Chapter 12

1425 Words
"Lima, anim, pito, walo..." Hindi na alam ni Aella kung tama pa ba ang pagbibilang ni Denier. Malakas ang pakiramdam niya na hindi, gaya nang nauna niyang ginawa noon na dinadaya ang pagbibilang para mas lalong mapatagal ang kaniyang pagtakbo. Nagawan ng paraan ng pegasus na gumawa ng isang maliit na daanan na maaaring takbuhan ni Aella sa gitna ng kagubatang kinaroroonan nila. Malawak naman ang lugar. May malaking espasyo sa gitna ng mga naglalakihang mga puno na tila sinadya at ginagawa talagang lugar ng pagsasanay. Paikot ito, sinusundan ang pagkakahilera ng mga matatayog na puno. Sa kaliwang gilid, malapit sa isang malaking puno na puno ng kulay rosas na mga bulaklak. Sa tabi nito ay naroon naman ang itinayong tulugan ni Denier, kasama ang iba pa nilang mga gamit. "Tama na, kanina ka pa nakasampung ikot," malumanay na saad ng binata habang hindu maialis ang tingin sa diwatang puno ng pawis ang mukha. "Magpahinga ka na muna bago tayo tumuloy sa susunod na gawain." Tiningala ng diwata si Denier nang tumayo ito't walang sabing pumasok sa kagubatan. Ipinagkibit balikat na lamang niya iyon saka mabilis na ininom ang inuming dala nila. Ang mahabang buhok ni Aella ay pilit kumakawala at sumasabay sa hangin. Ang iilang hibla ay dumikit na sa pawisan niyang mukha. Namumula-mula ang pisngi at mga labi habang ang kaniyang damit ay dumidikit na rin sa kaniyang pawisang katawan. Ang natitirang tubig mula sa kaniyang pinagimuman ay walang pagdadalawang isip niyang ibinuhos sa kaniyang mukha, pababa sa katawan. Ibang klaseng init ang kaniyang nararamdaman at tingin niya'y kailangang-kailangan na niyang maligo. Makalipas ang ilang minutong pamamahinga ng mag-isa ay nagpasya siyang tumayo at pumasok sa kagubatan. Bitbit niya ang punyal na nakaipit sa kaniyang hita gamit ang isang espesyal na panali. Siya ay naglakad-lakad, nagbabakasakaling may makitang ilog kahit kagaya lamang nang ilog sa may gubat katabi ng dalampasigan. "Hindi ba't bilin ko na huwag kang lumayo?" Halos mapatalon ang batang diwata nang marinig ang tinig ni Denier mula sa kaniyang likuran. "Saan ba balak magtungo ng batang diwata?" Pairap siyang hinrap ni Aella, naiinis sa paraan ng pagtawag ng binata sa kaniya. Para kasi kay Aella ay hindi na siya bata pagkt ilang linggo na lamang mula ngayon ay ika-labingpitong taong kaarawan na niya. Hindi na iyon batang maituturing pagkat para sa kaniya, ang bata ay hanggang ikalabing isang taon lamang. "Dahil narito ka na rin lang, laktawan na muna natin ang dapat ay pagssulit mo patungkol sa iyong kaalaman sa kapangyarihang taglay mo," isang ngisi ang namutawi sa labi ng binata, "pumunta na muna tayo sa ikatlong aktibidad mo para sa araw na ito-" "Ilan ba dapat ang aktibidad na kailangan kong gawin ngayong araw?" Gulat at hindi makapaniwala si Aella na hindi lang pala isa o dalawa ang aktibidad na kailangan niyang gawin ngayong araw. "Sampu, ngunit kung hindi matapos ay kailangang ituloy bukas, na ang ibig abihin ay madadagdagan ang mga kailangan mong gawin bukas," paliwanag ni Denier. "Ngayon, gusto kong libutin mo ang kagubatan upang maghanap ng maaaring makain para sa isang linggong pananatili natin ngayo--" "Hindi ba't may mga dala ka namang pagkain natin?" Mabagal na pagtango ang iginawa ni Denier sa diwatang mukhang pagod na kahit hindi pa nasisimula sa gawain. "Ang mga pagkaing iyon ay para sa akin lamang, iyon ang bilin ni Lady Pega. Ang iyong pagkain ay ikaw mismo ang hahanap bilang pag-e-ensayo na rin kaya sige, umalis ka na't humanap ng makakain." Labag man sa kalooban ay walang nagawa ang batang diwata kung hindi ang sumunod. Kung hindi niya gagawin ay siguradong hindi siya makakakain at sa pagkakakilala niya kay Denier, mas susundin nito ang kanilang pinuno kaysa ang awa nito sa gutom na Aella. Nakakatatlong hakbang pa lamang ang diwaata ay napahinto siyang muli nang may isang kamay na kumapit sa kaniyang braso. "Isa pa, bantayan mong maigi ang mga kulay dilaw na telang nakatali sa katawan ng bawat puno. Hindi ka maaaring lumagpas sa mga iyon pagkat mapanganib na para sa iyo..." Walang ganang tango lamang ang isinukli ni Aella. "At ang mga punong may markang pula, iyon ang mga punong maraming bunga na maaari mong kuhanan. Sana ay makatulong." Napakurap na lamang ang batang diwata nang talikuran na siya ni Denier at tuluyang iniwan sa gitna