CHAPTER 8

1008 Words
ALDEN POV Masasabi ko na isa lang naman na ordinaryong tao si Jane pero sa totoo lang, ang dahilan naman nang pa-raffle ko ay maka iskor ako sa aking fan. Sakto naman na kagaya ni Jane ang tipo kong babaeng iskoran at iwan. Noong una ang akala ko ay na love at first sight ako pero hindi- libog lang pala ang nararamdaman ko sa kanya at sisiguraduhin ko na makukuha ko ang gusto ko. Muli kong inakbayan ni Jane habang malisyoso kong tinitingnan ang kanyang katawan na aking pinag nanasaan. Nang makapunta kaming dalawa sa sasakyan ko, pinagbuksan ko siya ng pinto at tinulungan ko siyang magsuot ng seatbelt. Nakita kong kumikinang ang mga mata ni Jane habang iniikot niya ang kanyang tingin sa sasakyan na para sa akin ay sobrang luma na considering na araw araw akong sumasakay sa brand new models na sasakyan ko sa maynila. "Sorry Jane... hindi ko talaga ito sasakyan kundi sasakyan ng tito ko. Mayroon kasi kaming kamag anak dito at sila ang nag me maintenance nitong sasakyan. Kung nasa maynila sana tayong dalawa, baka Ferrari pa ang gamitin nating dalawa hehehe!" pagyayabang ko sa kanya. Sumagot naman si Jane na namumutla na sa kilig, "Ha? Cheap ba ang tawag sa ganitong sasakyan? Eh sa totoo lang bangka na yata ang pinaka magarang sasakyan na nasakyan ko eh. Grabe isang karangalan sa akin na makasakay dito so thank you nang marami!" "Walang anuman. Anyway, gusto ko kasing magpunta sa isang cliff pero napaka boring naman kasi kapag akong mag-isa lang. Saglit lang naman tayo doon dahil sa gusto kong makita ang falls. Pagkatapos natin ay uuwi kaagad tayong dalawa!" "Anyway... limang taon mo na akong fan mo at ni minsay ay hindi kita naking nakipag date sa kahit na sinong babae... alam kong masyado itong personal pero wala ka pa bang nagiging girlfriend?" prangkang tanong ko. "Kasi sa totoo lang, gwapo ka at super talented. Not to mention na isa ka ring mayaman na tao. Siguro naman ay-" "Wala pa akong nagiging girlfriend!" pagpuputol ni Alden sa akin. "Believe it or not, gusto ko na rin namang magkaroon ng syota pero ang sabi sa akin ng manager ko, mauubusan ako ng fans sa gagawin ko kaya magpahanggang ngayon, wala pa rin akong plano na magkaroon ng kasintahan." "Ganun ba? Sorry kung naging masyadong personal ang tanong ko ha?" "Wala 'yun Jane... gusto ko lang naman na maging malinaw ang lahat sayo. Truth to be told, marami ang nangyayari behind the camera at walang ideya ang mga tao tungkol sa aming mga artista. Araw araw kaming napipintasan ng ibang mga tao kahit na ang totoo, gusto lang din naming magtrabaho ng marangal." "Alam ko naman ang tungkol doon. Pero wag mo sana silang iisipin dahil may mga fans ka na nagmamahal sayo at asahan mong isa ako sa magtatanggol sayo kahit na gaano pa karami ang maging bashers mo." "Napakabait mo talaga Jane... napakaswerte naman nang boyfriend mo sayo." Halata ko sa mukha ni Jane na nagulat siya sa paglihis ng topic naming dalawa. "Ha?" gulat kong reaksyon. "Sa maniwala ka't sa hindi, wala pa akong nagiging boyfriend... kasi ano..." "Kasi ano? Wag ka na mahiya sa akin Jane... ituring mo lang ako na bagong kaibigan mo. Pwede mo sa akin sabihin lahat ng hindi mo masabi sa ibang tao," pangkukumbinsi ko sa kanya. "Sa ganda mong yan, imposible namang walang nagtangkang manligaw sayo." "Eh kasi ano... ok sige na nga, nahihiya kasi akong sabihin ito kaya lang ikaw kasi ang tinuturing kong first boyfriend ko at halos lahat ng nanliligaw sa akin noon ay sobra sobrang nagseselos kasi ikaw na lang palagi ang bukambibig ko." "Nako, baka naman sa akin na lang umiikot ang mundo mo ha? Kahit na natutuwa ako na die hard fan kita, kailangan na umiikot din ang buhay mo sa ibang bagay. Nakaka guilty lang din kasi minsan na may mga fans akong napapaaway dahil sa akin. Of course noong una ay natutuwa ako but may mga nababalitaan kasi ako na extreme ang ibang fans ko kaya nag decide ang manager ko na gumawa ako ng official fan page para mapigilan namin ang mga ganoon klase ng insidente!" "Don't worry Alden, alam ko naman ang limitasyon ko bilang isa mong fan at ngayon, masasabi ko na tama lang pala ang naging desisyon kong ipagtanggol ka dahil ang bait bait mo. Sana ay wag kang magbago at lalong wag kang magiging katulad ni Joshua na trying hard maging ikaw. Kung number one fan mo ako, masasabi kong number one hater niya naman ako!" Napangisi ako sa sinabi sa akin ni Jane at masasabi kong madali ko siyang nabobola dahil sa pekeng kabaitan na ipinapakita ko. Gusto ko na sana siyang i-f**k dito sa kotse pero gusto ko munang ma experience niya ang makipag date sa akin tutal mukhang matagal tagal pa naman bago ako muling bumalik dito sa Puerto Galera. "Hayaan mo na si Joshua. Hangga't nasa showbiz ako, mananatili lang siyang isang wanabe Alden. Sa katunayan nga, lahat ng endorsements na nireject ko siya ang kumukuha." "Yes Alden, alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yan. Sa katunayan nga, kasali rin ako sa Joshua hater fan page!" "Wow... alam mo Jane, feeling ko ay mas marami ka pang alam sa akin kaysa ako sa sarili ko. Anyway baka pwede mong ibigay sa akin ang cellphone number ng parents mo para naman makontak ko sila at maipaalam kita ng maayos." "Actually matagal ang parents ko. Parehas silang nagkasakit noong baby pa lang ako kaya sa tita ko na ako nakitira. Nagtatrabaho ako sa kanya kapalit nang maliit na sweldo- syempre kasama na rin kasi ang bahay at pagkain doon. Sabi ko kasi sa kanya ay mga bukas na ako makakauwi kasi bawal naman pumalaot ang bangka kapag gabi." "Sorry to hear that, Jane! Pero hayaan mo sana akong magpaliwanag sa tita mo para naman malaman niya na male late ka ng uwi mo bukas sa inyo. Siguro naman ay isa ko rin siyang fan kagaya mo, tama ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD