Naiwan akong nakatulala sa kusina habang siya ay tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto. What the hell did just happen? Agad kong ipinilig ang aking ulo nang ilang beses para alisin sa aking isipan ang nangyari. I was caught off-guard kaya ganoon. Hindi ko naman intensiyon na humalik pabalik. Nadala lang ako ng pagkakataon. Tinapik ko pa nang ilang beses ang aking dibdib para kalmahin ang nagwawala kong puso. Sa lakas ng t***k ng puso ko, kulang na lang kumawala ito sa ribcage ko. Nang umayos na ang pakiramdam ko ay nagsimula na akong mag-ayos ng hapagkainan. Pagkatapos ay naglakad ako nang marahan pabalik sa kuwarto para sana tawagin si Luke pero naabutan ko itong nakahiga sa kama. Ang isang braso niya ay nakatabon sa kaniyang mga mata. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang pumasok sa loob n

