BELLA POV Inayos ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko rin pala sa pulang gown. Bumagay ang pagiging mestiza ko rito. Masasabi ko na kulang lang talaga ako sa height para makasali ng pageant. Narinig ko ang mabilis na yapak ng mga paa sa labas kaya mabilisan ko ring binuksan ang pintuan. Kumabog ang dibdib ko, ang buong akala ko ay boss Charles na ito, si Joshua pala na nakangiting manyakol pa. Inirapan ko ito, di nya deserve na masungitan ng ganito dahil sa ugali nya. Kala nya nakakalimutan ko ang mga sinabi nito sakin kanina. "Wow sobrang ganda mo pala ha? Akala ko kasi maputi ka lang eh," pang aasar pa nito sakin. "Sya nga pala, hinahanap ka na ng boss natin. Sabi nya pa, wag ka na raw masyadong magpaganda kasi di kasal ang pupuntahan mo. Natatawa pa nga sya kanina eh. Isuot mo n

