06 - DINNER

1694 Words
agnes's pov. "bakit pumayag ka agad agnes? Bet mo siguro yun" tanong ni jam matapos kong sabihin na inaya ako ni tricia mag dinner  "easy dinner lang naman jam, tyaka mabait yun si tricia" sabi ko "dinner lang ba talaga o date?" tanong ni poch sabay tawa  "baka hindi ka na maka uwi ah. baka killer yun" sabi ni andrew sabay tawa din. ang oa naman netong mga to! "grabe naman sa killer dru. kahit sa call palang kami nag ka usap sure akong mabait siya" sabi ko "enjoy mo yung first date mo reoma" asar ni toni. tumawa silang lahat samantalang ako pinapanood lang sila "guys sinabi ko na sainyo, girl si tricia. tyaka poch sure kang wala kang kilalang tricia?" tanong ko kay poch at napa isip naman siya "wala pero patricia meron, si patricia lasaten. pat yung nickname niya hindi tricia" sabi ni poch. imposible naman na si patricia lasaten yung nag papadala sakin ng foods at gift, ang yaman non at sikat imposible na mapansin niya ako no. pero qt yun si ms. lasaten "pero guys, friends lang talaga kami ni tricia" sabi ko at hindi naman sila naniwala  "hindi totoo yan!" sigaw ni andrew "friends ba yung araw-araw pinapadalhan ng flowers?" tanong ni jam  "wala pa siyang pinapadala ngayong araw" sabi ko  "ganto nalang pag may pinadala ngayong araw meaning non may gusto sayo si tricia" sabi ni andrew. maya maya may nag doorbell kaya naman lumabas ako. nakita ko na may nag pa deliver nanaman ng flowers  "sabi ko na nga ba may gusto sayo si tricia eh" sabi ni andrew at tumawa ulit silang lahat   "mag ka ka jowa na si agnes guys" asar ni poch "umalis na nga kayo sa condo ko. mag aayos na ako ng sarili ko, ayaw kong ma late eh" sabi ko pero hindi sila umalis  "nandito kami para suportahan ka sa first date mo agnes" sabi ni jam. ang kulit ng mga to sabing hindi nga kami mag de date "ihahatid ka namin agnes" sabi ni poch "actually mag di dinner din kaming apat sa guico's kaya sabay sabay na tayo" sabi ni andrew at tumango lang sila "sa ibang restaurant kayo. mang aasar lang kayo dun eh" sabi ko  "hindi. behave lang kami promise" sabi naman ni toni, hindi ako naniniwalang behave lang sila pero bahala na sila kung sasama sila "ok. ano pa bang magagawa ko" sabi ko  "mag ayos ka na ng sarili mo agnes" sabi ni jam kaya naman pumunta na ako sa cr at naligo nag bihis ako ng simple lang dahil dinner lang naman to.  "sure ka yan na yung susuutin mo sa first date mo?" tanong ni andrew. wala namang mali sa suot ko ah.  "oo, hindi nga kase to date ok?" sabi ko. napa tango naman si jam  "sure na yan? kase kung oo aalis na tayo" sabi ni poch. mas excited talaga sila kesa sakin eh. lumabas na kami ng condo ko at umalis na. habang nasa byahe kami nag message sakin si tricia "hey, nandito na ako. wag kang mag madali agnes. maaga lang talaga ako pumunta dito. ingat ka ok?" message niya "otw na ako tricia, see you later" reply ko  pat's pov. "migs otw na daw siya" kinakabahang sabi ko kay migs  "ok ka na ba?" tanong ni migs "kinakabahan lang" sabi ko. ganito pala yung feeling nun, hindi pa kase ako na i in love kahit isang beses, kaya hindi ko alam yung gagawin ko ngayon "kaya mo yan pat, nakaka kaba talaga pag first date" Sabi ni miguel, date ba talaga to? Wala akong alam pag dating dito "Wait mag c cr lang ako" paalam ko kay migs at pumunta na sa cr. Kinakabahan talaga ako eh. Ready na ba talaga akong mag pa kilala sa kanya? Yung totoong ako talaga? Pano kung isa din siya sa naiinis sa ugali ko bilang Patricia lasaten? Itutuloy ko pa ba to? Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko, Ayokong umatras dahil nandito na ako at baka maya maya nandiyan na si Agnes. Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone ko "Huy, nandito na ako. Nasan ka na?" Nanlaki ang mata ko ng makita ang message niya. Agad akong lumabas ng cr at dahil sa pag mamadali ko may nabangga akong babae. Tutumba na dapat ako pero buti nalang na salo niya ako. Binuksan ko yung mata ko at napatitig sa mata niya.... Agnes... "Ok ka lang ms?" Tanong niya. Inayos ko na ang sarili ko at tumayo na ng maayos "S-sorry. O-ok l-ang ako. Kanina ka pa ba A-agnes? S-sorry pinaghintay kita" nauutal na sabi ko. Nanlaki yung mata niya sa gulat "Pat? Tricia?" Tanong niya, napa tango ako at ngumiti sa kanya "Ikaw nga, nice to meet you ms. Lasaten" Sabi niya at nakipag shake hands sakin "Nice to meet you agnes, tyaka tricia nalang o kaya pat" Sabi ko at binitawan na yung kamay niya "Ok lang ba?" Tanong niya "Oo naman, siyempre Tara may pina reserve na akong upuan" Sabi ko at ngumiti sa kanya. Umalis na kami at pumunta na sa upuan namin. Nakita ko si miguel na hawak yung flowers na pina tabi ko muna sa kanya "Wait lang Agnes may kukunin lang ako. order ka na ng kahit anong gusto mo, libre ko" Sabi ko at ngumiti sa kanya, pinuntahan ko na si miguel "Miguel, Hindi ka maniniwala sa nangyare pero wait akin na yan. Bye migs" Sabi ko at umalis na agad, bumalik na ako kay Agnes "Flowers for you ms" Sabi ko at ngumiti sa kanya "Thank you pat" Sabi niya at ngumiti din "Gutom ka na ba? Nag order ka na?" Tanong ko "Easy ka lang pat, bakit parang kinakabahan ka ata? May nangyare ba?" Tanong niya at hinawakan yung kamay ko. Para akong na semento nung hinawakan niya kamay ko "A-ahh oo ok lang ako" Sabi ko at ngumiti "Hindi pa ako nag order eh, hindi ko alam kung anong gusto mo kaya hinintay nalang muna kita" Sabi niya. Nag order na kami at naging tahimik lang "Kamusta?" Tanong ko sa kanya. Ako na mismo ang bumasag sa katahimikan naming dalawa, dahil ayaw kong masira ang una naming pag kikita "Ok lang naman ako, na surprise lang. Hindi ko inakala na yung kausap ko palagi sikat pala. Ikaw kamusta?" sabi niya at tumawa "Ok naman, ang cute mo pala sa personal" Sabi ko at nginitian siya "Mas cute ka, ikaw kaya si ms patricia lasaten. Ang daming lalaki yung may gusto sayo eh" Sabi niya "Uy grabe, hindi naman" Sabi ko "Btw. Ikaw pala yung nang libre sakin dati ng drinks dito mismo?" Tanong niya "Oo sorry kung medyo weird, hindi ko inasahan na makikita kita ulit" Sabi ko. At tumitig sa kanya habang naka ngiti. Ang ganda niya sobra... "Pwede pa naman tayo mag kita pag free tayo" Sabi niya, maya maya dumating na yung food namin kaya kumain na kami Habang kumakain kami lumapit samin si poch. Teka! Si poch? Anong ginagawa niya dito "Shorty! Ikaw pala ka date ng kaibigan ko" Sabi niya. Ito nanaman po tayo "Poch, mang aasar ka nanaman" sabi ni Agnes sa kanya "Ayy sorry" Sabi ni poch sabay tawa "Aalis na ba kayo?" Tanong ni Agnes kay poch "Oo, kaya nga kita pinuntahan eh. Una na kami agnes, pat hatid mo nalang si agnes ah, ingatan mo best friend ko" sabi ni poch at tumango lang ako "Mag g grab nalang ako" sabi ni Agnes "Hindi, hatid na kita" sabi ko kay Agnes "Pumayag ka na Agnes, gumagawa ng move si pat oh" Sabi ni poch at napa tingin naman sakin si agnes "Sige, ingat kayo" sabi ni Agnes at nag wave na siya sa mga kaibigan niya "Wag mo pansinin si poch, malakas lang talaga mang asar yun. Mag g grab na lang ako mamaya, para hindi na Kita ma abala" Sabi niya "Hindi ok lang talaga, gusto ko din naman na ihatid ka, para sure akong safe ka" Sabi ko at kumain na ulit "Ok pat, thank you" Sabi niya at ngumiti, ngumiti din ako at kumain na kami ulit. Pag tapos naming kumain, kinuha ko yung phone ko at inopen yung camera "Agnes, tingin" Sabi ko at nung tumingin siya kinuhaan ko siya ng picture ang seryoso ng itsura niya pero ang ganda niya padin "Tara picture tayo" Sabi niya at lumapit sakin. Kinuha niya yung phone niya at nag smile sa camera, nag smile din ako at kinuha yung phone ko "Dito naman" Sabi ko at nag picture din. First picture namin to. Nag bayad na kami at umalis na, niyaya niya akong mag lakad lakad muna daw. dahil maaga pa naman pumayag na ako "Alam mo pat, naiinis ako sa nag sasabing masungit at hindi maganda ang ugali mo" Sabi niya habang nag lalakad kami "Bakit naman?" Tanong ko "Eh kase hindi naman totoo yun. Kaya kong patunayan sa kanila na hindi totoo yun, ang bait mo kaya" Sabi niya. Napangiti naman ako, pinigilan ko yung luha ko dahil hindi ko inakalang mapapansin niya yung totoong ako "Alam mo ba, hindi naman ako ganito dati.  13 years old ako nung iwan ako ng parents ko, wala akong kapatid tapos hindi din kami close ng mga pinsan ko" Sabi ko at umupo muna sa upuan. Maaga pa naman eh "Dati lagi akong naka ngiti pero simula nung mangyare yun, pinili ko nalang mag Isa at maging ganito. Masungit daw sabi nila, pero kung ayun yung tingin nila. sige lang" Sabi ko at ngumiti "Yakap?" Sabi niya at lumapit sakin para I hug ako. Sobrang comfortable "Wag mo silang isipin, hindi ganon yung tingin ko sayo pat" Sabi niya "Thank you agnes, thank you kase hindi mo ako hinusgahan" Sabi ko at ngumiti "Wag na sad pat, mas maganda ka pag naka smile" Sabi niya. Luh pa fall to oh "Tara na nga, baka inaantok ka na eh" Sabi ko at nag umpisa na kaming mag lakad. Tumingin ako sa mata niya at napa ngiti. Thank you dahil tinuruan mo akong ngumiti ulit Agnes. Sana hindi ka na mawala sa buhay ko. I love you Agnes
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD