Kulang-kulang isang oras na nag-usap ang Punong Barangay ng Dalag at ang pinuno. Mag tatatlong oras na buhat nang makaalis ang Kapitan subalit hindi mawaglit sa isipan ni Edwin ang mga kataga nito kanina. “Tinyente, kung sa tingin mo ako ang hinahanap mong pinakamalaking isda dito, nagkakamali ka”. Maniwala ka man o hindi, isa lamang akong masa, na kailangang makisama sa kilusan. Kung ikaw ang nasa katayuan ko ano ang gagawin mo tinyente?” “Malaking bahagi ng buwis na nalilikom ng kilusan mula sa mga kaaway na uri ay nakalaan para sa pagkain at gamot ng mga kadre. Napakalaking pera nun tinyente, at bibinibigay lamang ng kilusan ang katungkulan na iyan, hindi sa isang masa lamang na katulad ko tinyente, kundi sa isang tulad nilang hindi mag aalinlangang humawak ng armas sa hudyat para isa

