“TAKE THIS,” wika ni Luna kay Lani matapos iabot ang isang USB flash drive. “Ano laman nito?” tanong ng kaibigan habang naroon sila sa kanyang kotse. Matapos makabalik sa gusali ng Montejo Group of Companies, dumiretso si Blaine sa penthouse at hindi na bumalik sa opisina. Bagay na naiintindihan ni Luna sapagkat nasaksihan niya kung paano nasaktan ng husto ang nobyo sa ginawa ng ama. Pagdating sa bahay ay nakatulog agad si Blaine kaya nagkaroon ng pagkakataon si Luna na umalis. Habang binilin niya kay Mario at mga tauhan nila na bantayan ang binata. Sa isang parking lot ng malaking mall nagkita si Luna at Lani. “Video na kuha ko sa warehouse ng Montejo Group. The old Montejo is now in drug trafficking. Nariyan lahat ng pag-uusap ng mag-ama. Nariyan din sa video ang mga ebidensiya ng d

