BELLA POV Nilunok ko na ang pride ko. Di ako makakapayag na may mangyaring masama kay Reign. "Joshua, alam ko na sa kabila ng ginawa mo ay inuusig ka pa rin ng konsensya mo. Parang awa mo na, ako na nakikiusap sayo na h'wag mo itong gawin. Kung gusto mo, ako ang kakausap kay Reign. Titiyakin ko na magbabagong buhay ito at di na n'ya ilalaglag ang grupo natin." Sa kabila ng pagiging seryoso ko ay patuloy lang sa pagtawa ang kupal na ito. Naiinis ako sa kanya, sa ngisi nito na di naman nakakatuwa. "Pasensya ka na Bella pero di na magbabago ang isipan ng boss natin. Kung magkikita sila ng detective na ito, ibig sabihin ay mayroon na s'yang mga nasabing impormasyon doon sa gagong detective. Kaya kung ako sayo, wag ka na lang mangingialam at hayaan mo nang gawin namin ng boss natin ang trab

