna ang mga sungay niyo tapos maniniwala ako, sama niyo narin buntot niyo” sabi ni Bea. “E di gamitan mo ng pagbulong” sabi ni Ayesha. “Sinubukan ko na hindi gumagana. Pati yung pagbasa ng isipan niya ayaw din. Our powers don’t work on her” sabi ni Benjoe. “Kasi hindi talaga kayo demonyo. Di ko alam ano ginawa niyo last night pero siguro dala lang ng kalasingan ko. Tapos kanina yung pagliyab ng body mo naman I don’t know what special effects you used” sabi ng dalaga sabay pinuno ulit bunganga niya ng pagkain. Problemado yung dalawa at pinanood nalang kumain si Bea. “Kilala mo ba yung mga kasama mo kagabi?” tanong ni Benjoe. “Yung isa lang, bale anak siya nung landlady ko. The other guys barkada niya ata. Teka I do remember na naging abo siya, galing ng magic mo. So is he okay?” sagot ng dalaga. “Ah hindi na e, patay na talaga siya kasi he was also a demon pero a bad one” sagot ng binata. Tumawa ulit si Bea at tinuro yung dalawa. “Tapos kayo yung good demons? Patawa talaga kayo. May mabait bang demonyo?” banat niya. “Benjoe papatayin ko narin ito” banta ni Ayesha. “Aye you cant, remember she is my second star” sabi ng binata at lalong natawa si Bea at muntik nang nabulunan. “Ay sayang” bigkas ng dalagang demonyo sabay ngisi. “Ang sama mo naman, I could have died tapos sasabihin mo sayang” tampo ni Bea. “E sabi mo masama kami e so what do you expect?” sumbat ni Ayesha. “Kasi naman niloloko niyo ako e. Demons are the bad ones and the angels are the good guys” sagot ni Beatrice. “Oh boy mahirap ito. Isa lang paraan na alam ko para maniwala siya” sabi ni Benjoe at napatingin si Ayesha sa kanya. “Malamang landlady niya ay demon din kaya puntahan natin siya. Ipakita natin sa kanya ang true powers natin” sabi ng binata. “Uy alam niyo masama talaga yung landlady ko” biglang sabi ng dalaga. “Ows? Bakit mo nasabi?” tanong ni Benjoe. “Kasi galing ako sa province. Hinatid ako dito ng dad ko, pagkababa namin ng bus may babaeng lumapit at agad ako pinagmasdan. She said I was pretty tapos nagpakilala na siya sa tatay ko. Parang nababasa niya utak ng dad ko e. She said may boarding house daw siya and its really cheap and near the school I am going to” kwento ng dalaga. “O tapos?” tanong ni Ayesha. “E di syempre nakakagulat na diba? Pero dad ko parang binalewala kasi sabi ng landlady ko e mura daw sa kanya. Di naman kami mayaman so naakit agad dad ko sa offer niya. Ang ganda nung boarding house sa totoo lang at malapit talaga sa school. Ayun doon na ako pinagstay ng dad ko. Bale all girls kami lahat doon so I felt comfortable pero nung third night ko doon nagising ako. Nakakarinig ako ng ingay kaya I went to check” “Pagsilip ko sa baba ay may mga lalake na madami tapos my landlady was leading them upstairs. Nagtago ako agad, nakita ko nagkabayaran sila tapos yung mga lalake pumapasok sa mga kwarto ng mga boardmates ko. I could hear their screams and moans kaya takot na takot ako at nagkulong. Pagdating ng umaga tinanong ko mga boardmates ko what happened pero parang wala naman sila maalala o alam” sabi ni Bea. “Akala ko nababaliw ako dahil sa homesick siguro kasi lahat ng boardmates ko wala maalala. Everynight ganon naririnig ko yung mga sigaw, iyak at ungol ng mga kasama ko. Takot na takot ako baka pati ako pasukin sa room ko. Pero thank God hindi naman. Hindi ko nakayanan nagsumbong na ako sa baranggay para maimbestigahan. That night galit na galit sa akin ang landlady ko at yung anak niya. Sayang daw ako kasi nakareserve pa naman daw ako sa mayaman na client nila. Pero bigla nagbago sila nung hinawakan nila ako sa braso at pinapalayas. I don’t know what happened basta nag sorry sila agad tapos bumait sila sa akin” “Tapos sabi nila gusto naman daw ng mga boardmates ko yung ginagawa nila at acting lang daw yung pagsisigaw at pag iyak. Para daw tumahimik ako binigyan nila ako pera, weekly yon. Pinapadala ko sa parents ko sa probinsya yon at sabi ko may part time job ako. Alam ko mali pero kung alam niyo lang ang paghihirap nila para mapag aral ako dito” kwento ng dalaga at nagsimula na mamuo ang mga luha sa mga mata niya. Nagliyab ang mga mata ni Benjoe, dinabog ang mga kamao sa lamesa. “Kailangan na patayin yan! Tatambay sa terminal ng bus para mamili ng mga dalaga na magaganda para sigurado kikita siya. Bea yang landlady mo ay demonyo, sila ang masamang demonyo. Nakikita mo ba ginagawa nila? Binubugaw mga estudyante tapos binubura ang memorya pagkatapos para wala maalala. Saan yang boarding house na yan?” tanong ng binata. Napailing si Bea at napaisip, “Hindi ka nila nagalaw o nabenta kasi hindi gumagana ang kapangyarihan nila sa iyo. Hindi nila kaya burahin memorya mo. Ang masama pa ay napansin nila na taga hilom ka kaya imbes na palayasin ka e bumait sila sa iyo” sabi ni Ayesha. “Pero hindi ka ba naawa sa mga boardmates mo? Hindi ka ba naawa sa mga bagong babae na makukuha pa niya at isasalang sa ganon?” sermon ni Benjoe. Tuluyan nang naiyak si Bea, “Sorry sabi niya gusto naman nila. Hindi ko naman talaga alam na binubura niya memorya nila e” bulong ng dalaga. “Tama na iyak mo, mas maganda pa ituro mo saan yang boarding house mo para mapigilan na yang kalakalan na yan” sabi ni Ayesha. Tumayo si Bea at pumayag, tumabi sa kanya si Benjoe at Ayesha at agad sila nawala. Sumulpot sila sa harapan ng boarding house, di na makapagpigil ang binata at agad sumugod sa pinto. Kumatok si Benjoe habang sinenyasan na magtago yung dalawa. “Bakit tayo magtatago?” bulong ni Bea. “Because she will sense my dark aura” sagot ni Ayesha. “Pero siya hindi?” tanong ng dalaga. “He is different at pag galit yan hindi mo siya kaya pigilan” sagot ng demonyong dalaga. Bumukas ang pinto at nagtago si Bea sa likod ni Ayesha, “Siya yan” bulong niya. “Bawal ang dalaw dalaw dito kaya umalis ka na!” sigaw ng landlady. “Hindi ako nagpunta dito para dumalaw” sabi ni Benjoe. “E ano pinunta mo dito?” tanong ng babae. “Alam mo na ano ang pinunta ko dito” sagot ng binata. “Ah, balik ka nalang mamaya at namasyal ang lahat ng girls ko. Sunday kasi ngayon at kailangan din nila magliwaliw kahit papano” sagot ng landlady sabay tawa. “Ikaw ang pinunta ko dito” pagalit na sagot ni Benjoe at napangiti sa tuwa ang babae. “Ikaw ha, may edad na ako iho. Sigurado ka ba ako ang type mo?” landi ng landlady pero agad nagliyab ang mga mata ni Benjoe at naitulak paatras ang babae. Sumugod narin sina Ayesha at Bea, natawa yung landlady at tumawa ng malakas. “Beatrice! How nice of you to bring a friend iha. Pwede ba balik kayo mamaya at aasikasuhin ko lang tong hinayupak na to!” sigaw ng babae at nag apoy ang dalawang kamay niya. Nakatayo lang si Benjoe at nasakal ang babae sa kanyang leeg, “Sino ka? Nandito ka para agawin tong business ko no?!” sigaw ng babae. “Nandito ako para itigil itong karumaldumal at makahayop mong ginagawa” malumanay na sagot ng binata. Nanigas ang landlady at humupa ang mga apoy sa kanyang mga kamay. Naglakad lakad siya sa salas at pinipigilan ang kanyang galit. “Saan mo tinatago ang pera na nakukuha mo? Hindi naman magara ang mga kagamitan niyo dito, ikaw hindi ka din mukhang nag aayos ng sarili. Saan mo tinatago yung pera?” tanong ni Benjoe. Muling tumawa ang landlady at tinignan si Bea. “Gahaman ka! Nagdala ka pa ng demonyo dito para nakawan ako” sabi niya. Nanigas ulit ang leeg ng babae at napilitan humarap sa binata. “Tayo lang ang nag uusap dito. Sasabihin mo ba sa akin kung nasan yung pera o hindi?” sabi ni Benjoe. “Hindi” sagot ng babae sabay ngisi. Huminga ng malalim si Benjoe at binasa ang isipan ng landlady, nagsisigaw yung babae at pinipilit labanan ang kapangyarihan ng binata. “Bea dalhin mo si Aye sa kusina. May butas yung dingding at doon niya tinatago yung pera” utos ng binata at agad nagpunta yung dalawa. “Hoy! Nyeta ka! Porke mas malakas ka sa akin kinakaya mo lang ako! Malakas ka naman kaya dumiskarte ka ng sarili mo para magkapera!” sigaw ng babae pero lalo nagalit si Benjoe. “Nag iipon ka ng pera para makapagpatayo ng mas malaking bahay. Para mas madami ka pang mga babae na madadagit at ibebenta sa iba! Isa ka sa mga sakim! Pero tatapusin na kita dito” sabi ng binata. Nakangisi lang yung babae at relax na relax. “Babalik din lang ako sa lupa at uulitin ko lang ito pero sa ibang lugar kung saan di mo ako mahahanap” bulong niya. Nilabas ni Benjoe ang kanyang hintuturo at may itim na apoy ang lumabas sa dulo. “Hindi ka na makakabalik pa” sagot ni Benjoe at tumawa ng malakas ang babae. Nakabalik si Bea at Ayesha, “My God ang laking maleta nito puno ng pera!” bigkas ng dalaga. “Bitawan mo yan animal ka!” sigaw ng landlady. Tinignan ni Benjoe si Ayesha at niyuko ang ulo. “I need your help here…babae siya e” bulong niya. Agad lumapit yung dalaga at hinawakan ang kamay ni Benjoe. Nanlaki ang mga mata ng landlady at napatingin sa binata. “Isa ka sa mga mapapalad na demonyo na makakatikim ng hustisya sa kamay ng anak ni Antonio. Paalam” bigkas ng binata sabay tinulak ni Ayesha ang kamay niya at bumaon ang daliri sa dibdib ng landlady. Agad din lang hinila ni Ayesha ang kamay ni Benjoe, pinatigas ng binata ang kanyang kamao at nagsisigaw yung landlady ng malakas nang mabilis kinain ng itim na apoy ang kanyang laman loob. Gulat na gulat si Bea, nanginig ang buong katawan pero tumayo si Benjoe sa harapan niya. “Better close your eyes” bulong niya pero pinilit ng dalaga na sumilip at nakita niyang naging abo na ng tuluyan ang katawan ng kanyang landlady. “Oh my God it was not a dream” bigkas niya. “Ngayon naniniwala ka na sa amin?” tanong ni Ayesha at tulala lang ang dalaga at napatingin sa dalawa. Napaupo sila sofa pagkat nasa state of shock si Beatrice. “Okay so demonyo kayo pero mababait tapos sila mga talagang masama. Tapos you guys are killing the bad ones?” bigkas ng dalaga. “Ganon na nga bale trabaho talaga ng tatay ko yon pero gusto namin siya tulungan. And it seems you are going to be one of us” sabi ni Benjoe. Lalo nagulat si Bea at hindi makapaniwala. “Why me? I don’t understand” sabi niya. Pinaliwanag ni Ayesha ang lahat kaya nagtagal pa sila sa boarding house. Pagkatapos ng trenta minutos ay napatingin si Bea sa mga kamay niya. “Pano ako nagkaroon ng powers? So you mean to say I can heal demons?” tanong niya. “Yes pero ang higit pa doon ay kakaiba ka kasi our powers don’t work on you” sabi ni Benjoe. “Pero that is a good thing for me right?” tanong ni Beatrice. “Oh yes that is very good para hindi magamit ni Benjoe ang powers niya sa iyo” sabi ni Ayesha. Napakamot si Benjoe at nagsimangot, “Bwisit pinapalabas mo naman na m******s ako e” reklamo niya. Natawa na si Bea pero nakatingin parin sa kamay niya. “Healer ako, so how do I do it?” tanong niya. “Aye sugatin mo ako dito sa kamay” sabi ng binata. “Uy wag na pano kung hindi pala talaga ako healer” sabi ni Beatrice. “Relax ka lang” sabi ni Aye at may lumabas na mga apoy sa mga kuko niya, kinalmot niya agad si Benjoe at nasugatan yung binata. “O now you heal me” sabi ng binata. Kinakabahan ang dalaga, hinawakan niya ang sugat ni Benjoe at napakagat sa labi. “O tapos anon a gagawin ko?” tanong niya. “Aba malay ko di naman kami taga hilom e” sagot ni Ayesha. “Dalian mo baka ikamatay ko sugat ko” banat ni Benjoe at kinabahan yung dalaga. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagulat yung dalawa nang may dilaw na ilaw na lumabas sa kanyang kamay. Sumilip si Bea at nagulat sa nakikita niya, ang sugat sa kamay ng binata unti unti nahihilom. “Oh my God I am doing it!” sigaw niya. Tuwang tuwa talaga yung dalaga nang nawala ng tuluyan ang sugat sa kamay ni Benjoe. “Does this mean I am a demon?” tanong ni Bea. “Hindi, kasi yung taga hilom ng tatay ko e tao. Pero meron din taga hilom na demonyo” paliwanag ng binata. “Pero pano ako nagkaroon ng ganito? Normal lang kami na tao, how did I get this and what does this mean now? Mag stop ako mag aral?” tanong ng dalaga. “Hay sa totoo di ko alam e. Kasi sana nandito yung daddy ko at mga tita ko para maliwanagan tayo. You don’t have to stop, ako nga nag aaral pa e. Bale itong ginagawa namin para lang makatulong sa tatay ko” sabi ni Benjoe. “Kaya lang kailangan ka namin bantayan kasi ikaw nga yung ikalawang tala ni Benjoe. Ako ay ang unang tala niya at sabi ng daddy niya importante daw ako sa kanya. So ikaw din importante sa kanya” sabi ni Ayesha. “Ano parang asawa niya tayo ganon?” tanong ni Bea. “Ganon na nga” biro ni Benjoe at bigla siya binatukan ni Ayesha. Natawa si Bea at minasahe ang kanyang ulo. “This is too much to take in right now at sumasakit ulo ko. Ano gagawin natin dito sa perang ito?” sabi ng dalaga. “Well kawawa yung mga boardmates mo. Kahit na hindi nila maalala ang nangyari sa kanila they deserve something. Alam ko hindi nito kaya tumbasin ang nawala sa kanila so gagamitin natin itong pera at hahatiin sa inyong lahat. Aye mamaya pagdating nila magpapanggap kang matanda na magbibigay sa kanila ng full scholarship sa magandang unibersidad. Ang kapalit ay ang pagpapanatili ng magagandang grado. Tapos hindi na sila pwede manirahan dito, ililipat natin sila sa isang desenteng apartment” “Masyado madami itong pera kaya hindi natin pwede ibigay sa kanila baka iwaldas lang. Kaya bibilhin natin yung apartment, libre sila titira doon. Pati pagkain nila libre, kukuha tayo ng isang caretaker para magluluto at maglilinis ng bahay para sa kanila. Tayo ang magbabayad ng lahat ng bills, bibigyan natin sila ng lahat ng kailangan, tv, radio, computer, at lahat ng kailangan para sa pag aaral. Ang kapalit naman ay walang magmamalabis sa kanila at dapat magtratuhan silang magkakapatid. Yung natirang pera ibabangko natin, gagawa tayo ng tig isang account ang mga girls. Hayaan muna doon ang pera para magkainteres. Pag graduate na sila saka ibibigay sa kanila bilang panimula” sabi ni Benjoe. Di makapagsalita si Bea, muli namuo ang mga luha sa kanyang mga mata pero may matamis siyang ngiti para sa binata. “Sigurado ka ba demonyo ka?” bulong niya. Napangisi si Benjoe at huminga ng malalim, “Sad to say oo e” sagot niya. Nagpapalitan ng ngiti yung dalawa kaya napataas ang kilay ni Ayesha. “Hoy tama