“Ang Itinatago” Alas diyes ng umaga, wala na ring balak bumalik sa pagtulog ang pinuno. Wala ring abiso pa ang batalyon kung may paparating na operation. Isa pa’y nagkataong ginugunita ang ikasampung anibersaryo ng Battalion at nakalaan ang buong lingo upang ipagdiwang ito. Pumasok na muna ang tinyente sa kanyang kubo. Mabilisang naligo, pagkatapos ay tiningnan ang salansan ng mga damit sa hindi pa nagagalaw na duffle bag. Faded dark gray, na denim jacket, isang beige lee shirt, at lee din na tattered denim shorts. Pinaresan niya ito ng kanyang paboritong birks sandal. Arizona Birko-Flor blue. Bago tuluyang ikandado ang kubo, hinablot nito ang nakasabit na itim na levi’s na sombrero. Saktong sa paglabas ni Edwin ay namataan nito ang first sergeant. “Chris,……. First.” Tumatakbong l

