Kylie's Pov
Naglalakad na kami papuntang sakayan ng bus, pero ko hawak pa rin ang kamay ni Kate. Mukha kasi itong walang alam sa pupuntahan nila. Isa pa nagmamadali kami kasi baka abutan kami ng rush hour mahirap na.
Tyaka di naman nya tinatanggal yung kamay ko, so walang problema. Sus natyatyansing ka lang kung di ko lang alam!! pang asar ng isip nya.hahahah
Nang makasakay na kami sa bus eh umupo na kami sa pandalawahang upuan, at saka ko lang binitawan ang kamay nya. Parang nagsisi tuloy akong binitawan ko pa yun. Di ko kasi alam kung kelan ko ulit yun mahahawakan. Sobrang lambot kasi ng kamay nya, parang di nakakaexperience ng trabaho.
Di pa naman umaalis ang bus at nag aantay ng mga pasahero, so kakausapin ko muna si Kate.
"Hmm Kate, matanong ko lang, okay ka na ba? " medyo nag aalala kong tanong dito.
Alanganin ngumiti naman ito at tumango.
"I-if you don't mind, ano ba ang problema mo last week? heartbroken ka ba?" hindi naman ito umimik. "Okay lang naman kung hindi mo sagutin, pag di kana alangan sabihin, andito lang ako." sabi ko sa kanya nakita ko naman ang pag aalinlangan sa mata nya. Tiningnan nya muna ako at ngumiti ng pilit.
"Hmm y-yeah heartbroken ako that time, nakita ko kasi ang boyfriend at ex nya na naghahalikan sa favorite restaurant namin sa araw mismo ng anniversary namin." nakita ko ang pamamasa ng mata nya. Di ko napigilan ang sarili kong yakapin sya at aluin, habang yakap eh hinihimas ko naman ang likod nya. Narinig ko naman na sumisigok na ito it means umiiyak sya. Hala pinaalala ko pa kasi sa kanya, kaasar!!!
"Shhh, sorry kung pinaalala ko pa. Andito lang ako if you need a friend hah? huwag ka magdalawang isip na puntahan ako at mag-iinuman tayo." sabi ko dito, narinig ko naman itong tumawa ng bahagya. Kaya napangiti na din ako.
Tumikal na mana ako sa pagkakayakap, baka kasi isipin nitong chinachansingan ko na sya.
"Salamat, hmm nakakawala ba ng sakit ang alak?" curious na tanong naman nito sa akin.
"Hindi ka ba umiinum ng alak?" Nagtataka ko namang tanong.
Ngumiti naman sya. " Umiinum ako ng alak pero pag kasiyahan hindi pag heartbroken." paliwanag naman nito.
"Gusto mo bang uminum?" tanong ko nalang sa kanya.
"Well mukhang inuman man ata ang pupuntahan natin, malamang sa malamang iinum ako.hahahah" yun oh tumatawa na sya kahit papano, bilis naman magshift ng emotion nito, sa isip isip ko.
"Pero wag ka magpapakalasing hah?" paalala ko naman dito.
"Wag nyo akong lasingin para di ako malasing, di pa naman ako sanay uminum ng alak." nakangiting sabi nito, altough namumula pa rin ang mata nya, eh kahit papano ngumingiti na sya.
"Madali ka lang bang malasing?" tanong ko sa kanya.
"Ano ba ang iinumin? tequilla?" medyo nagulat ako sa tanong nya hahahah pang bar kasi ang naiisip nitong inumin, eh pang tambay lang naman ang iniinum naming alak.
"Ewan ko kung ano ang trip inumin ng mga pinsan ko mamaya. Minsan kasi pag G na G kami empe light, or kwatro lang, pag naman medyo nakakaLL na red horse naman kami. Ikaw ano ba gusto mo inumin?" medyo kumunot naman ang noo nito na tila naguguluhan.
"A-anong G na G at tyaka nakakaLL? may word bang ganun?" sa sinabi nya bigla akong natawa kaya nagtinginan ang ibang pasahero sa akin, kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang tawa. Pag tingin ko sa kanya eh nakakunot pa din ang noo nya.
"Ang G na G ibig sabihin nun gipit na gipit, pag naman nakakaLL ibig sabihin nun nakakaluwag-luwag." paliwanag ko sa kanya, mukhang nagets na mana nya.
"Yun pala yun, sorry di kasi ako sanay sa mga ganyang words eh." hiyang sabi naman nito.
"Alam mo may napapansin ako sayo." sabi ko sa kanya. Lumingon naman sya sa akin.
"Ano naman yun?" sagot nito.
"Hmmft mukha ka kasing mayaman." sabi ko at pinagmasdan ang reaksiyon nya. Wla naman akong napansin na ibang reaksyon nya nakangiti pa din sya.
"Hindi ako mayaman, kung yan ang gusto mong malaman, kasi ang daddy ko ang mayaman at ang mga siblings ko. Ako sakto lang." paliwanag naman nito.
"Okay sabi mo eh, hmm san ka pala uuwi mamaya? sa Pala-pala ba?" pag iiba ko ng topic, di kasi ako kumbinsido na di sya mayaman, kasi halata namang may gintong kutsara sya sa bibig.
"Baka magpasundo nalang ako kay kuya Bert at magpahatid sa condo ko." sabi nito, kaya gulat na tiningnan ko ito.
"Sabi mo di ka mayaman, pero may condo, may driver ka so may kotse pa. Hindi pa ba mayaman yung ganun sayo, o sadyang humble ka lang?" tatawa tawa naman ito habang pinagmamasdana ang reaksiyon ko.
"Hahahah, ayaw ko kasing ipagyabang yung pera ng parents ko, na di ko naman pinagpaguran." sabi nitong may pilit na ngiti.
"Kung ganun ano pala ang work mo?" curious kong tanong.
"Hmmm i owned a restaurants, isa sa may Ayala mall and the other branch is in SM Fairview." biglang naman akong nakaramdam ng hiya.
"So owner ka pala ng restaurants, bakit di mo sinabi sana sa taxi kita pinasakay, nakakahiya naman sa iyo mam." bigla akong nahiyang hindi gumalang sa kanya. Nakakapanliit kasi.
" Bakit biglang nagka 'mam' akala ko ba magkaibigan tayo? Kaya nga ayaw kong sabihin ang tunay kong estado eh, baka mailang ka, ayaw ko din naman na magsinungaling sayo." para naman itong nalungkot ng sinabi nya iyon. napabuga nalang ako ng hangin.
"S-sorry K-kate, d-di ko kasi maiwasang, manliit sa estado ng life mo at li-life ko." uutal-utal ko pang sabi habang nakatungo. Ito naman ang nagbuga ng isang malalim na hininga.
"Ahm pls don't, wag kang umiwas sa akin, i just want to have more friends at tumatanaw din ako ng utang na loob sayo. Hmm so can you be my friend or maybe best friend Kylie?" sabay lahad ng kamay nito. Alanganin ko man iyong tinanggap.
"Hmm friends, and soon best friends." nakangiti ko ng pahayag kahit medto naiilang pa ako.
Nagkwentuhan nalang kami, tungkol sa mga life, life namin kaya medyo nawala na yung ilang na nararamdaman ko. At nang makababa kami eh, dumeretso naman ako sa bilihan ng letchon manok bumili ako ng tatlong buo at dalawang liempo pang ulam at pulutan na din.
Nagpipilit naman si Kate na sya na ang mabayad, so nagtalo pa kami kung sino ang magbabayad, so ang nangyari sya sa liempo ako sa manok para wala lang g**o.
Dumaan na din kami sa 7-eleven para makabili ng pasalubong sa mga bata. Di na ako bumili ng alak kasi may tindahan naman si tita Beth. So after namin bumili ng kung ano ano naglakad na kami papunta sa bahay ni tita.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
hello guys
iloveyouall
staysafealways