Ang pagsabog sa kabayanan ay agad na naging usap -usapan sa buong Mecaleon. Hindi nga nagtagal ay agad itong nakarating sa Barangay Dalag. Halos paliparin ni Robert ang motorsiklo upang puntahan ang tinyente sa Barangay Hall dala ng matinding pangamba. “Ako na ang susunod, ako na ang susunod”, tila ba wala na sa sariling wisyo na sambit ng Kapitan. Ang bakas ng humaharurot na motorsiklo ay lumikha ng mistulang kaulapan ng alikabok dahil sa pagnanais ni Robert na maabot kaagad ang kinaroroonan ng tinyente. Sa tapat ng Covered Court, ay di na nagawang isandig man lamang ng Kapitan ang motor. Bumagsak ito nang mabitawan ng humahangos at pumapalahaw na si Robert, isinisigaw ang pangalan ng pinuno. “LT. SANTOS, LT. SANTOS, LT. SANTOS, ako na ang susunod ako na ang susunod”, ang palahaw ng n

