18

674 Words
Pat's pov Maya maya inaya na kami ni tita cy na kumain. Pinakilala na din ni Agnes isa isa yung mga kapatid niya sakin, 7 pala silang mag ka kapatid at Meron ding band yung isa niyang kapatid yung dalawa naman duo sila. Nakaka tuwa lang dahil lahat sila kilala ako Ang saya nilang kumakain, ano kayang feeling ng may kapatid? Bigla ko tuloy na miss si mommy at daddy "Ok ka lang?" Tanong ni Agnes at tumango lang ako "Pat, kamusta yung parents mo? alam na ba nila ang tungkol sa inyo?" Biglaang tanong ni tito "Ah matagal na po silang wala tito" Sabi ko at nag smile "kahit kapatid wala po" Sabi ko kaya naman lahat na sila naka tingin sa akin. Hinawakan ni Agnes yung kamay ko at nag smile lang ako sa kanya  "Sorry sa question nak" Sabi ni tito  "Ok lang po yun tito, Meron naman po akong Agnes" Sabi ko kaya napa smile sila  "Pwede mo naman po kami maging kapatid ate pat" Sabi ng bunsong kapatid niya   "Oo nga naman. since kayo na ng anak namin, simula ngayon pamilya mo na din kami" Sabi ni Tita at tumango lang yung mga kapatid niya. Nag smile ako kay Agnes at nag thank you sa family niya. Sobrang saya ko lang dahil kahit hindi pa nila ako gaanong kilala tinanggap padin nila ako sa family nila "Sabi ko naman sayo magugustuhan ka nila eh" sabi ni agnes kaya napa ngiti ako. nasa balcony kami ng bahay nila at pinanonood lang namin yung mga kapatid niya  "ang sarap siguro ng may tunay na kapatid no" sabi ko habang pinapanood sila "oo naman" sabi niya "wag ka ng malungkot, nandito naman ako eh. hindi kita iiwan" sabi niya at umakbay siya sakin. naging close agad kami ng mga kapatid niya, medyo nag ka kahiyaan lang pero ok naman nung hapon na niyaya ako ni agnes mag lakad lakad, pumayag naman ako dahil bukas uuwi na agad kami sa manila. habang nag lalakad kami biglang huminto si agnes, hinubad niya yung suot niyang jacket at sinuot yun sakin "hindi ka ba giniginaw?" tanong ko sa kanya, umiling siya at hinawakan na ulit yung kamay ko "sure kang hindi ka nilalamig?" tanong ko ulit, sobrang lamig kase dito kaya imposibleng hindi siya nilalamig "nilalamig pero mas kailangan mo yan, tyaka sanay na ako" sabi niya. dito nga pala siya lumaki "ikaw hindi ka na ba giniginaw?" tanong niya  "medyo" sabi ko at humarang sa daan niya. tinaas ko yung dalawang kamay ko at mukhang nakuha niya naman yung gusto ko, niyakap niya ako at nag patuloy na kami sa pag lalakad. pumunta kami sa burnham park at dun kami nag pahinga  "babe" sabi niya kaya tumingin ako sa kanya "happy monthsary" sabi niya at nag smile siya. shet nakalimutan ko! monthsary nga pala namin ngayon "hala babe sorry nakalimutan ko. kinakabahan kase ako kaya nawala sa isip ko, sorry" sabi ko at nag smile lang siya. bigla tuloy akong nalungkot, hindi man lang ako naka bili ng gift para sa kanya "ok lang yun, sapat na sakin yung pumayag ka na sumama dito" sabi niya at niyakap ako "wag ka na malungkot, check mo nalang yung bulsa ng jacket" sabi niya kaya kinapa ko yung bulsa at may nakuha akong necklace na may moon na pendant "ang ganda, thank you babe" sabi ko at niyakap ulit siya "alam mo ba kung bakit moon?" tanong niya "bakit?" tanong ko at tumingin sa pendant  "kase kapag titingin ako sa moon ikaw yung naalala ko" sabi niya habang naka smile, hindi ko mapigilan na mapangiti dahil kinikilig ako "tuwing hindi tayo mag kasama lagi akong tumitingin sa buwan, kase kahit malayo tayo sa isa't isa iisa lang yung buwan na meron tayo" sabi niya at sinuot niya na sa leeg ko yung necklace  "gusto mo bang sabay naman nating pagmasdan yung moon mamaya?" tanong ko sa kanya "siyempre, tara uwi na tayo" sabi niya at tumango lang ako at nag umpisa na kaming mag lakad pabalik 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD