Humuhugot palang ako ng credit card ay binigay niya na ang kanya sa cashier. Wala akong nagawa dahil nabawas na din.
I told him I’ll wire the money to his account, pero ang sabi niya huwag na. As if I’ll listen.
It only takes one click to transfer money in his accounts. I have his records. Ayaw ko din kasi talaga na nagkakautang sa ibang tao. Pagkatapos ko magtrabaho ay nagligpit na ako para makauwi. Gusto ko na din makita si Brion. Louis keeps sending cute pics of Brion.
He’s really maximizing his time with Brion which I’m glad he does. Tumingin ulit ako sa cellphone ko at tinignan ang mga pictures nila. May picture din sila ni Louis dito. With all the pictures he sent, lahat dun ay nakangiti si Brion. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti din.
Nung inangat ko ang tingin ko ay nakatingin na sa’kin si Gio. Napawi ang ngiti ko at binuhat ko ang bag ko.
“I’ll go ahead,” I said.
“Take care. I’ll be staying here for a few hours.”
“You too.” Sabi ko at lumabas na doon.
I got into my car and drove back home.
I parked harshly.
Hindi nga ata maayos ang pag park ko sa sasakyan pero ayos lang ‘yon. Ipapaayos ko nalang kay manong. Pumasok na ako at bumungad sa’kin si Louis at Brion na naglalaro sa sala. Nakakapaglakad na ng onti si Brion.
I smiled and I feel like a fool being so happy that he can walk now.
“Come to daddy….” sabi ni Louis kay Brion na ilang metro lang ang layo sakanya.
Tumawa si Brion at unti unting lumapit sakanya. Every baby steps he takes are precious.
“Very good! You’re such a good boy!” Malapad ang ngiti ni Brion.
Inangat niya ang tingin niya sa’kin. Ngumiti ako.
“He can walk now?” Louis nodded.
“Hello honey, how are you?” sabi ko at binuhat siya.
“Sabi ni daddy mo tinawag mo siyang dada. Can you call me mama too?”
Tumayo si Louis at tumawa. Lumapit ito sa’min.
“Brion, say ma…. ma…” “Ma…” He said and giggled.
“Ma… ma…” “Ma… da…” I chuckled.
“That’s not it honey. It’s ma… ma….”
Halos lahat kami ay kinocoach na siya sa dapat niyang sabihin pero nakangiti lang siya at binubuksan ang bibig niya.
“dada,” I pouted.
Tumingin ako kay Louis at tinignan niya lang din ako sabay tumawa. Ang daya talaga! I also want to be called mama.
“Don’t worry, he’ll learn it. Baka nga bukas ay tawagin ka na niyang mama.
Sabi ni Louis. “Did he ate already?” I asked.
“Yes. How about you? Did you eat dinner already?” I shook my head.
He sound so caring which I don’t like. I don’t plan on patching things with him.
“I cooked us dinner.” He said and walked towards the kitchen.
Sumunod ako sakanya habang hawak hawak si Brion.
“You’re getting heavy,” I said in a low voice.
“He did got heavy.
I feed him a lot everyday.” I see.
Well, ate Reah feeds him too, but I think Louis is taking it to the next level. I mean, he likes cooking a lot so I’m sure he did a lot of food experiments for Brion and Brion likes it all kaya siya bumigat ng ganito.
Ate Reah put the plates on the table and Louis is carrying the dishes he cooked. These are my favorites.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakatingin na siya sa’kin kaagad tila binabantayan ang reaksyon ko.
“This smells yummy.” I said to break the silence.
Pinabuhat ko si Brion kay ate Reah at nilagay niya ‘yon sa high children chair sa tabi ko.
“Mayroon akong ginawa diyan para kay Brion, ate. Baka gusto niya pa kumain ulit.” Sabi ni Louis.
Tumango si ate Reah at kinuha ang sinasabi ni Louis. Excited naman si Brion nung makita si ate Reah na papalapit at hawak ang isang bowl.Ngumiti ako.
“Thank you.” Sabi ko kay Louis.
He just smiled and started eating. Kumain na din ako dahil nagugutom na ako. Ang dami kong kinain kanina, pero parang nawala na nung pauwi ako. I don’t know, I get hungry fast. Buti nga at hindi ako tumataba.
Pero noong pinagbubuntis ko si Brion, grabe talaga ‘yon. I was so insecure, and I feel so ugly. Ang taba ko kasi noon at nagkaroon ako ng stretch marks. Dagdag pa stress na nakapag pahaggard sa’kin.
Magaling pa din talaga magluto si Louis. I’ve tasted this same dish before, and it got better. Lagi niya kasi ako nilulutuan dati. Nagdadala siya ng lunch naming dalawa.
He said that we should eat much healthier foods than buying foods at the cafeteria. Tama naman siya. Puro fats and unhealthy foods din ang nandoon and I agreed kasi lahat ng niluluto niya ay masarap. I can’t get enough of it.
When he brings us lunch?
Ubos lahat yun wala talagang natitira sa lunch box. He doesn’t like wasting food too, kaya kapag kumakain kami sa labas at may natitirang pagkain sa’kin, siya ang kumakain.
Mabilis ako maumay sa ibang pagkain lalo na pag first time ko palang natitikman.
I eat every food, yes, but I can’t finish it if it’s too many at yung lasa ay nakakaumay naman talaga.
“Kain ka na din, Ate,” Sabi ko kay ate Reah na inaasikaso pa din si Brion.
“Ako na ang magpapakain kay Brion.” Sabi ko. “No, I’ll feed him.
“Just finish your meal. You’ve been working all day.” Sabi naman ni Louis.
Hindi na ako nakipag argue dahil pagod nga naman talaga ako. Although paper works lang ‘yon, I still feel really exhausted. I don’t even want to go to work tomorrow. Starting bukas, puro meetings na ako this week.
That’s much exhausting dahil bibisita kami sa ibang companies. Some are gonna visit us, pero syempre meron din yun mga kinakailangan ay kami ang pumunta.
“Does it taste good?” Tanong ni Louis kay Brion.
Tumatango tango ito at nilalasap ang pagkain sa kutsara. Tumawa kami. Just imagine if I gave him to lola that day.