“Bilisan mong maligo!” Dinig ko ang sigaw ni Luke sa labas ng banyo kaya naman nagmadali ako sa pagkilos sa loob nito. Linggo ngayon, ang usapan namin ay maaga kaming gigising dalawa para makapagsimba pa kami ngayong umaga. Ang kaso, tinanghali kami pareho ng gising dahil halos madaling araw na kaming nakatulog dahil nag-aral kami at nag advance reading para sa klase namin sa Lunes. Kaya heto kami ngayon, nagmamadali. Paglabas ko ng banyo ay wala na siya ng kuwarto. I know he did it to give me a privacy, para makapagbihis ako nang maayos. Medyo nahirapan akong mamili ng isusuot dahil hindi naman ako gaanong nagpupunta ng church so I don’t know what to wear. Dahil halos fifteen minutes na akong namimili, hindi ko namalayan na may kumakatok na pala mula sa labas. Hindi ko naman nai-lock a

