05 - SATURDAY

1161 Words
Pat's pov. Ilang weeks na ang lumipas simula nung una kaming nag ka usap ni agnes. Tuwing gabi lang kami nag uusap dahil may trabaho din siya, nalaman ko na secretary pala siya ni mr. Zapanta. Nalaman ko din na hindi sapat ang sahod at hindi maganda ang trato niya sa mga nag ta trabaho sa kanya. Flashback... "Eh bakit hindi ka nalang umalis sa trabaho mo?" Tanong ko habang mag ka call kami "Kailangan ko ng trabaho eh, kung aalis ako mahihirapan nanaman akong maka hanap ng trabaho" Sabi niya. Yung Zapanta na yun! "Hindi sa sinisiraan ko yung boss ko ah, pero kaya daw umalis yung dati niyang secretary kase nanakit daw siya. Ewan ko kung totoo pero ayun yung sabi ng mga ka trabaho ko" Sabi niya. Bigla akong na alarma, kung totoo man yun hindi niya dapat ginagawa yun. Mababa na nga siya mag bigay ng sahod nananakit pa siya. Wag mo lang saktan si agnes, Zapanta. Sisiguraduhin ko na luluhod ka sa harap niya. "Gusto mo tulungan kitang mag hanap ng trabaho?" Tanong ko sa kanya "Next time na lang siguro. Kaya ko pa naman mag tiis eh" sabi niya "Pag sinaktan ka niya, wag kang mag dalawang isip na umalis ah" sabi ko "Opo ma'am" Sabi niya na ikina tawa ko. Marami pa kaming napag kwentuhan ni agnes, natuto akong ngumiti ulit, nakapag pahinga din ako sa tuwing kausap ko siya, at mas lalo akong na fall sa kanya. Nakulong na ako dito at wala na akong mahanap na paraan para maka labas pa. End of flashback... Ngayong araw nasa bahay lang ako, Maya maya naman may biglang nag door bell kaya lumabas ako para tingnan kung sino yung nasa labas. Napapangiti ako ng makita ko sila migs "Ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila at binuksan yung gate para maka pasok sila "Wait may napapansin ba kayo kay pat?" Tanong ni paolo "Oo nga. May napansin ka Kiefer?" Tanong ni miguel "Ano nanaman yan ha?" Natatawang tanong ko. Parang ewan tong mga to "Ngiti ba yan pat?" Tanong ni kuya keifer "Oo? Ano meron?" Tanong ko "Oy totoo nga! Mukhang madaming ganap sa buhay mo ah" Sabi ni miguel "Tara pasok na tayo, mukhang maraming iku kwento si pat eh" sabi ni kuya keifer. Anong kwento? Asa kayo "Alam ko na kung bakit naka ngiti ka ngayon pat" sabi ni Paolo "Nakausap mo crush mo no?" Tanong niya sabay tawa "Anong crush? Kanino mo nalaman yan?" Tanong ko kay Paolo. Hindi ko pa kase na kwento sa kanya yung tungkol kay Agnes eh "May kambal kase ako na madaldal pat" Sabi niya. True naman "Wait kuha lang ako ng pag kain" Sabi ko at pumunta na sa kusina. Kumuha ako ng pagkain at nag timpla nadin ng juice para sa amin. "Na kwento sakin ni keifer na nakuha mo na daw yung info nung crush mo ah, so ano na? Kwento!" Sabi ni miguel pag balik ko sa sala "Medyo close na kami" Sabi ko na ikinagulat nila "Bat parang gulat na gulat kayo?" Tanong ko "Mag kaka jowa ka na?" Tanong ni kuya keifer "Grabe jowa agad kuya, Hindi ba pwedeng close kami as a friend?" Sabi ko "Gaano ka tagal na ba kayong nag uusap?" Tanong ni pao "Mag t three weeks na" Sabi ko "Mag kwento ka na kase Pat para hindi kami nabibitin" sabi ni kuya keifer "Fine. Mag ku kwento na. Lagi ko siyang Pina dadalhan ng sunflower at random gifts. Lagi ko din siyang pinapa dalhan ng lunch. Kaso hindi niya ako kilala bilang Patricia lasaten, kilala niya lang ako bilang Tricia" Sabi ko "Hindi pa kase ako ready na makilala niya ako bilang pat eh. Baka ma turn off siya dahil sa mga chismis" dagdag ko "Pero hanggang kelan ka mag tatago?" Tanong ni Miguel "Hindi ko alam. Pero balak kong ayain siya na lumabas sa saturday, tutulungan niyo ba ako?" Tanong ko, aayain ko siya para makapag pakilala ako sa kanya ng formal. Bahala na kung ma turn off siya sakin, pero Sana pumayag siya na mag meet kami "Woah! Si pat may date sa Saturday" Sabi ni Paolo "Sana pumayag siya na mag meet kami" sabi ko "Tanungin mo na kaya ngayon" Sabi ni kuya keifer "Ok, tatawagan ko na" sabi ko at kinuha na Ang phone ko. Tinawagan ko siya at ni loud speaker para marinig nila "Hi Agnes" Sabi ko "Hello tricia, kamusta? Sorry sa boses ko ah kaka gising ko lang kase eh" sabi niya. Sa totoo lang hindi niya kailangang mag sorry kase ang cute ng boses niya "Ok lang ako, ikaw ba? Sorry nagising ba kita?" Tanong ko "Ok lang, wait may nag doorbell" Sabi niya kaya nag mute muna ako ng mic ko "Go na pat, tanungin mo na siya" Sabi ni kuya keif "Oo nga pat, naiinggit na kami" sabi ni Miguel "Ikaw Lang!" Sabi ni pao na ikinatawa naming apat "Uy nandito na yung food na pina deliver mo tricia, thank you ah nag abala ka pa" sabi ni Agnes "Wala yun Agnes, ubusin mo yan ah" Sabi ko "Eh ikaw kumain ka na ba?" Tanong niya. Pa fall ka Ms? "Kaka tapos lang" Sabi ko "Tanungin mo na" bulong ni Paolo "May itatanong ako agnes" Sabi ko "Ano yun?" Tanong niya "Huy pano na to?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko eh "Tanungin mo Kung free ba siya sa Saturday" sabi ni miguel "Ok ok" Sabi ko "Sorry Agnes, may ginawa lang saglit" Sabi ko kay Agnes "Ok lang, ano na yung tanong mo? Tanong niya "Ahh a-ano free ka ba sa Saturday?" Kinakabahang tanong ko sa kanya "Sa gabi lang ako free, bakit?" Sabi niya "Uhm pwede ba tayong mag meet? Dinner sana tayo sa Saturday" kinakabahang sabi ko. "Oo naman, gusto na din kitang ma meet sa personal eh. Saan ba?" Taming niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya "Dun na kayo sa resto namin mag date" bulong ni miguel at nag oo lang ako "Sa guico's tayo, kung ok lang" Sabi ko "Sure kahit saan, wait kain muna ako tricia" Sabi niya "Eat well Agnes! Can't wait to see you" Sabi ko "Byee" sabi niya at pinatay na yung call. nag tinginan naman silang tatlo "Ano na?" Tanong ko "Akala namin dati hindi ka na mag aasawa pat" seryosong sabi ni kuya keifer "Tapos sa saturday may date ka na" sabi ni paolo. Baki parang ang emo nila? "Ang saya namin para sayo pat!" Sabi ni miguel at ginulo pa yung buhok ko. Hindi ako maka paniwala. Kung dati gusto ko lang na malaman yung pangalan niya, ngayon makikita ko na siya at makakasama pang mag dinner. Hindi maka paniwala sila Miguel dahil masyado daw akong seryoso sa trabaho, akala nga nila hindi na daw ako mag ka ka lovelife eh. Ang advance nila mag iisip mag di dinner lang naman kami sa saturday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD