pat's pov.
habang pinag d drive ko siya tinuturo niya sakin yung daan papunta sa condo niya, nag pumilit pa siya na mag g grab nalang siya pero hindi ako pumayag. baka may mangyare pang masama sa kanya.
"dito na ako pat, thank you sa pag hatid tyaka sa libre. ingat ka ah" sabi niya, at ngumiti sakin. shet yung ngiti niya kanina pa yun, hulog na hulog na ako mama
"wala yun agnes, ingat ka din" sabi ko. baba na dapat siya pero hinawakan ko yung kamay niya, kaya tumingin muna siya sakin
"may sasabihin ka ba pat?" tanong niya, huminga ako ng malalim bago nag salita
"may gusto sana akong sabihin agnes" sabi ko at binitawan yung kamay niya. tiningnan ko siya sa mata niya
"agnes, gusto kita.. ay hindi mahal na kita. matagal na, simula palang nung makita kita sa baguio, may iba akong naramdaman. gusto kita agnes, gustong gusto" sabi ko habang naka titig padin sa mata niya
"hindi ko alam yung sasabihin ko pat sorry. pero seryoso ka ba? seryoso ka ba sakin?" tanong niya. alam kong naguguluhan siya dahil sobrang bilis
"agnes seryoso ako, seryoso ako sayo. pwede ba kitang ligawan?" tanong ko. kung alam mo lang na pina hanap pa kita
"kung mangangako kang hindi mo ako sasaktan, papayag ako" sabi niya
"promise hindi kita sasaktan at hindi din ako papayag na may manakit sayo" sabi ko
"ok pat" sabi niya ng may ngiti sa kanyang labi. binuksan niya na yung pinto ng kotse ko at lumabas na
"wait yung ok ba meaning non, payag ka ng ligawan mo na ako o hindi padin?" tanong ko sa kanya
"payag na ako basta yung promise mo ok? ingat ka sa pag uwi pat see you soon" sabi niya at nag wave na. pinag masdan ko siyang umalis habang naka ngiti, wala akong masabi. napa yuko ako sa manibela dahil sa kilig. wait kinikilig ako?
nung ok na ako nag drive na ako pa uwi. pag uwi ko nadatnan ko sila miguel na nasa loob ng bahay ko.
"pano kayo nakapasok dito?" tanong ko sa kanila
"may key ako" sabi ni kuya keifer. ay dito nga pala siya naka tira dati
"so kamusta na nga? umamin ka na ba?" tanong ni paolo
"ako pa ba, siyempre oo, sayang yung time eh" sabi ko. sila lang naman yung torpe eh
"ang tapang naman Sana all" Sabi ni kuya keifer
"So manliligaw ka na?" Tanong ni paolo
"oo pero, wala akong alam sa bagay na yun" sabi ko. pano ba yun? wala bang tutorial? Step by step?
"hindi kami expert diyan ni paolo, kaya kay miguel ka magpaturo" sabi ni kuya keifer
"grabe ako talaga?" Tanong ni miguel at nag turuan pa silang tatlo
"Oo ako na, first step kilalain mo muna siya" Sabi ni miguel
"Kilala ko naman na siya, pero Sige mas kikilalanin ko pa siya" Sabi ko
"Tapos dapat lagi kang nandiyan para sa kanya, lalo na pag may problem siya" Sabi naman ni paolo, tumango lang ako at nakinig lang sa mga sinasabi nila. Nag turuan pa, mag sasalita naman pala silang tatlo.
"Tuloy mo lang yung pag bibigay mo ng flowers sa kanya" sabi naman ni kuya keifer
"Teka pano mo nalaman na nag bibigay ako ng flowers sa kanya?" Tanong ko
"Alam ko Lahat pat" Sabi ni kuya keifer sabay tawa
"Be consistent. Dapat kahit kayo na ligawan mo padin siya, hindi yung sa una lang. Tapos bigyan mo siya ng time, matutong mag hintay" Sabi ulit ni miguel, madami pa silang sinabi tungkol sa panliligaw at Lahat yun gagawin ko.
"Pat may nakita ako sa cctv kanina" Sabi ni miguel at ngumiti ng nakaka asar
"Ano kaya yun? Baka gustong mag kwento ni pat?" Tanong ni kuya keifer
"Oo nga naman, ang epic nun eh. Sana all" Sabi naman ni paolo
"Alam niyo naman na yung nangyare eh, bakit pa ako mag ku kwento?" Tanong ko
"Sana all nahulog tapos sinalo" Sabi ni miguel at napa ngiti din ako. Ang hirap itago nung kilig
"Pat bakit ka namumula?" Tanong ni kuya keifer kaya tinarayan ko sila at nag takip ng mukha
"Kinikilig si pat!" Sabi ni paolo sabay tawa. mapang asar talaga tong mga to
"Hindi ako kinikilig no" Sabi ko sabay bato sa kanila ng mga unan na nasa gilid ko
"Pero masaya kami para sayo pat, baka may friends pa si agnes, pakilala mo naman kami" sabi ni miguel
"Luh nang damay ka pa miguel" sabi ni paolo sabay bato ng unan sa kanya. Ang g**o na ng bahay ko!
"Ouch! Makikipag kaibigan lang naman" sabi ni miguel
"Kami pa niloko mo" Sabi naman ni kuya keifer. Hindi din ako naniniwalang friends lang
"Dito ba kayo matutulog? Gusto ko ng mag pahinga" Sabi ko sa kanila. dati kase lagi silang natutulog dito. marami pa namang kwarto sa bahay na to, kase wala naman akong masama dito.
"Dito na tayo tulog migs, tinatamad na ako mag drive" sabi ni paolo, at pumayag naman si miguel
"Dito nalang din ako matutulog. tagal na nung last na tulog namin dito ah" Sabi ni kuya keifer.
Dati si kuya keifer yung kasama ko dito sa bahay. similar nung nawala yung parents ko, si kuya keifer pati yung parents niya yung naging pamilya ko. Pero nung nag trabaho na si kuya umalis na siya dito at nag pa tayo nadin ng bahay niya.
Maya maya iniwan ko na sila at umakyat na sa kwarto ko, nag shower muna ako bago humiga. Kinuha ko yung phone ko at nakita na nag chat pala si agnes
"Naka uwi ka na pat? Thank you ulit kanina ah, ang ganda mo pala sa personal;)" message niya. Hala pa fall, hindi ako kinikilig promise
"Slr. Naka uwi na ko agnes, tyaka di naman ako ganun ka ganda. Mas maganda ka;)" reply ko
"Maganda ka kaya" reply niya
"May ginagawa ka ba? Can I call?" Message ko
"Miss mo na ako agad? Jk Sige lang" reply niya. Oo miss na kita agad Agnes. Tumawag na ako agad at nag open ng cam, mag pa pa cute ako hehe
"Hi ms" sabi niya kaya napa ngiti ako
"Hello agnes, thank you kase pumayag ka na mag dinner tayo ah. Sobrang saya ko" Sabi ko at nag lakad pa labas ng kwarto, pumunta ako sa kusina at kumuha ng wine
"Masaya din ako kanina, na surprise lang talaga. Ang daming nangyare ngayong araw" Sabi niya
"Bakit ka na surprise?" Tanong ko
"Hindi ko talaga inakala na ikaw yung kausap ko lagi. Tapos umamin ka pa, hindi ako makapaniwala" sabi niya, ang cute niya talaga. Maya maya nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala si Miguel pati si kuya
"Sana all" sabi ni miguel
"Tara na migs, hayaan muna natin sila mag usap" sabi ni kuya keifer at hinila si miguel
"Wag mo pansinin yun" Sabi ko kay Agnes
"Akala ko ba wala kang kasama sa bahay?" Tanong ni Agnes
"Mga kaibigan ko yun, tatlo silang nandito. Wait papakilala kita" Sabi ko at pumunta sa kwarto ni kuya keifer
"Yan, Ito si kuya keifer. Kuya ko" sabi ko tapos nag wave naman si kuya kay Agnes
"Hello agnes" sabi ni kuya at nag hello din si agnes
"Ito naman si miguel tapos Ito yung kambal niya si paolo, tulog na eh. Pero sila may ari ng guico's" sabi ko kay Agnes
"Hi Agnes!" Bati ni miguel sa kanya
"Hello po" Sabi naman ni Agnes
"Wag ka ng mag po, miguel nalang. Ss sa inyo!" Sabi ni miguel, kaya tinarayan ko siya
"Wag mo pansinin yan agnes, madaldal talaga yan" Sabi ko at lumabas na ng kwarto nila. Pumunta na ulit ako sa kwarto ko at umupo sa kama
"Akala ko wala kang kapatid pat?" Sabi niya
"Kuya kuyahan ko lang yun, Siya na kase yung naka sama ko pati yung parents niya simula nung mawala sila mama eh" Sabi ko
"Ang strong mo naman. kase kahit may problema ka, hindi ka padin sumusuko" Sabi ni Agnes
"Marami pa akong pangarap eh kaya hindi pwedeng sumuko" Sabi ko. Madami pa kaming napag usapan pero napansin kong humihikab na siya
"Tulog ka na Agnes, inaantok ka na" sabi ko sa kanya
"Matulog ka na din, goodnight!" Sabi niya. ngumiti naman ako
"Goodnight Agnes, thank you kase binuo mo yung araw ko" Sabi ko at ngumiti
"Welcome! Bye pat sleep well" Sabi niya at nag wave na. Binaba ko na yung tawag at humiga na sa kama
11:11 pm na pero hindi padin ako inantok. Tuwing naalala ko yung mga nangyare kanina, nawawala yung antok ko. Simula nung na bangga ko siya, nung hinawakan niya yung kamay ko, tapos nung niyakap niya ako. Mas lalo akong na fo fall sa kanya, lalo na sa ngiti niya. Sobrang ganda niya talaga!
Kung krimen yung pag mamahal ko sa kanya, I want to be the most wanted criminal.