16

733 Words
pat's pov.   hindi ako naka tulog ng maayos dahil lagi kong chine check yung temperature niya. medyo bumaba na yung lagnat niya ngayon buti nalang saturday ngayon, makakapag pahinga siya.  pumunta muna ako sa kusina at nag luto ng breakfast. pag tapos nilagay ko sa tray yung niluto ko at umakyat na sa kwarto "agnes gising na" sabi ko at hinalikan siya sa noo "babe, gising na" sabi ko at hinawakan yung noo niya. nagulat ako dahil bigla niya akong hinila kaya napa higa ako sa tabi niya.sobrang lapit ng mukha naming dalawa, babangon na dapat ako pero niyakap niya ako "dito ka lang muna" sabi niya kaya niyakap ko nalang siya pabalik "good morning pat ko" sabi niya "good morning, kain ka na baka lumamig yung niluto ko" sabi ko at hinawakan yung pisngi niya. sobrang soft ng pisngi niya, at gusto kong hinahawakan yun lagi "kamusta na pala yung nararamdaman mo?" tanong ko "medyo ok na, magaling mag alaga yung girlfriend ko eh" sabi niya kaya napa ngiti ako  "we? upo ka na dali, kain na tayo" sabi ko at inalalayan ko siyang umupo. Habang kumakain kami, tahimik lang siya. ang lalim ng iniisip niya, parang hindi siya si agnes "Babe, tungkol sa nangyare kahapon" Sabi niya at napa tigil ako sa pag kain. Uminom muna ako ng tubig bago ako mag salita "Sabi ko naman sayo wag mo ng isipin yun, kalimutan mo na yung nangyare" sabi ko at kumain na ulit "Pero ok ka lang ba?" Tanong niya at tumango na lang ako "May tanong ako" Sabi ko "Ano?" Tanong niya "Wala, wag mo ng isipin" sabi ko at ngumiti sa kanya. Itatanong ko sana kung mahal niya pa si heather, pero natatakot ako sa sagot niya. May tiwala naman ako kay Agnes, pero ayaw kong masaktan sa katotohanan na baka si heather padin yung gusto niya Pag tapos namin kumain, hinugasan ko na yung pinag kainan namin at nag order ako ng sunflower para kay Agnes. Simula nung naging kami, hindi ko tinigil yung pag bibigay sa kanya ng sunflower at gifts. Sabi niya hindi na daw kailangan dahil sapat na daw sa kanya yung time at love na binibigay ko, pero araw-araw ko padin siyang binibigyan ng bulaklak Lagi din siyang nag e effort na ipag timpla ako ng coffee at dalhan ng food sa office araw-araw. Tuwing kasama ko si Agnes, hindi ko mapaliwanag yung nararamdam ko, yung kahit wala pa siyang ginagawa, grabe na yung ngiti ko. Next week 2 months na kami, napaka bilis ng panahon, parang dati lang iniisip ko pa kung paano ako mapapa lapit sa kanya pero ngayon, girlfriend ko na siya. "Babe, anong iniisip mo? Bakit ka naka ngiti mag isa?" Tanong niya "May naalala lang ako" Sabi ko at tumango lang siya "ang bilis ng panahon, next week na" sabi ko. August 1 nung naging kami ni Agnes at September 27 na ngayon. Hindi ko namalayan yung oras "Kaya ka pala naka ngiti diyan" Sabi niya at napa ngiti din "alam mo sobrang cute mo pag naka ngiti, smile ka lang lagi ah, mas bagay sayo yan" sabi niya kaya naman mas lalo akong napa ngiti "May plano ka ba sa 1?" Tanong ko "Meron na. Aakyat tayo sa baguio" sabi niya at na excite naman ako "ipapa kilala na kita sa family ko" sabi niya kaya bigla akong kinabahan. Ready na ba ako? "Ha? A-ano kase" sabi ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko, natatakot ako pero nung hinawakan niya yung kamay ko. Parang bigla nalang nawala yung takot ko "Shhh, wag kang matakot. Kilala ka na nila mama" sabi niya at nag smile sakin "P-paano?" Tanong ko  "Tumawag si mama last monday, miss niya na daw ako tapos sabi ko may ipapa kilala ako sa kanya. Hindi agad siya naniwala kase sikat ka daw pero nag send ako sa kanya ng picture natin" sabi niya, Agnes naman kamag anak mo ba si McQueen? Bakit naman sobrang bilis? "Sabi niya gusto ka daw niya ma meet sa personal, kaya sa 1 ipapa kilala na kita sa kanila" Sabi niya at nag smile lang sakin, biglang nawala yung takot ko dahil sa ngiti niya, pero kinakabahan pa din ako. "Kinakabahan ako" sabi ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo "Ok lang yan, mabait sila. Tyaka kilala ka nila, sikat ka kaya" sabi niya. ngumiti lang ako at tumango
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD