Chapter 5

1574 Words
Kylie's Pov Nang makarating sa bahay ni tita eh bumungad agad ang maingay na videoke nila tita na nasa may bilyaran, at ayon andon na ang mga pinsan ko na mukhang nag-uumpisa pa lang mag-inum ng empe. Isa isa silang lumapit sa akin, yumakap habang bumabati , at isa isa ko rin naman silang pinasalamatan. Pinakilala ko na din sa kanila si Kate na kaibigan ko. "Insan, kaibigan mo ba talaga ito o ka-i-bi-gan." sabi ng pinsan kong si Ica. Tinampal ko naman ang noo nito kahit mas matanda ito sa kanya ng isang taon. "Sira ka talaga insan, kaibigan ko nga yan. Itsura kong to papatusin nyan, tyaka straight yan nu." bulong ko naman sa kanya, baka kasi marinig ni Kate eh, hindi pa ako handang sabihing lesbian ako, baka iwasan nya ako nu. Lumayas na ito at bumalik na sa inuman. Inakit ko naman si Kate sa loob ng bahay, dahil ipapakilala ko pa sa dalawa kong tita at sa mga asawa nila. Pagpasok namin eh sumalubong agad ang tatlong apo ni tita Beth na sina Jay pitong taon, Jia limang taon at ang bunso na si Jacob tatlong taon. Niyakap nila ako, binati at isa isang hinalikan, nagpakarga naman sa akin ang bunso nila. "Salamat kids sa pagbati, and ito pala si ate Kate friend ni tita Kylie, say hi to your new ate." isa isa namang nagmano ang mga bata kay Kate, pero di ito pumayag na mano lang, dapat daw may kiss para ibigay yung pasakubong nila, sya kasi ang may hawak nung mga yun. Tuwang tuwa naman yung mga bata ng iabot na ni Kate yung pasalubong. "Naku kayo talagang mga bata kayo mamumulubi sa inyo ang tita nyo." sita naman ni tita Beth sa mga apo nya na nagsitakbuhan na sa labas." At ikaw naman pinamimihasa mo sila na ganun." sabi nya na kala mo eh tutoong galit, kaya kinuha ko na ang kamay nito at nagmano tyaka sya niyakap, " Naku ka talagang bata ka, oh sya happy birthday pasok na kayo ng bisita mo at ng makakain na kayo." pinakilala ko naman sa kanya si Kate na nagbeso sa kanya at nagmano din. "Ta salamat po pals sa pag aasikaso mo sa birthday ko, pasensya kung naabala kita hah?" sabi ko kay tita Beth bago ako pumunta sa isa ko pang tita eh niyakap ko muna si tita Beth. "Ai sus wala yun Kylie, ano pa at kami'y kamag anak mo kung sa ganitong okasyon ay di ka man lang namin tutulungan?, masaya akong nakatulong sayo, at masaya din akong masaya ka sa simpleng salo salo nating ito." mahabang detalye naman ni tita. Tumango na lang ako at lumapit na sa isa kong tita na nasa kusina at naghuhugas ng plato. "Ninang Bella tama na po yan, kain po muna tayo." sabay yakap ko sa likod ng tita ko at humalik sa pisngi nya, tumawa naman ito. "Happy birthday my inaanak, kumain na kayo at tapos na kaming kumain , asikasuhin mo na muna yang bisita mo, at mahiya ka nga kanina ka pa nakayakap dyan eh." natawa naman ako sa sinabi ni tita/ninang Bella ko. "Naku ninang di ka pa ba nasanay sa akin, hahaha, ah ninang si Kate po pala friend ko." pakilala ko naman kay Kate, lumapit naman ito para magmano pero di na pinamano ni ninang kasi may sabon ang kamay nya. "Alam ko naman na malambing ka Kylie kaya lang eh baka gutom na yang si Kate, nakakahiya naman."natawa naman si Kate sa sinabi ni tita / ninang Bella. "Okay lang po ako tita, medyo busog pa po ako kasi nagmeryenda man po ako bago pumunta sa work ni Kylie." paliwanag naman nito. "Oh sya ninang kakain na kami kahit busog pa itong si Kate, eh dapat nyang matikman ang mga niluto nyo ni tita Beth." So umalis na kami at pumunta na sa lamesa para kumain, after namin kumain eh lumabas na kami para makipagkulitan sa mga pinsan kong makukulit. "Oh ito na pala si birthday girl natin, oh shot na! shot na! ng makahabol kayo, kanina pa kami dito eh." sabi ng pinsan kong si Mitch at inabot ss akin ang alak at ang tagayan, nilingon ko naman si Kate na nakangiti pa rin, nilapitan ko ito at binulungan. "Kung ayaw mong uminum, okay lang, at kung iinum ka naman yung kaya mo lang hah?" tumango naman ito, kaya nagshot na ako at pinaupo ko na sya sa isang bakanteng upuan. "Ahm Kate matagay ka ba?" tanong naman ng isa ko pang pinsan na si Maye. "O-oo, pero kunti kunti lang di ako sanay uminum eh." kakamot kamot pa sa batok na sabi nito. "Palaban naman pala insan tong kaibigan mo, di gaya nung mga kawork mo isa lang ang palaban, the rest patakbo na.hahahah" sabi