Claire... Nadinig niyang muli ang pangalan na iyon. Sandaling katahimikan ang pumagitan sa dalawa. Diyata’t, hindi niya talaga matanto kung bakit espesyal kahit ang pangalan lamang na iyon sa kaniya. Ang maganda at maamo nitong mukha sa kabila ng katarayan, tuloy ay muling nanumbalik sa kanyang isip. Bantulot man ay lakas loob na nagtanong si Edwin “Bry may nobyo ba pinsan mo?” “Wala Sir. Puro mga manliligaw lang Sir.” “Ilang taon nga siya Bry?” “22 Sir.” Muling katahimikan. “Pero nagka boyfriend na din siya?” Sunod na katanungan ng pinuno, wala ng inhibisyon pa, at lantaran na ang pagpapakita ng interes sa dalaga. Dito ay nakaisip ng pagkakataon ang lokong si Brian. Dinukot nito ang cellphone sa kanyang bulsa makaraa’y tumipa dito. Sumagot ang nasa kabilang linya at dagling

