Allyza Alcantara Sa mga araw na nagdaan mas nakikilala at nakita ko ang iba pang mga katangian ni Jackson na hindi ko inakala. Hindi ko rin mapaniwalaan ang sarili na sa kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa niya napasaya na ako. Pansamantala ko na nga nakalimutan ang mga problema ko. Lalo na 'yong pagkawala ng scholarship ko na naging dahilan ng pagkakalapit naming dalawa. Ngayong patapos na ang first semester muli ako nakaramdam ng pangamba lalo na noong ipatawag ako ng Dean sa opisina niya. "Anong sabi?" agad salubong sa akin ni Missy at Jackson paglabas ko ng opisina. Nangingilid ang mga luha ko nang tingnan ko sila. "M-makakapag-aral pa ulit ako ng libre dito sa school." "Talaga??? Oh my god! I'm so happy for you, Bestie!" Masayang wika ni Missy at niyakap ako. Nakangiting l