naman ng pinsan kong si Lokie na anak ni tita Beth. Natawa nalang ako sa sinabi nya kasi alam kong bet nitong si insan si Zerie kaya nya lang nabanggit yun. "Hahaha, kung di ko lang alam insan, naalala mo lang si Zerie. So ano na ba ang status nyong dalawa?" asar ko dito kaya nagtarawanan ang iba ko pang mga pinsan, alam ko kasing di ito sinasagot ni Zerie kasi alam nyang babaero itong pinsan ko. "Pwede ko ba silang makilala isa-isa Kylie? di ko kasi maalala ang mga name nila kanina." Bulong nito sa akin na nagpatayo ng mga palahibo sa batok ko at nagparamdam ng kakaibang init sa katawan ko. My Gie bulong palang yun may ghost bum na. Tumango naman ako at ngaumiti isa-isa ko silang pinakilala simula sa katabi nya "Sabi nya mga insan ipakilala ko kayo isa-isa, so ito, yang katabi mo si ate Mitch, sunod ate Emz, si ate Ica, ate Maye, at jowa nya yang katabi na si bro Recz, next si Kathy, kuya Lokie, then si Rey, at ang last ay si kuya Jam, so guys kilala nyo mana si Kate di ba?" kita ko namang pilit minimemorize ni Kate lahat ng pangalan ng pinsan ko kaya napangiti ako pati mga pinsan ko natatawa na din. "Cuz mauubos na ang alak oh baka naman." singit naman ni Kathy "Wait ako na sa pulutan, ako pa sa alak, salaan man ata yun." biro ko pa sa kanila na nagtawanan. " Ganito nalang malaro kaming bilyar nitong si Rey tas pag ako nanalo kayo ang mag aambagan pag bili, pag ako natalo, ako ang bibili ng susunod na alak." pakikipagnesosyon ko pa sa kanila. "Yay! marunong ka rin insan pumili ng kalaban, alam mong di marunong si Rey kaya sya ang pinili mo, nag pustahan pa tayo sana nagbili nalang kami.hahahah" sabi naman ni ate Emz, kaya grabi ang tawanan naman namin. "Eh sino naman ang kalaban ko alangan naman si kuya Lokie? eh di sana bumili nalang ako ng alak.hahahah" sabi ko sabay tawanan nanaman. "How about itong si bebe Recz nalang match kayo nyan insan." singit naman ni insan Maye. "Okay sige payag, kuya Lokie pakiset naman nong bola, at mashot na ako pampalakas ng loob.hahaha" sabi ko naman na agad sinunod ni kuya Lokie. Ako ang nag-mok , habang naglalaro kami nagbibiruan at tumatagay na din, ganito kami laging magpipinsan. Nakikita ko naman si Kate na tumutingin sa akin kada tira ko, di ko tuloy maiwasang kabahan at mailang sa mga tingin nya. Sa kahuli hulihan, last ball na kami parehas kinse nalang ang natitirang bola ako na ang patira. Sa kasamaang palad napanipis ang tama nong patu sa kinse kaya imbis na shumot eh tumama lang sa kanto, yanong kantyawan ng mga pinsan ko. "Wait ngayon ko lang naisip parang lugi ata ako, kasi ako lang mag-isa tapos kayong lahat ang kalaban ko lugi talaga." reklamo ko naman kaya nagtarawanan sila. "Hahahah kanina ka pa naglalaro ngayon ka pa magrereklamo kung kelan mashoshoot na ni Recz yung bola.hahaha bumili ka na kasi dami pang reklamo." sabi naman ni kuya Jam. "Pashootin muna ni Recz yung kinse bago ako bumili. hahahah" banat ko naman. "Pashootin mo na nga mahal at ng makabili na ang birthday girl na yan." sabi naman ni ate Maye. So tinira na ni Recz ang kinse pero di shomot ang bola, naku pagsineswerte ka nga naman, benta pa malapit na sa butas, pag ito di pa shumot papaputol ko na daliri ko. Yabang nito pashootin mo muna!! sabi naman ng kontrabida nyang isip.hahaha "Bakit natahimik ata kayo mga insan ko?" sabay tira nung bola at shoot." So paano ba yan mga insan, bibili na kayo ng empe sakto malast shot na si Kate oh." kanya kanya na silang dukutan ng pera kaya natawa na lang ako ng malakas." Biro lang mga insan, gusto ko lang talaga maglaro ng billiard, ako na ang bibili tago nyo na yan." "Naku! buti nalang may ginintuang puso si insan, ganda mo talaga insan ko, nakalibre ang pangsigarilyo ko.hahaha" sabi naman ni kuya Lokie kaya nagtarawanan nanaman kami. Kahit walang kantahang naganap ng mag umpisa kaming mag inuman ay naging masaya pa din ang aming inuman, kwentuhan, biruan, kulitan at asaran, ay natapos sa tatlong bote ng empe at nag siuwian na ang iba, ang natira nalang ay ako at si Kate. Alam kong lasing na itong si Kate napakadaldal na eh. Si tita Beth naman ay nagliligpit na. . . . . . . . . . . . next chapter guys may kunting pakilig na... loveyouallguys staysafe always
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD