JANE POV
Anti Alden si tita Anabel pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Alden ang totoo. And the fact na uuwi ako ng late sa bahay, ibig sabihin noon ay mayroong ibang tao ang maghahatid sundo kay little John. But kung tumanggi naman ako sa date ko kay Alden, hindi ko na alam kung mayroon pa ba itong magiging kasunod. Sobrang hirap ng mayroong pinagpipilian and yet alam ko na ang pakikipag date kay Alden ang matimbang sa puso at isipan ko,
"Okay ka lang ba Jane? Bakit parang nahihirapan kang sagutin ang tanong ko? Gusto ko lang naman ng totoong sagot na manggagaling sa bibig mo. Don't worry magalang naman akong tao at sasabihin ko lang ang pawang katotohanan sa kanya."
"May load naman ako Alden... pero baka lang kasi wala nang signal ngayong gabi kaya baka bukas pa ako makakapag paalam."
"Signal lang ba ang problema? No way, malakas ang sim na gamit ko Jane. Ibigay mo lang ang number at ako na ang bahala na kumontak sa kanya."
Kahit na may pangamba ako sa posibleng mangyari, wala naman talaga akong choice sa ngayon kundi ang pumayag sa gustong mangyari ni Alden. Ibinigay ko ang number ni tita Anabel sa kanya at huminto kami sa gilid upang tawagan ang tita ko.
"One minute Jane, ilo-loud speaker ko ang cellphone ko at ikaw muna ang magsalita para maniwala ang tita mo na hindi ito isang prank."
Tagaktak kaagad ang pawis ko nang mag simula na si Alden sa pagkontak sa tita ko. Nagring kaagad ang cellphone ni tita at kaagad siyang tumalak.
"Hoy scammer mali ka nang taong binangga mo! Alam mo bang marami na ang kagaya mong bumiktima sa akin at lahat sila ngayon ay nasa kulungan na! Iba na lang ang pagtripan mo wag lang ako!" bungad na sabi ni tita Anabel.
Na predict ko na ang sasabihin niya kaya nagsalita ako kaagad.
"Tita naman, magpasintabi ka po... ako ito si Jane, yung katulong niyo po sa bahay!"
"Hoy babae ka, agahan mo ang pag uwi mo dito bukas ha! Kailangan ay maihatid mo si little John dahil kung late ka uuwi, sinisigurado ko sayo na nakaimpake na lahat ng gamit mo dito sa bahay dahil wala ka nang uuwian. Diyan ka na lang sa Alden mong bobong mag ingles at saksakan ng yabang hambog!"
Nanlaki ang mga mata ni Alden na idinaan na lang sa tawa ang masakit na salitang narinig niya mula sa tita Anabel ko. At bago pa man siya makapag salita ng iba pang masasakit na salita ay kaagad ko na siyang pinranka.
"Wag naman po kayong ganyan tita, si Alden po ang kasama ko. Mabuti na lamang at medyo malayo po ako sa kinalalagyan niya kaya wala siyang narinig," pagsisinungaling ko.
"Hay nako Jane mukhang malakas na yata ang tama mo kakainom. Ilang beses ko bang dapat isaksak diyan sa maliit mong kokote na sinliit ng virgin mong p*day na kahit kailang, walang gwapo at mayaman na kagaya ni Alden na isang artista ang magkakagusto sayo!"
Nang marinig ni Alden na virgin ako, bigla siyang napahawak sa shorts niya habang mainit ang tingin niya sa legs ko. Pero dahil sa isa akong fan, wala akong pakialam sa malisyoso niyang mga tingin dahil alam ko na mabuting tao si Alden at wala siyang gagawing masama sa akin.
"Pasensya na po kayo tita pero hindi naman po ako ganung klase nang lalaki. Sa katunayan, I am not a picky person in terms po nang kaibigan o ka-ibigan. Si Alden po pala ito at kasalakuyan pong nakasakay si Jane sa sasakyan ng tito ko. Gusto niyo po ba akong kumanta para lang mapatunayan ko po na hindi ako nagsisinungaling?"
Hindi na hinintay pa ni Alden na magsalitang muli si tita, bagkus ay kumanta na lamang ito ng acapela song.
"Wala nang makakapigil kahit na bagyo man... paano kung ikaw na mismo kusang lilisan... paano ba?"
Grabe ang kilig ko sa magandang boses ni Alden at mas napagtanto kong kahit na wala siyang mikropono ay sobrang nag iistand out naman ang kanyang husay sa pagkanta.
"Nako ganyang ganyan nga ang boses ni Alden na walang sawang pinapatugtog ng pamangkin ko. Paano naman nangyari na ang isang milyonaryong gwapo na kagaya mo ay lalapit sa gusgusin kong pamangkin? Eh kahit na maligo yan ng sampung beses walang pinagbago ang hitsura niyan eh! Kung naghahanap ka ng maganda, may irereto ako sayong iba!"
"Tita bakit naman po pinapahiya niyo ako sa harapan pa mismo nang idolo ko? Alam niyo po bang nasasaktan ako sa pagiging pranka ninyo?"
"Hoy Jane, umuwi ka rito bukas dahil uupakan talaga kita! Sabi ko sayo na linisin mo ang inidoro pero pagpasok ko kanina, ang dumi dumi pa rin!"
"Basta tita, sorry po kasi baka tanghali na po ako makakauwi bukas. Nagkaroon po nang pa raffle si Alden at ako po ang nanalo. Sige na po, bibilhan na lang po kita ng pasalubong kapag uwi ko!"
"Ayaw ko na ng paulit ulit Jane, kilala mo ako, alam mo naman siguro ang ugali ko kapag nag init ang ulo ko diba? Wag mo akong daanin sa pagpapakausap mo sa akin kay Alden oh sa ibang mga tao. Nautot at mabaho din ang tao niyan kagaya natin!"
Biglang pinatay ni tita ang selpon niya. Naiinis lang ako kasi swingy talaga ang mood ni tita. Minsan mabait siya pero minsan, ang bastos din ang ugali niya.
"Nako Jane, parang mauudlot pa yata ang date natin bukas. Ikaw ba sigurado kang gusto mo pa rin itong gawin? Kasi gustuhin ko man na maka date ng isang fan, gusto ko rin naman matiyak na wala akong maaabalang ibang tao!"
"Ano ka ba Alden, minsan lang naman kita makasama- or I should say na ngayon lang naman kita makakasama. Wag kang mag alala, ako na ang bahalang makipag usap kay tita. Kabisado ko na naman ang ugali niya at alam ko kung paano siya papakalmahin. At gusto ko sana humingi ng tawad sa mga nasabi ni tita kanina!"
"Sure ka ba Jane? Kasi halata naman sa tono ng pananalita ni tita na hater ko siya. Kaya siguro hindi rin siya sumama sayo. But okay lang yan para sa akin, sanay na naman akong mapagsalitaan ng masama eh."
Muli kaming nag byahe ni Alden at ilang minuto ang nakalipas ay nakarating kami sa isang water fall na hindi kalayuan sa resort kung saan naganap ang mini concert ni Alden.
"Tara na Jane, sa pagkakaalam ko ay pwede pa ang turista sa falls kahit na gabi!" nakangiting pag aaya sa akin ni Alden.