Chapter 38. Talk

3026 Words

Allyza Alcantara Lumabas ako ng club na iyon kahit hirap maglakad. Wala na akong balak bumalik. Medyo nakakalayo na ako nang marinig ko ang boses ni Luke. "Ally, wait!" Binilisan ko ang lakad pero nawalan ako ng balanse kaya napaluhod ako sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at naitukod ko pa ang dalawang kamay. "s**t, okay ka lang? Bakit ka kasi tumakbo?" Pagalit na tanong nito pero alam ko ring nag-aalala siya. "Mabuti na lang sinundan kita." Kinuha niya ang braso ko para alalayan tumayo pero pinigilan ko siya. "Okay lang ako." Ayoko na munang makipag-usap sa kahit sino sa kanila. Sinubukan kong tumayo pero masakit ang tuhod ko kaya napaupo ako. "What happened to her?" Natigilan ako ng marinig ang boses ng taong tumatakbo palapit. Kahit hindi ko tingnan kilala ko ang boses na 'yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD