"Ang Pag-usbong ng Hidwaan" Nag-isip siya. Hindi niya kontrol ang detachment, hawak ito ng batalyon. Tama ng napatunayan niya ang kanyang duda. Ipaparating na lang niya ang natuklasan sa kinauukulan. Pagkatapos litratuhan ang tulog pa ring guwardiya, pumanaog sila ni Guzman, kasunod ng pagtunog ng kanyang cellphone. Hindi rehistrado ang numerong tumatawag. “Edwin, Cpt Torres to, S2, tawag ka ni CO.” Hatid nito'y ibayong pagkairita sa kanya. "S2, S2, Stulog kamo tangina , isa ka pa", mga katagang gusto niyang ipamukha sa kausap, kung pwede lamang. “Copy Sir.”, daglian niyang sagot, at putol sa tawag dahil sa inis. Isinilid niya sa bulsa ang cellphone at hindi na hinintay na pormal na matapos ang kanilang pag-uusap. Binuhay niya ang makina ng motor, pinaharurot, at hindi na hi