ng gubat. Marahil ay babalik na ito sa kanilang tinutuluyan upang magpahinga. Tahimik na nilakbay ni Aella ang daan patungo sa kaliwang bahagi ng gubat. Hindi pa man nakakalimang hakbang ay nakita na niya ang isang puno na may markang maliit at kulay pula na tila ginamitan ng dugo. Tiningala niya iyon at nakita ang mapupulang mansanas. May kataasan ang puno ngunit kayang-kaya naman niyang akyatin dahil may mga tila hiwa ang magkabilang gilid ng puno na maaari niyang hawakan at apakan. May pakiramdam siy sa kung sino ang gumawa ng mga hiwang iyon ngunit pilit niyang itinatatak sa sarili na kailangan niyang panindigan ang kasungitang ipinapakita niya. Kailangang maging matigas at hindi basa-basta natitinag ang emosyon, iyon ang turo ni Lady Pega kaya iyon ang susundin niya. Naging mahirap kay Aella ang pag-akyat. Ilang beses na dumulas ang kaniyang paa sa tuwing sinusubukang umapak sa hiwa. Iba't ibang klase ng pag-akyat na rin ang kaniyang ginawa gaya ng pagyakap sa puno habang pilit na iniaangat ang sarili, o 'di kaya naman ay ginagawang tila hagdanan ang mga hiwang nasa katawan ng puno. Sinubukan na rin niyang batuhin ang mga bunga ngunit nang may mahulog na isa at nakita niyang may sira ito dahil sa bato ay hindi na niya inulit pa ang paraang iyon. Sa kabilang dako, nakatago ang natatawang si Denier habang pinagmamasdang nahihirapan ang batang diwata. Nais mang tulungan ay hindi niya magawa pagkat siya ang malalagot sa kanilang pinuno. Batid nga niyang malalagot na siya pagkat nilagyan niya ng mga marka ang bawat punong hitik sa bunga na hindi niya dapat ginawa, ngunit ginawa pa rin niya. Hindi niya mawari ngunit hindi niya kayang makitang sobrang nahihirapan ang diwata. "Ang sakit..." Nanlaki ang kaniyang mga mata at halos mapatalon mula sa itaas ng isang punong pinagtataguan niya nang makarinig siya ng malakas na pagbagsak. Ang batang diwata ay nakaupo na ngayon sa kumpol ng mga dahol habang pilit na hinihimas ang kanang bahagi ng kaniyang puwitan. Ang kaliwang kamay nito ay nakatukod sa lupa, ginagamit bilang suporta niya para hindi tuluyang mapahiga sa lupa. Makalipas ang ilang sandali ay tumayo rin ito kaagad at muling tinitigan ang puno, tila nag iisip kung paanong makukuha ang mga mansanas. Napakamot na lamang sa ulo ang batang diwata mang ilang minuto na ang kaniyang nasasayang para lang makuha ang mga iyon. Sa halip na ipagpatuloy ay mabilis ang kaniyang naging kilos nang magpasyang ihuli na lamang ang mga mansanas. Muli, naglakad ang diwata palayo roon at ngayon ay patungo naman sa kanang bahagi ng gubat. Batid niyang dadaanan niyang muli ang banda kung saan naroon ang mga gamit nila. Doon niya napagtanto na maaari siyang kumuha roon ng mga pwedeng gamitin upang mas mapadali ang kaniyang paghahanap ng pagkain kaya naman walang pagdadalawang isip siyang nagtungo roon. Inasahan niyang dadatnan niyang nagpapahinga si Denier doon ngunit laking gulat niya nang tahimik ang buong lugar at kahit anino ng pegasus ay wala. Kahit nga kapirasong balahibo, walang dinatnan si Aella. Ipinagkibit balikat na lamang niya ito saka mabilis na kinuha ang isang mahaba at manipis na espadang may palikong talim sa dulo. Hindi mawari ni Aella kung bakit iniwanan ito ni Denier doon gayong maaaring may ibang nilalang na makakita at makakuha nito na posiblenh gamitin laban sa kanila. Mabilis ang lakad niya pabalik sa lugar kung nasaan ang puno ng mansanas at ngayon, walang kahirap-hirap na niyang naabot ang mga bunga. Bawat sungkit ay mabilis niyang inihahagis ang espada upang masalo ang bawat bungang nahuhulog. Nang mapagod ay inipon na lamang niya ang mga tuyong dahon at ginawang tila maliit na bundok upang gawing pansalo sa bawat bungang kinukuha niya. Hindi nagtagal ay nakakuha ng anim na mansanas ang diwata. Walang mapaglagyan ang tuwa niya. Pagod na siya at ang anim na mansanas ay sapat na upang mapanatili siyang busog ngunit kung matinding pagsasanay ang ipapagawa sa kaniya, marahil ay kulangin kaya sa halip na bumalik sa kanilang tinutuluyan ay nagpasya siyang maghanap pa ng ibang puno. Base naman sa tinuran ni Denier kanina ay may iba pang mga puno na hitik sa bunga kaya iyon ang hahanapin ngayon ng diwata. Pagkaliko ay halos mabitawan niya ang bitbit na mga mansanas nang mukha ng isang lalaking nakangiti ang bumulaga sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD