Walang pagsidlan ang mga mura ni Delavega. Nasapawan na siya ni tinyente Santos pagdating kay Claire, ngayon nama’y pati sa trabaho ay pinataob din siya ni Anto. Hindi matanggap ng “masokista” niyang utak ang pagkatalo. Madiin ang pagkakapihit niya sa seradura ng pinto ng sariling kuwarto sa BOQ. Kung hindi nga lamang siya makakalikha ng ingay sa Bachelor’s Officers Quarters, ay pabalibag niyang isasara ang pintuan. Nakapagpigil pa si Delavega. Subalit paulit ulit na umuukit at mistulang balaraw na paulit ulit na tumatarak sa kanyang pagkakalaki ang pagkakalampaso sa kanya ni Edwin sa diskusyon kanina. “P*TANG-INA MO KA SANTOS. SINO KA BANG HAYOP KA P*TANG-INA MO KA.”, may kalakasan na ito, hindi na nakapagpigil ang S3. “THUUDDDD.”, ang nilikhang ingay ng “study table” pagkatapos ito

