Labas ang mga braces nito sa laki at hindi mawala walang ngiti sa labi. Bago pa anyayahan ay agad itong umupo sa tabi ng tinyente. “Eyyyyyyyyyyy….ang ganda pala ng boses mo hihihi…” “May itinatago ka pala ha” “Oo, itatago ko na lang, ganti namang biro ni Edwin. “Sir mauna na kami, paalam ng katipan ni Mimi hanggang sa lumisan ang grupo, kasunod ng pagbabalik ni Manang Lita. “Hi Maam Joy andito ka na pala, teka magkakilala kayo ni Sarge.? Tumango lamang dito si Joy. Si Edwin, pasimpleng nangutya.. “Marites." “Oh ganda, shot ka?, muli, ang pinuno. Nakapangalumbaba si Joy, hindi pa rin inaalis ang malagkit na pagkakatitig sa tnyente. “Ang ganda ng boses mo Edwin, akala ko sa ano ka lang magaling hihihi.'' “Uy kanta ka pa,. ” muli ang dalaga. “Mamaya na, madiscover pa ako dito nan

