Bente minutos matapos mag ala una, papasok na sila sa isang subdibisyon. Walang dudang isa itong eksklusibo. Pagkalagpas sa Guard House ay mabubungaran agad ang Driving Range ng Golf Course at ang Club House. Magkabilaan ang mga Tennis Courts at Covered Courts. Takaw pansin din ang nangagasul na tubig ng Olypic-Size Swimming Pool. Napaka elegante ng lugar gawa ng mga puno ng palmera sa magkabilaang gilid ng daanan. Pagkatapos ng ilang kaliwa at kanang turo ni Claire, nasa harapan na sila ng tatlong naglalakihang mga bahay ng mga Ireneo. Nasa iisang hilera ang mga ito at halos magkakasintulad ang pagkakadisenyo. Mga modernong tropikal. Ang harapan ng mga ito ay may naglalakihang salamin na bintana na nagpapapasok ng natural na liwanag. Ang paligid ay pinalilibutan ng mga tropikal na halama

