Ang Guwapong Mukha ni 1st Lieutenant Arthur H. Delavega Araw ng Lunes, isang oras bago ang Flag Raising Ceremony sa Battalion Headquarters, naghahanda ang lahat. Maaga ang S3. Nasa kanyang opisina ang opisyal. Nagkakape ito. Walang imik. Sa harapan nito’y ang dalawang sundalong sinisingil, nagkasala “daw” sa kanya. Nakasubsob ang mga ulo ng mga ito sa sementong sahig. Ang pangkalahatang timbang o bigat ng mga ito ay pasan ng mga ulong nakatusok sa konkretong lapag. "Tusok Ulo", isa sa mga itinuturing na hindi makataong kaparusahan sa mga sundalong nagkakamali. Kung tawagin sa tema ng Military, "unothodox". Hindi maipapaliwanang ang literal na sakit sa ulo na dulot ng nasabing parusa. Higit dito ay ang peligro maidudulot ng pigil na natural na sirkulasyon ng dugo. Mababakas ang hirap

