Episode 18

1480 Words

Agad siyang bumalik ng kampo, at paakyat pa lang ang kanyang motor, dinig na niya ang sabayang bilang ng tropang nasa gitna ng initan, isinisilbi ang kaparusahang kanyang ipinataw kaugnay ng nagdaang kabalbalan. “ONE, TWO, THREE, NINETEEN, ONE, TWO, THREE. TWENTY, ONE, TWO, THREE, ONE,” balik sa uno na bilang ng mga sundalo. Bakas na ang hapo, ang iba’y hindi na halos makakilos. Bago niya lisanin ang kampo papuntang detachment kaninang umaga,ay pinulong niya muna ang mga ito. “CHANGE TO ATHLETIC UNIFORM, FIRST PANGUNAHAN MO HA, MAG SQUAT THRUST KAYO, AT PAGBALIK KO DAPAT NAG- IISQUAT THRUST PA RIN KAYO, AKO ANG MAGSASABI KUNG KAILAN KAYO TITIGIL, MALAIWANAG BA FIRST?” , puno ng awtoridad na utos niya para sa lahat, bago niya lisanin ang CP kanina. “TSSSSSSSSUUUUUUNNNNNNNNNNNNN”,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD