Nagising ako sa ingay ni Brion. He keeps giggling messing with my hair. Minulat ko ang mata ko at umaga na. Napatingin ako sa hawak niya dahil tawa siya ng tawa.
Nakatapat na sa’kin yung camera ng video call!
Lumaki ang mata ko at agad na kinuha ang phone sa kamay niya. Hindi ko naman hinablot ‘yun dahil baka masaktan siya.
Sumilip ako sa phone ng malayo at nandoon si Louis nanonood at natawa din. I pouted.
Dapat ganitong oras ay wala na yang videocall dahil matutulog na siya. Looking at his video, he’s already at his bed.
“Brion, wag mo itapat sa’kin yung phone.” Sabi ko.
Brion just giggled and keep on moving my phone in front of me. I pouted and turned off the video call.
“Brion, listen to mama, okay? If I told you something you should follow me.” Sabi ko.
Hindi siya nagsalita at nawala na ang ngiti sa muka. As far as I don’t want to get mad, I need to let him know that my words are important. Na hindi niya dapat dinedisregard yung mga sinsabi ko.
“Mama…” Sabi niya at naka sad face. Paluha na.
It’s the first time he called me mama. s**t. I can’t get mad right now.
“It’s okay… but please listen to me next time, okay?” Sabi ko.
He nodded. I hugged him and called Louis again. Tinapat ko kay Brion ulit ang camera.
“Mama will just get ready, talk to dada okay?” Sabi ko.
Nung narinig ko na si Louis magsalita ay hinayaan ko na sila.
- Days go on and I got really busy with work. Ngayon ang charity na pinagplanuhan namin ni Mr. Villanueva.
Gusto ko nga sana isama si Brion, kaso lang madaming aattend na nasa same business industry. Rumors might spread. I don’t like rumors as what I’ve said. Ayaw ko din ipublic si Brion. I want to keep him lowkey.
“Ate Reah baka doon ako matulog sa Batangas ngayon. Ang sabi ni lola dadaan siya dito para kuhanin si Brion.” Sabi ko.
Nagsabi kasi ako kay lola at balak ko din talaga iwanan sakanila. Gusto din kasi ni lola na makasama si Brion ng buong araw kaya pinagbigayan ko na.
“Sige. Aayusin ko na ang gamit niya ngayon para pag kinuha ni Madam ay handa na siya.” Sabi ni ate Reah.
Tumango ako at nagpasalamat. Nag paalam muna ako kay Brion at hinalikan siya bago umalis ng bahay. Si Gio ay nag aantay na sa harap ng bahay. Siya ang mag dridrive ngayon. Kinakailangan namin mag overnight doon dahil may night party na mangyayari.
I would get super drunk and I don’t want to go home drunk. Baka makita pa ako ni Brion. Ayaw ko naman makita niya ako sa ganoong sitwasyon.
Pag labas ko ng gate ay tanaw ko na and sasakyan ni Gio. Lumapit na kaagad ako at lumabas siya para pagbuksan ako ng pinto.
“Kanina ka pa nag aantay?” Tanong ko.
“Hindi naman. Halos kakarating ko lang din.” Sabi niya.
I noddded and fixed my things. Nilagay ko ang iba sa likod dahil ayaw ko ng makalat sa harapan ko.
“Malayo ba ang Batangas mula dito?” Tanong ko.
“Almost four hours travel time.” Sabi niya.
My jaw dropped. Four hours? That’s like a trip to Baguio. Ang layo pala ng Batangas mula dito. At ang pagkakaalam ko tago pa yung pupuntahan namin. Although, may hotel naman sa malapit at doon yung after party and yung overnight stay namin.
I lack of sleep too. Baka nga makatulog ako habang nasa byahe, pero no worries. Si Gio naman ang kasama ko kaya alam kong safe na safe ako.
“Tell me if you need anything, like water or you need to go to the bathroom.” Sabi niya sa’kin.
“Yeah, sure. I’m just really sleepy right now.” Sabi ko.
“Okay. I’ll just wake you up when I need to stop over. Puwede din tayo mag drive thru during the trip kung nagugutom ka.” I nodded.
I know. Kumain din naman ako bago kumain, pero baka abutin kami ng lunch sa daan kaya for sure mag drive thru talaga kami.
Ate Reah: Kathy, dumaan na dito si Madam at nakuha na si Brion.
Ang aga naman? Akala ko mga lunch pa niya kukunin si Brion, pero ayos lang. Siguro ay excited din siya dalhin si Brion sa bahay nila.
Meron silang bahay dito sa Manila at sa Iloilo pero ang alam ko mas gusto ni lola sa Iloilo, ang kaso lang ay nandito si Brion si Manila. Kapag sa Iloilo sila, mas mahihirapan sila makita si Brion. Hindi ko talagang kaya ibigay si Brion kahit na alam ko na mapagkakatiwalaan sila.
Ako: Okay, Ate.
- Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil naramdaman kong hindi na umaandara ang sasakyan. We’re at a gas station. Madaming kainan sa paligid at hindi ko alam kung nasaan si Gio.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko siya sa isang restaurant nakapila. Transparent glass ang paligid nito kaya naman nakita ko siya kaagad. Tumingin ako sa cellphone ko. Mahigit isang oras na pala kaming bumabyahe. Pero matagal pa.
Three hours more. Mahina ang signal dito kaya hindi ko maview ang messages. Kamusta na kaya si Brion?
I’m sure he’s looking for me. Or baka nag eenjoy siya kasama si lola niya. Sa wakas at lumabas na din ng restaurant si Gio. Dala dala niya ang madaming pagkain. Pag pasok niya agad ko siyang tinanong.
“Bakit sobrang dami naman ng binili mo?” Tanong ko.
“Baka magutom ka eh. Tingin ko bitin sayo ang isang order lang.” Sabi nito.
Sabagay. Pag kumakain kami sa labas sobrang dami kong inoorder dahil nagugutom naman talaga ako. Buti nalang talaga at hindi ako tumataba at namamaintain ko yung shape ko.
I workout every weekends sa umaga para mag burn ng fats. At mabilis ang metabolims ko kaya naman hindi ako gaano tumataba. I also take detox drinks.
“Grabe ka naman.” Sabi ko.
Tumawa ito at binigay sa’kin ang isang supot ng pagkain. Madami pa sa likod. Sabagay three hours pa kami. Pwede pa ‘yan kainin mamaya. Sigurado magugutom ako.
“Paano ka?” Tanong ko.
“I’ll just eat later.” Sabi niya.
“No. You should eat now. Lunch time na oh.” Sabi ko.
Medyo late na din kasi kami nakaalis talaga ng papuntang Batangas dahil dumaan pa kami sa office.
“We’ll be late if we stop driving.” Sabi niya.
“Fine. I’ll feed you while you’re driving.” Sabi ko.