Agnes's pov.
3:00 am na, pero wala pa din si pat. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya pa din sinasagot. Sobrang inaantok na ako kaya humiga muna ako sa sofa at sinubukan kong matulog ulit, pero hindi na ako maka tulog.
pumunta muna ako sa kusina at nag timpla ng coffee, naalala ko wala pa nga pala akong kinakain. pumunta ulit ako sa labas at umupo sa bench, humigop ako ng kape at bigla kong naalala yung nangyare kanina.
pag tapos mo akong iwan, bigla ka nalang babalik na parang walang nangyare? nung iniwan mo ako naging miserable yung buhay ko, para mo na akong pinatay heather. sinaktan mo ako tapos sorry lang? masaya na ako ngayon, hindi mo na kailangang bumalik. ok na eh, ok na ako pero bakit nung nakita kita biglang bumalik lahat ng sakit?
hindi ko na namalayan na umuulan na pala. patuloy lang ako sa pag iyak, dahil hanggang ngayon nasasaktan padin ako. bakit kase bumalik ka pa ulit?
"tahan na, nandito na ako" nagulat ako ng may biglang mag salita. alam kong si pat yun kaya tumayo ako at niyakap ko agad siya
"buti nandito ka na, kanina pa ako nag aalala sayo eh" sabi ko at niyakap lang siya
"shh, wag ka nang umiyak. bakit ka naman nag pa ulan? magkaka sakit ka" sabi niya at hinarap ko na siya
"sorry pat, sorry kung hinayaan kitang umalis kanina. sorry kung nasaktan ka" sabi ko at ngumiti lang siya "wag kang mag alala hindi ko na siya mahal, parang bumalik lang yung sakit nung nakita ko siya. hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman sorry, sorry" sabi ko at niyakap ulit siya
"shh, wala kang kasalanan. hindi mo ginusto yung nangyari" sabi niya at hinalikan ako sa noo. pumasok na kami sa loob at inabutan niya ako ng towel at damit na pang tulog. nabasa kasi ako kanina sa ulan, at feeling ko lalagnatin ako. pumunta muna ako sa cr at nag palit ng damit. pag tapos bumalik na ako sa sala
"ok ka lang?" tanong niya at hinawakan niya yung noo ko. tumango lang ako at napansin ko na namumugto yung mata niya
"ikaw? ok ka lang?" tanong ko at tumango din siya "kitang kita ko sa mata mo na hindi ka ok" sabi ko
"wag mo akong isipin, ok lang ako" sabi niya at hinawakan yung pisngi ko "nasaktan ako pero mahal kita" sabi niya
"sorry babe. mahal din kita at matagal ko na siyang kinalimutan" sabi ko at niyakap siya
"wag nalang natin siyang pag usapan. teka, kumain ka na ba?" tanong niya at umiling ako "wait mag luluto ako, sleep ka muna kung gusto mo" sabi niya at tumango lang ako. natulog muna ako sa sofa dahil inaantok na ako. nagising ako dahil naramdaman ko na may basang towel sa noo ko
"kain ka na, kanina pa kita ginigising tapos ang taas na ng lagnat mo" sabi niya at umupo muna ako "bakit ka kase nag pa ulan, nilagnat ka tuloy" sabi niya at tumabi sakin
"sorry" sabi ko at kinuha yung soup
"ako na" sabi niya at kinuha sakin yung bowl "say ahh" sabi niya at sinubuan ako
"ginagawa mo naman akong baby eh" sabi ko at natawa lang siya
"baby naman kita ah" sabi niya. feeling ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kilig "wag ka ng maligo sa ulan next time ah" sabi niya at tumango lang ako. bigla ko tuloy na miss si mama
"na miss ko tuloy si mama" sabi ko "tuwing may sakit kase ako, lagi niya akong ginagawang baby, kahit ang laki ko na" sabi ko at napa ngiti lang siya
"gagawin din kitang baby" sabi niya. pag tapos ko kumain ininom ko yung gamot na binigay niya
"kaya mo bang mag lakad?" tanong niya at tumango lang ako. umakyat na kami sa kwarto niya at humiga na sa kama
"babe, tulog ka na ba?" tanong ko at niyakap siya
"hindi pa" sabi niya
"thank you sa pag alaga sakin. good night, i love you" sabi ko at hinalikan siya
"good night, i love you more. pagaling ka agad ah" sabi niya. tumango lang ako at natulog na