I know. The money that was extracted from me wasn’t a joke. It’s big as hell. I don’t even want to talk about it.
“I’m so sorry,” I said.
“You need to apologize to me. Just be careful next time.” He’s so cold. I don’t know why.
I mean, he’s kind and kinda approachable sometimes. But I’m the only one who thinks like that about him. Everyone here is intimidated to him.
Saying that he’s not that approachable. Well, I understand why they’re saying that. Maybe I can approach him easily because he’s my own secretary and I’m his boss.
“I’ll check the papers next time when I pile it up for you to sign if I have time.” He said. “Thank you.” I said.
I appreciate what he’s doing. I know he’s busy and I don’t know how will he do that, but I won’t expect that much. It’s my one and only job. I shouldn’t slack off.
Once I get dependent to a person, I’ll get used to that tapos mafefeel ko na hindi ko na yun kaya gawin magisa. Pagkatapos ng trabaho, umuwi kaagad ako.
This is new, but I want to see Brion so bad. Ganito na lagi ang nararamdaman ko araw araw. Excited ako umuwi para makita si Brion.
Pag pasok ko ng bahay, dala dala na ni ate Reah si Brion. Ngumiti ako nung tumingin siya sa’kin at ngumiti. Such a cute child. Binuhat ko siya at tinitigan.
“Hi honey…. how are you?”
“Kumain na siya, Ate?” Sabi ko kay ate Reah.
“Oo tapos na. Busog na busog pa nga iyan.” Ngiti nito.
I smiled and wiggle my nose to his. He giggled and put his little hand on my cheeks.
“Why are you so cutie?” I said in a baby voice.
Ang lapad ng ngiti niya at parang tuwang tuwa siyang makita ako. I smiled. Everything that I’ve been through is worth it.
“Ate sa kwarto ko siya papatulugin ngayon,” Sabi ko. Ngumiti si ate Reah.
“Hindi mo na kailangan sabihin sa’kin.” I smiled and carried him up to my room.
It’s the first time I’ll let him sleep in my room. I usually let him sleep to the other room ‘cause his giggles and cries bothers me. But not anymore.
I looked at him and he seems comfortable in my bed. Ate Reah brought a pillow that secures him to his place. Para hindi siya malaglag sa kama.
Dapat pala ay bumili ako nung partition para sa gilid ng kama. Para kung sakali man na wala yung pillow, hindi pa din siya malalaglag.
Maybe I’ll buy some baby clothes and things tomorrow.
-
Wala akong trabaho bukas at balak kong isama si Brion sa mall. Kasama ko naman si ate Reah at may trolly naman kami kaya kung mapagod man si Brion, pwede siya matulog doon.
I just don’t want to waste my free time. Of course if I need to shopping, I want to bring him also.
Alangan naman iwanan ko nanaman siya sa bahay. Makakagala gala pa siya at makakakita ng ibang tanawin bukod sa loob ng bahay at sa garden.
Hindi ko rin kasi siya masyado napapalabas ng bahay. Dahil busy sa trabaho at buong araw ako sa office.
Five to seven lang ako ng umaga nandito, tulog pa si Brion nun. Tapos sa gabi naman seven ang uwi ko.
-
Kinabukasan pumunta ako sa mall kasama si Brion at ate Reah. Takang taka si Brion sa mga nakikita niya sa paligid pero ang cute niya pa din tignan.
“Are you excited?” Tanong ko.
Nasanay na din ako na english siya kausapin at yun yung mas naiintindihan niya.
“Wala naman tayong nakalimutan na kailangan ni Brion ‘no, Ate?”
“Wala naman. Naihanda ko na ang mga kailangan niya kagabi pa.” Tumango ako. Baka kasi bigla siyang gutumin or kinailangan magpalit ng diaper.
I breastfeed him, but I have a breast pump which extracts my milk tapos ililipat ‘yon sa baby bottle.
We arrived at the mall. Hawak ko si Brion habang naglalakad. I smiled and looked at him.
Tumingin ako sa harapan at nakita ko ang isang employee ko sa malayo. Binalik ko si Brion sa kanyang trolly. Hindi ko rin alam kung bakit, pero parang ayaw ko malaman nila na may anak ako.
Panigurado ay kakalat ‘yon at kung ano ano ang sasabihin nila. Tatanungin din nila kung sino ang ama, eh sino naman ang isasagot ko?
I don’t want to be known as a woman who was left by a man. Ayoko ng ganun.
“May problema ba?” Tanong ni ate Reah.
Umiling lang ako. Kapag sinabi ko ‘yun sakanya, paniguradong papagalitan ako nito. Tumingin ako sa paligid at wala na yung employee na nakita ko. Baka makasalubong pa namin ‘yun mamaya.
“Tara na Ate,” sabi ko at binilisan ang lakad. Pumasok kami sa department store at pumunta sa baby section.
“Wait lang Ate, may kukunin lang ako doon.” Sabi ko kasi may nakita akong cute na damit. Tingin ko ay bagay ‘to kay Brion.
"Miss Kath?"
Lumingon ako at nakita ko yung employee na nakita ko kanina. I forgot her name. I don’t really memorize my employees names.
“Ah! I’m Naina, from marketing department po. I once entered your office to submit a proposal.”
I looked at her once again. Oh! I remember. No wonder when I saw her she looks familiar. I remember faces more than names.
“I saw you earlier po. May anak na po pala kayo?” Hindi ako makasagot.
“Uh… anak yun ng tita ko na kasama.” Sabi ko.
I’m glad ate Reah dress up nicely. She’s one of our maid, but when she goes out with me, she dress up nicely.
I allow her to. Kung anong gusto niya suotin go lang as long as hindi malaswa tignan.
“Oh! Nagulat po ako eh akala ko may asawa at anak kana.” Tawa nito.
Base palang sa pananalita niya halatang chismosa na. Delakado ako dito. Ngumiti lang ako at umiling. Lumingon ako kay Brion at ate Reah. Si are ay nakatingin sa’kin.
“Naina! Tara na!”
Tumingin kaming pareho sa tumawag sakanya.
“Naku! Una na po ako. Mag iingat po kayo, Ma’am.” Sabi niya at ngumiti.