"Ang Torpeng Berdugo" Walang lalaki walang babae, walang ordinaryo, walang propesyonal, walang pari, walang madre, walang dala-dalaga, o bunti-buntis, basta’t sumusuporta sa komunista at teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF, salot sa lipunan ang tingin ni Edwin sa mga ito. Gaya ng paglagablab ng isang apoy sa isang sinilaban na talahiban, ay kumalat at tumatak ang pangalan ni Lieutenant Edwin Santos sa buong lalawigan ng Quezon, at sa mga karatig pa nitong probinsiya. Siya ang tanyag na si BERDUGO, subalit, kaakibat nito ang matinding pagnanais ng kilusan sa agaran niyang kamatayan sa pamamagitan ng SPARU. Muling pinatawag ng Battalion Commander si Edwin, pero sa pagkakataong ito’y mababanaag na ang saya sa mukha nito. Inilahad ni Colonel Eugenio ang magandang balita ke Lieutenant Santos.