na yang pag beautiful eyes niyo” banat niya at parang nagkandahiyaan tuloy yung dalawa. “Pero wag niyo nalang ako isama sa kanila. I don’t deserve it. Wala naman nangyari sa akin e. Nahihiya nga ako at tumanggap ako ng pera para manahimik. Sorry talaga pero ginawa ko lang yon para sa parents ko” sabi ni Bea. “Yung share mo makukuha mo din pero ipapadala nalang natin sa magulang mo. You just have to lie to them and tell them you won the lottery kasi talagang madaming pera ito. Sabihin mo nalang na madami kayo naghati at nagcontribute ng mga numero” sabi ng binata. “Nahihiya talaga ako” sabi ng taga hilom. “Don’t be, and you will be staying with Ayesha from now on” dagdag ng binata. “At magkakwarto kayo ganon?” tanong ng dalagang demonyo. “Hindi, babalik ako kay Art. Tama lang siya kukuha sa kwarto ko. I can spend time with you two naman tapos pag tulugan na uuwi ako sa kabila. O at least Aye someone can teach you the girl stuff you need to know” sabi ni Benjoe. “At ikaw lang ang nagdedesisyon ganon ba? Wala ba akong say dito?” sumbat ni Ayesha. “Oo nga pala sorry. Kung gusto mo lang pala. Beatrice is someone important to me now. Dalawang tala na ang nakasindi sa aking pendant kaya obligasyon ko na protektahan kayong dalawa. Pero pag ayaw mo siya tumira sa condo mo ayos lang. Makakahanap at makakaisip din ako ng paraan para mabantayan kayong dalawa” sabi ng binata. Napabuntong hininga si Ayesha at tinignan si Bea na nakayuko. “Fine then pero ang tanong tanggap ba niya ang mga responsibilidad ng isang tala at taga hilom mo?” sabi ng dalaga. “What exactly am I supposed to do?” tanong ni Bea. “Ewan ko din talaga pero with your ability you just have to be there to heal me when I need you to, and Ayesha din pala. Beyond that just live normally” sabi ni Benjoe. “Kaya ko naman gawin yon” sabi ni Bea. “So okay na lahat. Titira ka na sa condo ko, kunin mo na lahat ng gamit mo” sabi ni Ayesha. Sa tuwa agad tumakbo paakyat si Bea habang yung dalawa naupo at pinagmasdan ang maleta na puno ng pera. “Mas inuna mo pa sila kesa sa sarili mo. Tignan mo itong maleta, may milyones din yan. Pwede mo naman itago para sa sarili mo kasi tinalo mo naman yang demonyo na yan” sabi ni Ayesha. “Aye madumi tong pera na to. Di mo ba naiisip ano ang dinaanan na hirap ng mga girls? Di pa nga nila alam e kasi burado memorya nila. Kung alam lang nila sigurado ko may mababaliw sa kanila o kaya magpapakamatay. Para sa kanila talaga yan at wala dapat ibang mag angkin ng perang iyan” “Alam mo sa totoo lang ang daming ganito na kalakalan sa buong bansa. Madaming mga yumayaman sa ganito. Binebenta nila ang mga babae. Hindi tama ito e. Para sa iba naman easy money kaya nila binebenta katawan nila para lang magkapera. Pero ito sobra na ito, they don’t even know what that demon was letting them do. Mahirap isipin at kay hirap sikmurain. Pero okay na that they don’t know what happened. Mas maganda yung plano ko. Para maging happy sila, iisipin nila na nabiyayaan sila” paliwanag ng binata. Nagpalit anyo si Ayesha at ginawang invisible ang maleta. Nakababa na si Bea at namangha sa nagawa ng dalaga. “Wow kaya mo magpalit anyo?” bigkas niya. “Mano po” biro ni Benjoe at kinuha ang kamay ni Ayesha. Agad siya binuntal ng dalaga kaya tawa ng tawa si Beatrice. “Loko ka ha, oy nandyan na sila” sabi niya. Sakto at maingay na sa front door kaya tumakbo si Bea para buksan ang pinto. “Aye ikaw na bahala ha” sabi ni Benjoe sabay nag invisible. Nagpakilala si Ayesha na lolo ni Bea. Nang sinabi niya sa