Kasunod ng huling dalawang putok, ay halos liparin ng pinuno ang kubo nito. Patakbo nitong inakyat pabalik ang taas ng kampo, bitbit ang issue na M4 Carbine. Halos magkabanggaan sila ng mga tropang panaog pa lang para kunin ang kanya-kanyang armas, bagay na agad nagpainit sa kanyang ulo. Subalit, walang maitutulong sa sitwasyon kung ngayon niya sisingilin ang tropa. “Harassment ba ito o opensiba para i-over run ang kampo? Kung i-oover run ang kampo malakihan ito na taktikal na operasyon ng kalaban, pero walang intel report galing sa taas?", mga katanungan sa isip ng tinyente. Pero, may isang paraan para makumpirma ang totoong sitwasyon. Pinakiramdaman niya kung me command galing sa First Sergeant, o sa mga Platoon Sergeants. Pero mistulang pipi ang mga radio. Wala siyang marinig. Tat

