“ANO?!” galit na bulalas ni Blaine matapos ibalita ni Mario na umalis si Ysabel para puntahan si Henry Wang. “Bakit mo siya hinayaan umalis?!” sigaw niya sa lalaki. “Boss, pasensya na po. Nagpumilit siya eh. Sinabi ko nga po magpaalam sa inyo pero ayaw niya kayong istorbohin. Huwag kayong mag-alala, boss, nagsama naman siya ng mga tao natin.” Marahas na napabuntong-hininga si Blaine. Maghalong inis at pag-aalala ang agad niyang naramdaman para sa dalaga. Agad nitong kinuha ang phone at sinubukan tawagan si Ysabel. Ngunit panay lamang ang ring niyon kaya naman lalong nadagdagan ang kanyang pangamba. “Saan daw nakita si Henry?” tanong niya pa. “Diyan po sa park malapit dito. Bago umalis si Ysabel, mahigpit po siyang nagbilin sa mga tao natin sa magbantay sa buong building, sakaling

