PAGDATING sa emergency room, napalingon si Luna nang ilipat sila sa magkatabing hospital bed. Kapwa sila may malay sa mga sandaling iyon ngunit ang kanilang paningin ay nananatiling nakapako sa isa’t isa. “Blaine,” umiiyak na sambit ni Luna. Mula doon sa kinahihigaan ay nakita niya ang pag-agos ng luha nito. Hindi na ito nakapagsalita nang kapwa sila lagyan ng oxygen mask. Nang umangat ang kamay ni Blaine at gayundin ang ginawa ni Luna, ngunit hindi iyon umabot. Sa likod ng oxygen mask ay ngumiti sila sa isa’t isa. Sa kabila ng mga natamong mga sugat, pasa at bugbog. Mas nakaramdam ng takot si Luna para kay Blaine. Mas malalim ang naging tama nito nang kapwa sila saksakin ni Henry. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa nobyo. Maaaring kamuhian siya ng binata kapag nalaman na nito ang

