17

722 Words
Pat's pov. Naging busy ako nung mga nakaraang araw dahil tinapos ko na yung mga kailangan kong tapusin, bukas na kase kami pupunta sa baguio. 3:00 am na pero hindi padin ako maka tulog, susunduin ko siya ng 5:00 am mamaya para hindi kami ma stuck sa traffic. Kinakabahan talaga ako, pero wala na tong atrasan Natulog ako saglit dahil ako ang mag d drive mamaya. Pag gising ko nag asikaso na agad ako at kumain, pag tapos kinuha ko na yung keys ko at umalis na. Nag drive na ako papunta sa condo niya at pinuntahan na siya "Good morning, natulog ka ba?" Tanong niya at humalik siya sa pisngi ko "Good morning din, nahirapan lang ako matulog pero natulog ako saglit" Sabi ko "Ako na mag d drive, tulog ka nalang muna"  Sabi niya at yumakap sakin "Marunong ka mag drive?" Tanong ko at tumango lang siya "tara alis na tayo baka ma stuck tayo sa traffic" Sabi ko at hinawakan niya yung kamay ko. Nag lakad na kami pababa sa parking lot at sumakay na sa kotse. Natulog na muna ako dahil siya naman yung mag d drive. 8:30 palang nakarating na agad kami sa kanila. Bago kami dumiretso sa bahay nila nag aya muna ako na bumili ng prutas para sa pamiya niya. bago kami bumaba ng kotse hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan yung knuckles ko "Kinakabahan ka pa ba?" Tanong niya. Nag smile lang ako at umiling "tara na" Sabi niya. Bumaba na siya at pinag buksan ako ng pinto ng kotse, habang papasok kami hawak niya lang yung kamay ko "Anak, nandito ka na pala" sabi ng mama ni Agnes at yumakap sa kanya "hi ms lasaten, buti naka punta ka. Upo muna kayo" Sabi ng mama niya at inabot ko yung dala naming prutas "salamat iha nag abala ka pa" Sabi ni tita at nag smile nalang ako "Pat nalang po tita, wala po yun. nice to meet you po" Sabi ko at nag mano ako. Ngumiti lang si tita at pag tingin ko kay Agnes, ngiting ngiti siya "Ma, tulog pa ba sila? Si papa po?" Tanong ni Agnes "Tulog pa yung mga kapatid mo. Nasa library si papa mo, puntahan niyo muna, matutuwa yun. Mag hahanda lang ako ng agahan" Sabi ni tita kaya pumunta kami ni Agnes sa mini library nila. Nakita namin si tito na nag babasa ng libro habang nag ka kape "Pa" bati ni Agnes kaya napa tigil si tito sa pag ba basa "Anak, naka uwi ka na pala" Sabi niya at yumakap siya kay tito "may bisita ka pala" Sabi ni Tito at kumaway siya sakin. Ngumiti ako at may binulong si agnes sa kanya "Kamusta ka anak? Na pagod ba kayo sa byahe?" Tanong ni Tito pero naka tingin siya sakin. Wait tinawag akong anak ni Tito? Tiningnan ko si agnes at naka smile lang siya sakin "Ayos lang po ako tito" Sabi ko at ngumiti, lumapit din ako sa kanya para mag mano. Umupo muna ako sa upuan at nag paalam muna si agnes dahil mag ti timpla siya ng kape "Balita ko ikaw daw ang girlfriend ng panganay ko ah, kamusta naman siya?" Tanong ni tito habang naka ngiti "Ok naman po siya, napaka bait po niya at napaka maalalahanin, ang swerte ko nga po sa kanya eh" Sabi ko at tumango naman si tito "Napaka bait ng anak ko na yan at napaka maalaga" Sabi ni Tito at ngumiti lang ako "first time niya lang nag dala ng girlfriend dito, pero alam kong may naging girlfriend na yan. Siguro ay takot lang samin kaya hindi nag pakita" Sabi ni tito, alam ko namang si heather yung tinutukoy niya pero ok lang "Wala namang kaso saamin ng mama niya kung mag ka girlfriend o boyfriend siya, ang akin lang basta aalagaan at hindi sasaktan ang anak ko" Sabi ni Tito "Hindi ko po siya sasaktan tito" Sabi ko at ngumiti, ngumiti din si tito pabalik "Close na kayo agad ni papa?" Tanong sakin ni Agnes pag pasok niya, inabutan niya ako ng kape at umupo siya sa tabi ko "May problema ba anak?" Tanong ni tito sa kanya "Wala po papa, kanina kase sobrang kinakabahan siya eh" pang aasar ni Agnes, tiningnan ko lang siya ng masama. Wala kang kiss sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD