Hindi kumalas sa pakikipagkamay si Mr. David Ireneo. Mata sa mata, tila inaarok ng ginoo ang pagkatao ng pinuno. Hindi makapa ni Edwin ang saktong sasabihin. Wala mang imik ang ama ng kasintahan, batid ni Edwin ang sinseridad at ang isanlibong mensahe mula sa mga mata nito. “Edwin, all we want is the best for our daughter iho, and what I mean best, is her happiness. Everything, anything na makaka-pagpasaya sa kanya Edwin, and that’s all. Iyon lang ang gusto namin ng mommy niya. Naiintindihan mo ako Iho?” “Yes Sir.”, maikling tugon ng tinyente. Kung paano niya i gagarantiya na mabuti siyang tao, ay hindi alam ni Lt. Edwin Santos. Dumagdag sa pagkakapatong ng kanilang mga palad ang kanyang kaliwang kamay habang tutok pa rin ang mga mata sa mga mata ng kaharap. Sinundan din ito ni Anto ng

