
"Pitong taon, Cris. Pitong taon na tayong nagsasama. Pano mo nagawa sakin to? Pano mo nagawang magloko? May anak na tayo, magiging dalawa na dahil buntis ako. Di mo na inisip ang mararamdaman ko; ng anak natin."
Mahina ngunit madiing sambit ko habang humahagulgol. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong lokohin ng taong pinakamamahal at pinagkakatiwalaan ko.
Nag stay ako kahit sa mga panahong walang wala ito. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin.
"Ano ba ang nagawa kong mali? Ano ba ang naging kasalanan o pagkukulang ko sa'yo para gawin mo to?" Tanong ko na halos di na makapagsalita ng maayos habang humahagulgol pa din at halos di na makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman.
Ngunit lumipas na ang tatlong minuto pero hindi pa din ito nagsasalita at nakayuko lamang. Kaya nag pasya na lang skong lumabas ng bahay para kumalma.
Pero hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ay bigla na lang sumakit ang aking tiyan.
"Ah! Aray! Cris, ang tiyan ko, sobrang sakit! Tulungan mo ko, ang baby natin!"
KAKAHIWALAY lang namin ng ex-boyfriend ko nang makilala ko si Cris noong dalawampu't apat na taong gulang pa lamang ako. Sa garments factory kami nagtatrabaho pero magkaibang department. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya. Pinakilala siya sa akin ng kasamahan ko sa apartment na kababayan ko na din.
Wala sana akong balak na ibigay sa kanya ang aking cellphone number pero makulit siya kaya pinagbigyan ko na din.
Ayaw ko pa sanang magpaligaw noon at makipag-relasyon dahil kagagaling ko pa lang sa break up. Sariwa pa yung sakit.
Pero sadyang makulit siya at pinatunayan namang seryoso siya sa akin. Madalas siyang tumawag or mag text para mag update sa akin at lagi nya din akong inaalok na ihahatid sa inuupahan namin.
Minsan naman pag dumadalaw siya ay tumutulong din siya sa paglalaba ng mga damit ko. Bicolano din daw sila na kagaya ko, ang tatay nya ay tubong Albay at ang nanay naman nya ay taga-Quezon. Ako naman ay taga-Sorsogon.
Dahil sa magagandang pag uugali na ipinakita sa akin ni Cris ay sinagot ko siya at ipinakilala niya agad ako sa pamilya niya. Masayang kasama si Cris. Madalas din kaming mag rides kasama ang mga tropa nya.
Nang mabuntis nga ako ay nagsama agad kami. Ang sabi niya ay magpapakasal daw kami pag makaipon na ng malaki laki. Sa ngayon ay mga gastusin daw muna ni baby ang priority namin.
Naging maayos naman ang pagsasama namin, may konting tampuhan pero naaayos din naman. Minsan halos walang wala kami pero hindi namin sinukuan ang isa't-isa. Naging daan pa yun para mas maging matatag ang aming pagsasama.
Pitong taon na kaming nagsasama nang kumuha kami ng rent to own na bahay. Hindi pa kami kasal noon, unahin daw namin ang bahay para sa mga bata. Kasalukuyan din akong buntis noon sa pangalawa naming anak.
Isang araw ang maayos naming pagsasama ay bigla na lang nagulo dahil sa babaeng nakilala niya sa trabaho. Durog na durog ako noon, halos mabaliw ako sa kaiisip kung ano ba ang kulang sa akin at nagloko siya.
Nahahati ang desisyon ko sa kung pagbibigyan ko pa ba siya para lang manatiling buo ang aming pamilya o hihiwalayan siya para makalaya ako sa sakit na dulot ng pagtataksil niya na halos ikabaliw ko na.