mga girls ang magandang balita ay ang tindi ng tuwa nila. Napapaluha si Ayesha pagkat ramdam niya talaga na sobrang saya ng mga boardmates ni Bea. “Mga iha mag impake na kayo at dadalhin ko kayo sa hotel. Doon muna kayo ngayong gabi kasi hindi pa handa yung apartment niyo. Isasama ko na tong apo ko kasi miss ko na siya pero dadalaw parin kami sa inyo” sabi ng matadang lalake. Agad nagtakbuhan sa taas ang mga girls para mag impake, agad sumulpot si Benjoe at napangiti. “Feels good ano?” tanong niya at napangiti si Ayesha. “Pero bakit may hotel pa?” tanong ng binata. “My treat don’t worry. It just seemed the right thing to do” sagot ng matanda. Nang handa na ang mga girls nagtungo sila lahat sa pinakamalapit na mamahaling hotel. Si Benjoe nagpaiwan sa loob ng bahay at nag isip ng matagal. “This house is full of bad memories, even though they are already erased on the minds of the girls I cannot let this house remain standing” bulong niya. Nagliyab ang buong katawan niya at nagpakawala siya ng mga maliliit na itim na apoy. Nagteleport na siya palabas ng bahay at sa tapat tumabay habang pinanood na maging abo ang bahay ng kasalanan. Tangahali na nung nakabalik yung tatlo sa condo. Lahat sila nakangiti habang nakaupo sa salas. “Ang saya saya nila no?” sabi ni Bea. “Oo nga e” sagot ni Ayesha pero si Benjoe tahimik lang at pinagmamasdan ang pendant niya. “About the star thing, so kahapon isa palang ang tala na umiilaw dyan?” tanong ng taga hilom. “Oo, so ibig sabihin ikaw talaga yung pangalawang tala niya” sagot ng demonyong dalaga. “It makes sense e, si daddy din may taga hilom na tala. Tapos yung isa demon din pero yung pangatlo ay mommy ko daw” sabi ni Benjoe. “O e di isa pang demon hahanapin natin kasi kayo naman ni Ayesha diba?” sabi ni Bea at nagulat yung dalawa. “Ha? Hindi no!” sumbat ng dalagang demonyo. “Hindi ba? Parang kayo kasi e” hirit ng taga hilom sabay ngisi. “May babae na yan” pataray na sabi ni Ayesha. “Naks parang may hidden meaning yung pagkasabi mo ha Aye” landi ni Bea. “Pero dapat di mo sinasabi na babae lang. Tawagin mo naman na girlfriend. Para naman bagay lang yung pagkasabi mo e” dagdag niya. “Very good Beatrice, turuan mo nga yang demonyo na yan” biro ni Benjoe at napasimangot si Ayesha. “E babae naman talaga kasi yung girlfried niya so tawag ko sa kanya babae” paliwanag niya. “Uy di mo kaya bigkasin name niya ano? Kasi nagseselos ka no?” hirit ni Bea at biglang namula ang mga pisngi ng dalagang demonyo. “Of course not” sagot niya. “Sige nga ano name ng girlfriend ni Benjoe?” tanong ng taga hilom. Nakakunot ang mga labi ni Ayesha sabay tumingin sa malayo. “Maya! O ano?” sigaw niya. Tawa ng tawa si Bea at tinignan si Benjoe. “Ano naman nginingiti mo diyan? Halata din naman na may gusto ka kay Aye” banat niya. Nagulat ang binata at biglang nagpanic, humarap si Ayesha sa dalawa at nakangiti. “Ano sabi mo Bea?” landi niya. “I can sense that Benjoe likes you too, pero masyado siya mabait para magtaksil” paliwanag ng taga hilom sabay tumawa. Napangiti si Ayesha at sabay pa sila tumingin sa malayo ng binata. “You two cant lie to me kasi alam niyo eversince bata ako kaya ko daw magsense ng nararamdaman ng isang tao” sabi ng dalaga kaya agad napatingin yung dalawa sa kanya. “Ano ibig mo sabihin?” tanong ni Benjoe. “Hmmm tulad niyong dalawa, pag magkasama kayo nararamdaman ko yung pagkagusto niyo sa isat isa. I can sense Aye really likes you and you like her too pero may pumipigil nga sa iyo” paliwanag ni Bea at napanganga ang binata. “And you cant lie to me kasi mararamdaman ko yon. Pero hindi ko kaya magbasa ng isip ha, ewan ko basta nararamdaman ko lang yung nararamdaman din ng isang tao” dagdag niya. “Si Maya ang nagpipigil sa aming samahan” banat ni Ayesha at biglang nagtawanan yung tatlo. “So mali pala ako, baka naman si Maya ang third star mo Benjoe. Kasi sabi mo dad mo ang third star niya ay mommy mo” sabi ni Bea at biglang napaisip ang binata. “Oo nga no. Alam mo pag kasama ko siya hindi ko tinitignan to e” sabi niya sabay hawak sa pendant. “Sira, sabi ng daddy mo pag nahanap mo na ang tala mo hindi na mamatay ang sindi unless namatay sila. Oh baka nga si Maya pero wala na sindi kaya patay na siya” banat ni Ayesha sabay tawa. “Ayiheee lalong obvious na” tukso ni Bea kaya tumahimik ang demonyong dalaga. “Tama siya, that means hindi ko pa talaga nahahanap yung pangatlong tala ko. Well at least I have two now, I wish I can find the third one para masolve ko mystery nito. Para mahanap ko na mommy ko” bigkas ng binata. “Uy wag ka na masyado sad kasi nahahawa ako. Nararamdaman ko pangungulila mo sa nanay mo. I will help you I promise. Di ko talaga maintindihan pa lahat ito pero sabi mo second star mo ako at importante ako sa iyo kaya tutulungan ko kayo” sabi ni Bea sabay himas sa likod ng binata. Napataas ang kilay ni Ayesha kaya napabungisngis ang taga hilom. “Ramdam ko din ang killing intent ni Aye kaya titigil na ako” hirit niya kaya muling nagtawanan yung tatlo. “Alam mo Aye ang boring ng condo mo. Kailangan ng tv, radio, computer at marami pang iba” sabi ni Bea. “Ows? Sige tara sa mall at sabihin mo lahat ng kulang ng condo tapos bilhin na natin” sabi ng dalagang demonyo. “Wow rich kayo?” tanong ng taga hilom. “Siya lang, kasi siya yung paborito ng tatay ko, samantala ako pinalaki sa hirap. Pero excuse me hindi ako naligo sa dagat ng basura. Kahit pobre ako alam ko parin ano ang kadiri sa hindi no” sumbat ni Benjoe. “Yiheee pabor pala si daddy sa iyo Aye. Advantage mo na yan” landi ni Bea. “Alam mo sis nalang tawagan natin. I really like you na” sabi ni Ayesha. “Sige pupuntahan ko muna si MAYA! Namimiss ko na si MAYA!” sigaw ni Benjoe. Tawa ng tawa si Bea sa pagtantrum ni Ayesha. Pagkatapos nila manghalian sa labas dumiretso na yung dalawa sa mall habang si Benjoe bumisita sa kanyang nobya. Nakaupo si Antonio sa may park at pinagmamasdan ang anak niya pumasok sa bahay nina Maya. “Alam mo mas madami tayo matratrabaho pag hindi natin lagi dinadalaw anak mo” sabi ni Yamika. “Oo nga dapat magtiwala ka sa kanya. Yan ang sinasabi mo sa amin tapos ikaw hindi mo kaya gawin” dagdag ni Ophelia. “Di ko akalain na susundan niya yapak ko. Ayaw ko talaga sana pero ngayon nakasimula na siya hindi ko siya pwede pigilan. Ito ang sinasabi nilang tatahakin talaga ng anak ko, sinubukan ko kumontra pero pano mo ba sila kakalabanin?” bigkas ni Antonio. “Sino ba kasi? Malihim ka masyado sa amin e” sabi ng taga hilom niya. “Hay naku hayaan na natin. Nahanap na ni Saturnino ang pangalawang tala niya. Pero hindi pa niya makuha ang mysteryo na nakabalot sa kwintas niya” sabi ni Antonio. “Relax ka lang at least natututo sila sa sarili nila. Kaya lang magmamana ata talaga sa iyo anak mo” tukso ni Yamika. “Oo nga, panay babae ang tala,malamang yung pangatlo babae din. Pwede naman lalake diba? Mana talaga sa ama” dagdag ni Ophelia at nagtawanan yung dalawa. Napatingin nalang sa langit si Antonio at napabuntong hininga. “Konting tiis nalang”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD