Kate's Pov
After a week bago ako nakapagdecide na puntahan ang work ng babaeng nagbigay sa akin ng panyo sa bus.
Ang nakalagay sa calling card eh 'Heaven Touch Spa' sa part ng Makati City, di na ako tumawag sa number kasi di ko naman kasi kilala yung babae, nalimutan ko kasing itanong ang pangalan nya.
2:30pm ang oras na pinili kong pumunta sa spa. Nagpahatid ako sa driver naming si kuya Bert.
" Kuya Bert dito nalang ako, wag mo na ako sunduin, magtataxi nalang ako pauwi, tyaka pasabi kala dad na sa condo nalang muna ako matuloy ngayon, tatawag nalang kamo ako sa kanila mamaya." hindi man kasi lingid sa kaalaman ng parents ko ang pupuntahan ko at ang sadya ko dito sa Makati. Open kasi ako sa parents ko ayaw kong may nililihim sa kanila.
Nang marating ko ang lugar. Pumasok ako sa loob noon, may nag assist agad sa akin.
"Good afternoon mam, welcome to heaven touch, how can i help you?" nakangiting pagbati sa akin ng isang medyo may edad na babae na nasa mid 40's na siguro ito. Sa tingin nya.
"Hmm may nagbigay kasi sa akin ng calling card na to." sabay pakita noong binigay sa akin nung babae sa bus. "I-aask ko lang kung dito sya nagwowork?"
"Ahh ano po bang pangalan nya mam?" magalang naman na tanong nito sa akin.
Napakamot naman ako sa batok kasi di ko nga pala alam ang pangalan nya.hahahah paano ko ba sasabihin. isip, isip.hmmm
" Ahm a-ano miss, d-di ko ka-kasi alam ang name nya. Ang a-alam ko lang bumaba sya sa Imus." uutal utal ko pang sabi. Kumunot naman ang noo ng babae na tila naguguluhan.
"Ahm mam ganun po ba? wait may mga picture po ako ng mga masahista ko dito, lahat po kasi sila may kliyente ngayon kaya di mo sila makikita ng personal, pero sa picture baka makilala mo mam." nakangiti naman nitong sabi, naglakad papunta sa isang table at kinuha ang cellphone nito.
Sumunod naman ako sa kanya at di nagtagal ay inabot nito sa akin ang cp nya.
"Yan mam, check mo kung sino dyan ang hinahanap mo? Siguro naman mam namumukhaan mo po sya diba?" nakangiti nitong paliwanag.
Tiningnan ko naman ang picture na nasa cellphone nito. May 4 na babae doon na same lahat ang posisyon nakacross legs habang hawak ang tuhod at nakasideview, lahat sila ay nakangiti. Pero isang mukha lang ang napagtuunan kong masyado ng pansin, ang babae na nasa unahan ng larawan.
Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko, parang bigla syang kinabahan, at parang ang mukha ng babae ay nakangiti sa kanya , nakakahawa kaya napangiti sya ng ituro sa babae kung sino ang sinasabi nya.
Di man sya 100% sure na yun yung babae kasi medyo di nya napagtuunan ng pansin yun nung nasa bus pero may pakiramdam ako na sya yun.
"Ahm miss, ito sya oh yang nasa unahan."nakangiti kong pang sabi.
Bigla naman itong napangiti nung makita kung sino ang tinuro nya.
"Mam si Kylie po yan, isa sa best massage therapist namin dito. Ahm if you don't mind po mam, may ginawa po ba syang atraso sayo or something?" alanganing tanong naman nito. Agad naman akong umiling.
"Ahm wala naman syang ginawang masama miss, hmm actually mabuti pa ang ginawa nya." hindi ko alam kung sasabihin ko bang nagngangawa ako sa bus nun time na yun tapos binigyan ako ng panyo at nilibre ng pamasahe? nakakahiya man ata kung ganun.
"Ah okay po mam, ahm nasa client pa po sya sa isang room. Tamang tama nga mam ang punta nyo kasi maaga yun ma-out ngayon kasi pupunta yun sa Cavite magcecelebrate ng birthday nya." Sa sinabi nito nagulat pa sya, so birthday pala nya ngayon. Wala syang dalang regalo o kahit ano para dito. So paano ba to.
"Ahm miss mga anong oras po ba sya matatapos sa pagmamassage?" tanong ko, nagbabakasakaling makabili ako sa labas kahit cake or kahit anong gift.
"Ahm, matatapos na po yun mam. Maupo na muna po kayo mam."
"Miss pwede bang wag mo syang paalisin mamaya hanggat hindi ako nakakabalik? Mabilis lang ako miss mabili lang ako ng cake?" nakangiti kong paliwanag.
"Ah sige po mam, ako na po ang bahala." nakangiti nitong sabi sa kanya kaya nagpasalamat na ako at umalis na para makabili ng cake.
Cake nalang muna sa ngayon maybe nextime nalang yung gift, di ko din kasi alam kung ano ang gusto nya.
--------
Kylie's Pov
Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ko ang last na client ko. Napabuga ako ng hangin at napangiti ng maisip kong makakauwi ako ng Cavite ng maaga para makapag celebrate ng 25th birthday ko. Alam kong nag aantay na sa akin, walanh iba kundi ang mga pinsan kong wasalak hahaha, at iba ko bang mga tita sa Imus.
Excited akong lumabas ng room at pumunta na sa locker room at nagbihis ng pang alis ko. Isang white fitted pants at tinernuhan ko lang ng black printed shirt at sa pang ibaba naman ay aking white sneakers na talagang pinag ipunan ko para mabili at mairegalo sa sarili ko ngayong birthday ko. Napangiti naman ako ng makita ko ang sarili ko sa full body size mirror sa may locker room, inayos ko din ang buhok sa isang messy bun ponytail. Sinuot ko na din ang belt bag ko, pero sinuot ko na sa isang kamay at ulo sa loob ng strap ng bag at nilagay sa harapan ko. hmm astig ko talaga, sabi ko sarili ko. Lumabas na ako para makauwi na.
"HAPPY BIRTHDAY KYLIE!!!" sabay sabay na pagbati ng boss at mga kaworkmate ko.
Hindi ko alam na may pasurprise na cake sa akin ang amo naming si miss D. at may pagift pa kahit ang mga kawork ko. Para tuloy akong maiiyak sa tuwa.
Nilapitan ko sila at isa isang niyakap at pinasalamatan. Napakabuti talaga ng Diyos at binigyan ako ng mga katrabaho s***h mga tunay na kaibigan, pati mabait na amo na game sa lahat ng kalukuhan namin at napakamaintindihin pa.
"Salamat sa inyo guys, at miss D. , di ko alam na may paganito pa kayo, kaya pala walang bumabati sa akin kanina pang umaga, medyo nagtatampo na nga ako. hahaha. akala ko tuloy nakalimutan nyong birthday ko." di ko tuloy napigilan ang mapaluha, lalo na ng i-group hug nila ako.
"Girl sayang gandang babae kung ngangawa ka dyan, ganda pa man ng porma natin oh, mukhang may kadate ka chicks." sabi ng isa kong kawork na si Blecy kaya nagtarawanan kami. Hindi mana lingid sa kaalaman nila na lesbian ako, at tanggap nila ako, kaya masaya akong kasama sila dahil di nila ako iniwasa nung nalaman nila ang totoo kung kulay.kulay berde ba, hahahah.
" Oo nga Kylie may naghahanap nga pala sayo na chicks, sobrang ganda baka malaglag panty mo, at tumulo ang laway mo pag nakita mo" medyo kumunot naman ang noo ko, kasi wala naman akong inaasahan na bisita.
"Sino naman yun miss D.?"naguguluhan ko pang tanong.
" Antayin mo lang at dadating--" di na natapos nung boss ko ang sasabihin nya nang may pumasok na isang magandang babae na nakangiti ng pagkatamis-tamis, napapatulala ako sa ganda nya.Oh EM GiE!! kakatulo nga ng laway. Napakasimple lang ng suot nyang black fitted pants, white sleeveless blouse at white nike na rubber shoes.
Tama ba ako ng iniisip na sa akin sya nakatingin. Kaya naman tumingin ako sa likod ko wala naman tao. Parang tuloy bigla tumibok ng malakas ang puso ko sa kaalamang sa akin sya nakatitig at unti unting lumalapit na di nawawala ang ngiti sa mga labi nya.
"Happy birthday Kylie." sabi nito at inabot ang isang box na sa tingin nya ay cake. Napakunot naman ang nuo ko habang tiningnan ang box at dahan dahan tumingin sa nakangiti pa ring mukha ng babae.
Kilala nya ako? Paano nya nalamang birthday ko? Sino sya? Mga katanungan sa isip ko.
Parang nabasa naman nito ang nasa isip ko nang sinabi nitong....
" Ahm ako yung babae sa bus last week, remember? Yung binigyan mo ng panyo at nung calling card? at nalaman kong birthday mo kasi sinabi ni miss sa akin." at tiningnan si miss D.
Bigla lumaki ang mata ko ng maalala ko yung babae sa bus, di ko akalain na napakaganda nya, makalaglag panty pala.hahahah
Naku umiiral na naman ang pagiging Lesbiana mo!!, sita ng isip nya. Di ko talaga mapigilan lalo na kung ganito kaganda. Yung tipong kahit wala syang masyadong make up eh naku naman!! Yung mukha nya na parang heart shape yung matang mesyo singkit at ang ilong pointed at ang labi na hmmm kissable parang ang sarap halikan. hoy!! yang nasa isip mo ang dumi!!! sita nanaman ng isip nya.
"Ahh s-so ikaw pala yun, s-salamat sa cake at sa pagbati. Aahm n-need mo na ba ng kausap?" medyo uutal utal ko pang sabi.
"Wala yun, ako nga dapat magpasalamat eh, and andito ako para bumawi. ooh ohhh wait! Rhaine Kate nga pala but just call me Kate if you want." sabay lahad ng kamay. Agad ko naman inabot ang napakalambot nyang kamay, medyo nahiya pa ako sa kamay baka malangis pa.hahahah. Napabitaw din ako agad ng makaramdam ako mumunting kuryente na nagmumula sa kamay nya. Bigla tuloy akong namula sa kaisipang may spark kami sa isa't isa. assumera ka girl!!! asar ng isip nya.
"Ehemmm!" tikhim naman ng mga kawork ko at ng boss ko, talagang nagsabay sabay pa talaga sila. Kaya napatingin ako sa kanila, nasa isang tabi lang ang pinagtitinginan silang dalawa.
"Eh Kylie andito pa kami if hindi nyo napapansin.hahahah" sabay sabay namang tawa nila , di ko tuloy mapigilang mag init ng pisngi ko at pag tingin ko kay Kate eh pati sya eh namumula din, so cute!
Tiningnan ko lang sila ng masama, tapos sila nagpipigil lang tawa. Binalingan ko na ulit si miss Kate.
"Miss Kate kung okay lang sayo, at wala kang gawa baka gusto mong sumama sa akin sa Cavite, don kasi ako magcecelebrate ng birthday kasama yung iba kong relatives?" hiya ko pang alok kay miss Kate na tumango naman.
Bumaling naman ako sa mga kawork ko."Sa pagbalik ko nalang tayo magcelebrate guys hah? pero yung gustong sumunod sa Cavite aantayin ko don.hehehe"
"Oo ba siguraduhin mo lang na malalasing mo kami. hahahah" sabi naman Zerie kaya lahat kami nagsitawanan, sa lahat ng kawork ko kasi ito ang palaban pag dating sa inuman.
"Sila, malalasing ko ikaw malabo atang mangyaring malasing ka, may anting anting ka ata pagdating sa inum.hahahah" sabi ko naman.di talaga nawalala ang asaran dito sa spa.
Binalingan ko naman si miss Kate na nakangiti at natutuwa siguro sa kakulitan namin.
" So miss Kate, tara na?" aya ko naman dito.
"Ahm okay, Kylie tyaka baka pwedeng paalis nung miss sa tawag mo sa akin nakakailang kasi just Kate, okay na ako don." sabi nito at tumango naman ako.
"So paano guys, miss D. mauuna na kami habang hindi pa rush hour?" paalam ko sa kanila at isa isang bineso, nakagawian na namin yun eh. " Bye for now guys, yung cake kayo na bahala, then don sa gift naman pagbalik ko nalang bubuksan hah? salamat talaga guys, see you on wednesday." hinawakan ko naman ang kamay ni Kate at inakay na sa labas ng spa.
.
.
.
.
.
.
.
.
hey guys medyo bored ba ang story ko pagpasensyahan po hah first ko lang po kasi magsulat ng story nagtry lang po ako kasi nagsasawa na akong magbasa, so naisipan ko namang magsulat.
iloveyouallguys