“Mitch, are you okay?” tanong ni Hellix pagkapasok niya sa loob ng studio. “Nakita ko yung kakilala mo, naroon sa labas ng building. Nakatayo lang doon. Pinuntahan ka ba niya rito? May problema ba?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Nag-angat naman ako nang tingin sa kaniya at marahang tumango. Gayunpaman ay nagawa ko pa ring ngumiti nang tipid sa kaniya. “What happened? If it’s okay to ask. Kung ayaw mong sagutin, ayos lang din naman.” Bumaba ang tingin ko sa kaniyang hawak na paperbag. Hindi lang iyon isa kundi tatlo at medyo malalaki pa. Nang makita niyang doon ako nakatuon ang atensiyon ko ay bigla niya naman iyong iniabot iyon sa akin na ikinagulat ko. Kanina pa siya wala, huwag niyang sabihin, na kaya siya lumabas para bumili ng mga laman ng paperbag na iyon. “Para sa akin i

