agnes's pov.
pag tapos ng dinner namin ka gabi ni tricia, halos hindi ako maka tulog dahil sa kakaisip. crush ko yun si patricia lasaten eh, pero slight lang. ang ganda niya kaya, tapos ang talino pa. bonus na lang yung mga achievements niya. hindi talaga ako maka paniwala na may gusto siya sakin kase hindi naman halata na hindi siya straight, sobrang ganda niya kaya.
napatigil ako sa pag iisip ng biglang may mag door bell. bakit nandito nanaman sila? gusto ko mag pa hinga sunday ngayon eh
"kung isasama niyo ko sa gala niyo, hindi ako sasama" sabi ko sa kanila
"sungit naman reoma, nanganga musta lang naman kami" sabi ni andrew
"parang hindi mo na kami friend ah" sabi ni poch
"pasok kayo" sabi ko at pumasok naman sila
"kamusta naman yung date niyo ni pat?" tanong ni poch at binaba yung dala niyang snacks
"hindi nga kase date yun poch. dinner lang yun" sabi ko
"whatever. pero kamusta nga?" tanong ni poch
"ok naman, masaya siya kasama. hindi gaya ng sabi mo" sabi ko kay poch
"masungit naman talaga si pat. sayo hindi kase crush ka niya" sabi pa ni poch, busy kami sa pag daldalan habang yung iba kinakain na yung dala nila
"crush ka ni pat?" tanong ni toni at tumango naman ako. nagulat sila at hindi maka paniwala
"c-crush ka ni pat? as in patricia lasaten?" tanong ulit ni toni at tumango ulit ako. di ko mapigilang mapa ngiti dahil sa reaction nila
"bakit parang gulat na gulat kayo? kahapon lang inaasar niyo pa ako ah" sabi ko
"oh diba sabi ko na nga ba crush ka ni pat eh!" sabi ni poch
"diba crush mo yun agnes?" tanong ni jam. nanlaki naman yung mata ko dahil secret lang namin yun ni jam
"woah! may hindi ba kami alam?" tanong ni andrew
"wait pano mo nalaman na crush ka niya? fakkkk hope all" sabi ni jam
"umamin siya tapos sabi niya manli ligaw daw siya" sabi ko at nagulat ulit sila. halatang hindi sila maka paniwala, kahit ako hindi din.
"ikaw na ata yung pinaka ma swerteng vakla sa buong mundo agnes" sabi ni andrew. alam nila na hindi ako straight kaya ok lang sa kanila
"diba crush mo yun? bat hindi mo pa sagutin?" sabi ni jam. maba bato ko na to ng unan eh
"oo nga wag mo na pahirapang manligaw yung tao. madaming gusto manligaw dun pero ikaw yung niligawan, tyaka para mag ka jowa ka na din agnes" sabi ni poch. nanahimik muna ako saglit at nag isip.
"hindi ko sure kung ready na akong pumasok ulit sa relationship" sabi ko at napa taas naman ng kilay si jam
"wait wait wait. wag mong sabihin na hindi ka pa din nakaka move on sa ex mo?" tanong ni jam at sarkastikong tumawa. hindi muna ako sumagot dahil alam kong magagalit ulit sila
"bakit hindi ka maka sagot agnes? mahal mo pa ba si heather?" tanong ni jam. alam kong galit padin sila sa ex ko
"jam easy lang" sabi ni poch para kumalma si jam
"Easy? Nakalimutan niyo na ba ginawa ng b*tch na yun sa kaibigan natin? Muntik ng mag suicide si agnes poch" galit na sabi ni jam
"Jam sorry" Sabi ko habang tumutulo na yung luha ko
Flashback....
Nasa rooftop ako ng condo ngayon at naka dungaw sa baba. What if tumalon nalang ako? Mawawala na lahat ng sakit pati ng problema ko.
"I love you heather" sabi ko at inubos yung hawak kong red horse. Muli akong sumilip sa baba at tatalon na dapat ng biglang may humatak sakin
"Anong ginagawa mo Agnes?!" Sigaw sakin ni jam
"Tatalon" Sabi ko habang lumuluha
"Nahihibang ka na ba? Dahil lang sa babaeng yun mag papakamatay ka?!" Sigaw ni jam
"Jam mahal ko siya" Sabi ko
"P*tang in*ng pag mamahal yan agnes. Papatayin ka na niyan eh!" Sigaw ni jam habang umiiyak
"Sorry jam, sorry" Sabi ko at niyakap niya ako
"Wag mo na ulitin yun please. Mahal ka namin. Maraming nag mamahal sayo Agnes" Sabi ni jam at pinunasan yung luha ko
End of flashback
"Jam sorry. Hindi ko na siya mahal, naka move on na ako sa kanya" sabi ko
"Dapat lang, kase ayaw na naming makita yung Agnes na yun" Sabi ni jam
"Aalis muna kami ni jam" Sabi ni poch at umalis na silang dalawa. Hanggang ngayon umiiyak padin ako at pinapa kalma ako nila toni
"3 years na agnes, Wala na ba talaga?" Tanong ni toni at umiling lang ako
"Intindihin mo nalang si jam ah, alam mo naman na ayaw niya tayong nasasaktan" Sabi ni andrew at binigyan ako ng tubig
"Naiintindihan ko, tyaka kasalanan ko din naman" Sabi ko
"Bakit hindi mo ulit pag bigyan yung sarili mo na umibig ulit? Malay mo sa pag kakataon na to swertehin ka na" Sabi ni toni
"Take the risk agnes" Sabi ni andrew
"Takot lang talaga akong masaktan ulit, naaawa ako sa sarili ko" Sabi ko
"3 years na agnes. try mo si pat, may pinadala nga siya oh" Sabi ni andrew at may binigay sakin na box, binuksan ko yun at nakita ko na may bracelet sa loob. Kinuha ko yun at sinuot
"Mukhang seryoso naman siya sayo, kaya bakit hindi mo subukan ulit?" Sabi pa ni andrew
"Paano kung mangyare ulit yung nakaraan?" Tanong ko
"Edi matututo ka. hayaan mong patunayan ni pat kung mahal ka ba talaga niya" sabi ni toni
"Boto ako kay pat" Sabi ni andrew
"Ako din" sabi ni toni at nag apir pa silang dalawa. maya maya nag paalam na din sila dahil may pasok pa sila bukas. actually hindi ko padin alam kung ok na ako, eh kung tawagan ko kaya si pat? kaso baka may ginagawa yun, bahala na nga. kinuha ko yung phone ko at tinawagan si pat
"hello pat" sabi ko nung sinagot niya yung tawag
"hi agnes. wait lang agnes ah, nag d drive kase ako eh" sabi niya kaya naman medyo nalungkot ako
"sige pat, ingat ka ah" sabi ko at binaba na yung tawag. nag iisa nanaman ako, pero ok lang matagal na akong mag isa.