Allyza Alcantara Pagtapos naming mag-ayos ni Missy sa bahay sinundo na kami ni Jackson at sabay kaming tatlo pumunta sa isang night club kung saan gaganapin ang pa-welcome party ni Diane. Invited daw kaming lahat kaya kailangan naming pumunta. Hindi nagustuhan ni Jackson ang maikling tube dress na pinasuot sa akin ni Missy kaya hinubad nito ang itim na leather jacket at ipinagamit na lang sa akin. Pumasok kami sa loob habang hawak-hawak niya nang mahigpit ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ng grupo. Agad kaming nilapitan ni Diane nang makita niya kaming dumating. Nakasuot lang ito ng bralette at leather skirt kaya kitang-kita ang hubog ng sexy nitong katawan. Kahit ako hindi maiwasang pagmasdan siya. "Hi, Babe!" salubong nito kay Jackson na nasa tabi ko at niyaka

