“Lola’s calling me,” Sabi ni Louis at pinakita sa’kin ang screen ng cellphone niya.
“Answer it,”
Sinagot niya ‘yun at bumungad sa’min ang muka ni Brion. Parehas kaming natawa ni Louis dahil halatang siya lang ang may hawak ng cellphone.
“Dada!” Sabi nito at ngumiti.
Nasa likod niya si lola at may tinatawagan ito sa telepono. Lumingon si lola sa kanya at natawa din nung nakita kaming dalawa ni Louis sa screen ng phone.
Sumenyas siya na saglit lang. Tumango naman ako. Siguro ay importanteng tawag ‘yon.
“Hi honey, what are you doing?”
“Mama! Why you together?” He pouted.
As much as I want him back, I still need more time. Alam kong maganda ang araw ko ngayon dahil nagkasundo kami na magkaayos ni Louis, but then I’m still not sure if I’m gonna be okay tomorrow.
Gusto ko sana magpacheck na sa psychiatrist gaya ng sinabi ni Gio. He already find me one kaya hindi ko na kailangan pa maghanap.
Kailangan ko nalang siyang sabihan kung kailan ako pwede mag pa-check.
“Your Dada just visited me and he left something here.” Sabi ko.
“I wanna be there too…”
I smiled. I know he wants to be here and I want him to be here also.
“Next week Honey, I’ll pick you up.”
Nasabi ko na rin kasi kay lola na one week doon si Brion, baka ma-disappoint siya kung susunduin ko na kaagad si Brion.
“Brion, why did you call your Dada? Buti nalang at hindi siya busy.”
Natapos na si lola sa phone call niya at nilapitan niya kaagad si Brion para pagsabihan.
“It’s okay, Lola, I turn my phone on silent mode if I’m really busy so it’s fine.” Sabi ni Louis.
Ganun din ang ginagawa ko, kaya naman pag may emergency, sinasabi ko kay ate Reah na text lang dahil nababasa ko naman.
At kung hindi naman importante or kailangan ng opinion ko ay huwag na.
“How about you? Bakit kayo magkasama? Wala ba kayong work ngayong araw?”
Nagkatinginan kami ni Louis. Oo nga pala. Of course we just made up earlier, kaya wala pa kaming napagsasabihan. Si Ate Reah palang ata ang kilala namin na nakakaalam.
“I’m on a day off, Lola.” Sabi ko at ngiti.
“Me too.” Dagdag naman ni Louis.
She looked at us like we did something wrong.
“Lola…”
“Fine, fine. You guys deal with yourselves. Why don’t you have dinner here?”
“We just finished eating dinner.” Sabi ni Louis.
Oo nga, hindi ko naisip ‘yon.
“Pwede pa rin po ba kami pumunta?” Sabi ko naman
Tinignan ako ni Louis. I want to be with Brion. Gusto ko din iparamdam sakanya na ayos na kami ng daddy niya. Dati kasi ay awkward kaming dalawa kapag mag kasama.
I don’t know if Brion could feel that, but I think he can. Kasi napapansin niya nga pati ang maliliit na bagay.
“Sure! Pwedeng pwede. Panigurado matutuwa ‘tong maliit na to.” Sabi niya sabay karga kay Brion.
Pinatay na namin ang call at nag decide na pumunta kila lola. Louis also wants to visit Brion. Pumunta kasi siya kahapon dito para bisitahin si Brion, pero nag text si lola na nandun siya.
Sakto naabutan niya na may bisita ako, si Gio. Then what happens happened.
Medyo malayo dito ang bahay nila lola, pero ayos lang. Si Louis din naman ang mag dri-drive.
“Do you think we should buy something first for Brion or lola?” Sabi ko.
“What should we get?”
“Some bread. I want cinnamon too.”
Tumawa siya. Tinignan ko naman siya ng masama. “Why are you laughing?”
“Why don’t you just say you want cinnamon? Dinamay mo pa sila Brion.”
I pouted. Is that what he think it is? Well, I kinda said that so I could get it also, but it would be nice to bring them something too.
“Whatever, let’s just grab some.”
He chuckled and nodded. Dumaan muna kami sa bakery at bumili ng cinnamon. God, nag uumapaw ang cream nito. This is how I like my cinnamon.
Ganito rin kasi ang sa starducks. Pero gusto ko madamihan ang bibilhin namin kaya sa bakery nalang.
“We’ll get two box please,” Sabi ko.
Tinitignan nung babae si Louis. I glared at her, but she doesn’t seem to notice it since she was looking Louis. Nakakainis.
“Here’s OUR payment,”
Lumingon sa’kin ang babae at naramdaman na masama ang titig ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Yumuko ito at tinanggap ang payment.
“Hey, chill….” Louis chuckled beside me.
TInignan ko rin siya. Alam niya naman na tinitignan na siya hindi man lang umiwas or hinawakan ako para malaman na hindi lang ako basta kasama niya.
“Isa ka pa,” Sabi ko at umirap.
“What? Why me?”
“You should at least wrap your arms around me so she would stop looking at you.”
Mahina kong sabi dahil ayoko din naman marinig nung babae na kailangan ko pa siya pagsabihan. Baka isipin pinipilit ko lang si Louis.
Pinatong ni Louis ang kamay niya sa balikat ko. Agad ko ‘yon tinanggal pero hindi siya nagpatibag. I pouted.
“Here’s your change po,” Sabi nung babae.
Hinayaan ko na hawakan ako ni Louis. Tumingin ang babae samin at nakita ko kung pano niya tignan ang kamay ni Louis na nasa balikat ko. I looked at her like ‘See? I’m his girl. He’s off limits.’
I’m not a war freak, but I get jealous easily. I deal with it using body signals or facial expressions.
“You’re still as possessive as before.”
Sinuntok ko siya ng mahina sa braso at sumimangot.
“Ouch!” He said like that hurt him.
“Arte! That wasn’t even hard!”
He just smiled at me and opened the car door. Pumasok na ako at sumunod naman siya dahil kinailangan niya pang umikot para pagbuksan ako.
Malapit lang itong bakery sa bahay nila lola kaya hindi nagtagal ay nakarating na din kami.
The gates opened when Louis’s beeped his car. Malamang ay kilala na ng mga tao dito ang sasakyan ni Louis.
He parked the car outside at nauna akong lumabas. Sinalubong kami ni Brion.
He was running towards us at agad naman akong tumakbo papalapit sakanya dahil baka madapa pa siya.
“Brion!” Tawag ng lola.
“Honey! Don’t run like that again next time, okay?” Sabi ko nung nahawakan ko na siya.
Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi. My baby smells so good. He giggled and hugged me back.