REIGN POV Nandito ako sa cr ng pinaka malaking casino dito sa Paranaque. Naki party lang naman ako dito. Inimbita ako ng nakausap kong si Paul na isang private agent. Nakilala ko siya sa isang kaibigan na nag kwento sakin. At naging maswerte ako na nagawan ko ng paraan ang pagkakaroon ng contact sa kanya. Iningatan ko rin ito na hindi malaman ni Boss Charles at nang iba pa naming kasamahan. Di naging makatarungan ang ginawa nila na paghahati hati sa ninakaw naming pera kaya ang sama sama ng loob ko. At halos kami ang nagtatrabaho at nagpapaka pagod ngunit ang bukod tanging kumukulimbat sa pera namin ay si Sir Charles lang ang nakikinabang. Kaya nararapat lang na isumbong sila sa kinauukulan dahil sa ginagawa nilang krimen. At kung may isa mang tao akong bukod tanging ililigtas, wala ito

